Tuloy-tuloy ang katok sa pintuan...
Wala naman akong ine-expect na bisita, kaya nagulat ako nang may kumatok sa pinto. Wala ding nabanggit si Ate Maan na may dadating bago siya umalis. Kinakabahan tuloy ako. Wala akong pang-itaas, nanigas ako sa kinauupuan ko.
Halatang kinakabahan din si Shey. Nakatitig kaming dalawa for a few seconds sa pintuan, habang may kumakatok pa din. Mabilisan kong ni-grab yung shirt ko, sinuot ko yun ng kahit wala nang bra. Lumapit ako sa pinto, habang napatayo na din si Shey at sumunod saken. Inayos ko ng konti ang buhok ko.
Tatlong katok pa bago ko buksan ang pintuan, at tumambad sa amin ang mukha ng isang babaeng umiiyak. Nagulat ako.. actually, nagulat kaming dalawa ni Shey, napasinghap pa nga siya.
Tinitigan ko si Ate Girl. Nakakapagtaka kase hindi naman siya saken nakatingin, kundi kay Shey na nasa likod ko. Teka, mukhang pamilyar siya saken...
Shey: "Kylie, anong ginagawa mo dito?"
Tama nga ako. Tama, si Kylie nga...
Hindi sumagot si Kylie. Lumapit siya kay Shey, yumakap, at tuluyang bumuhos ang luha niya.
Ako? Nakatayo lang sa harap at pinapanood sila. Ilang segundo lang ang katahimikan pero parang ang tagal kong natameme at nanigas sa kinatatayuan ko.
Hindi ko gusto ang nakikita ko, pero it's rude naman na itaboy at paalisin sila habang umiiyak si Kylie.
Tinanggal ni Shey ang pagkakayakap ni Kylie sa kanya, "Bakit ba andito ka Kylie? Anong problema?"
Pinunasan ni Kylie ang mga luha niya at huminga ng malalim. "Marami akong kailangang ipaliwanag sayo Shey. Dalawang buwan akong nawala, dalawang buwan nila akong inilayo sayo. Wala akong kasalanan Shey, hayaan mo 'kong mag-explain... Andito na ako, Shey... Please, let me explain..." Umiyak na naman si Kylie. Nakakaawa siyang tingnan. Sa hitsura nya, mukhang maghapon na lang siyang umiiyak.
I decided na hayaan muna silang mapag-isa. "Shey, akyat muna ako sa kwarto para makapag-usap kayo," sabi ko.
Shey: "No Jamie, dito ka lang."
Me: "Mukhang seryoso yung kelangan nyong pag-usapan Shey, kaya iwan ko muna kayong dalawa."
At that moment, alam ko na-stuck si Shey between me and Kylie. At the back of my mind, gusto kong papiliin si Shey: ako ba o si Kylie? Paaalisin mo ba siya, o ako na lang ang aakyat para hayaan kayong dalawa?
Pero mukang di ko na rin naman kelangan tanungin pa siya. Dahil mukang istorbo nga naman ako base sa sagot ni Shey, "Kausapin ko lang siya, Jamie. Okay? I promise, babalik din ako agad. Babalikan kita. Ayusin ko lang 'to."
Me: "It's okay. Take your time. You don't need to rush."
Aakyat na sana ako, pero may nakalimutan ako. Bumalik muna ako sa sofa, kinuha ko yung naiwan kong bra, tsaka ko sila nilagpasan papunta sa hagdan.
Me: "Pasensya ka na Kylie, masyadong makalat dito samin eh. Balitaan nyo na lang ako ha. And, paki-sarado yung pinto bago kayo umalis. Thank you."
I smiled. A sarcastic one. I went upstairs straight to my room, then I heard the door downstairs shut. Umupo ako sa kama ko, at dun.. tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
To be continued.

BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...