Part 3

381 5 0
                                    

Nakatingin lang ako kay Ate Maan at Anj. Napatigil ako sa paglalakad. Malayo pa ako kaya hindi nila ako nakita, kaya hindi na ako tumuloy papunta sa CR. Naglakad ako pabalik sa table namin. Si Shey na lang ang natira dun, nagswimming na din siguro yung magjowa. Nakaub-ob siya sa braso niya dun sa table. Medyo natameme pa din ako sa nakita ko.

Umupo ako sa tabi ni Shey, napatunghay naman siya.

Shey: Oh? Bilis mo naman magCR?

Me: Ahh, medyo madilim kase, kaya natakot akong tumuloy. Bumalik na lang ako.

Shey: Gusto mo ba samahan kita?

Me: Ay hindi. Wag na. Okay lang. Mamaya na lang siguro.

Shey: Sigurado ka? Masama kaya yung nagpipigil ng ihi.

Me: Okay nga lang. Pasama na lang ako kay Ate mamaya.

Shey: Ikaw din.

Buti na lang hindi na nagpumilit 'tong si Shey. So, na-confirm ko na nga ngayon na may something between Ate Maan and Anj, pero gusto ko pa din itanong kay Shey kung may alam siya. Lasing kase yung dalawa, baka naman nadala lang ng alak? Pero parang hindi eh... 80% sure ako na sila talaga.

Hinawakan ulit ni Shey yung kamay ko. This time, hindi siya sa palad humawak kundi sa may ibabaw ng kamay ko. Nakakailan na 'tong si Shey ah. Pero bakit ganun? Imbes na maging weird sa feeling, at imbes na pigilan ko siya, parang mas nakakaramdam ako ng kilig. Hinayaan ko lang siya.

Tahimik lang kami for around 2 minutes siguro, tapos maya maya humiga siya... yung ulo niya sa hita ko.😱 Hindi niya binibitawan yung kamay ko, parang pinagpapawisan na nga ata ako.

Shey: Sorry Jamie, medyo inaantok na kase ako. Ayoko namang iwanan ka dito.

Me: Hala, okay lang. Kung gusto mong matulog na, okay lang saken.

Pero deep inside gusto ko magstay siya kasama ko. Okay lang naman saken na nakahiga siya tulad niyan. 😍

Shey: Okay pa naman ako. Nagpapabawas lang ako ng hilo.

Me: Sigurado ka?

Shey: Ako pa.

Konting silence. Gusto ko na sanang itanong yung about kay Ate Maan at Anj, pero biglang nagsalita ulit si Shey.

Shey: Nasan pala yung tent nyo?

Itinuro ko sa kanya yung pangatlong tent mula sa table namin.

Me: Yung parang maroon.

Shey: Isang tent lang ba ang dala niyo? Magkakasya ba kayong tatlo nila Maan dun?

Me: Medyo maliit nga eh, pero okay naman siguro para samin yun. Hindi naman ako mataba.

Shey: Baliw, hindi ko sinabing ganun. Gusto mo maki-share ka na lang sa tent ko? Malaki kase yung dala ko, baka nga kasya pa tayong apat nila Ate mo.

Me: Wala ka bang ibang kashare sa tent?

Shey: Wala eh. Hindi ko naman sila kaclose, lahat sila may kanya-kanyang dala.

Napaisip ako. Kawawa din kase siya. Wala siyang kasamang matulog. Tsaka parang mas gusto ko pa siyang makasama ngayong gabi. Gusto ko pang makipagkwentuhan sa kanya. Gusto ko pa siyang makilala. Kaya sabi ko, "Sige, magsasabi ako kay Ate."

Shey: Yun! Thank you! 😊

Laki ng ngiti niya eh.

Nagpaalam na siya para magshower muna. Nahihiya din siguro kase amoy alak siya. Ako naman, balak ko din magpalit ng damit, then magpapaalam ako kay Ate na makikitulog ako sa tent ni Shey. Around 11pm na siguro nun.

Dumiretso na ako sa tent. Nasilip ko mula dun sa bintana ng tent na may tao na sa loob. Andun na sina Ate and Anj. Binuksan ko para kunin yung gamit ko. Nakita ko na magkayakap silang dalawa. Natutulog na sila pareho.

Nagugulat pa rin ako sa mga nalalaman ko between Ate Maan and Anj, pero kinikilig ako para sa kanilang dalawa. Bakit hindi ko naisip yung possibility na may something sa kanilang dalawa noon pa? Sweet na talaga sila sa isa't-isa. Nakikita ko sila naghuhug paminsan minsan, pero hindi ko binibigyan ng malisya. Until nakita ko yung mga kaplayers niya na magjojowa, tapos silang dalawa very sweet din, tapos nagkiss pa sila. Gusto ko itanong personally kay Ate kung sila nga ba talaga, pero parang nahihiya naman ako iopen yung topic sa kanya.

Kinuha ko na yung damit ko. Itetext ko na lang si Ate, para kung sakaling magising siya, hindi siya mag-aalala kung nasan ako.

Nung matapos ako, nakita ko si Shey, andun ulit sa table namin kanina, naghihintay saken. Medyo nalinis na niya yung pinag-inuman nila kanina.

Shey: Wow, fresh na din ah.

Me: Lagi naman eh.

Medyo napatawa kami pareho. Tumayo siya, hinawakan yung kamay ko (ulet) tapos hinila niya ako kung saan andun yung tent niya.

Malaki nga para sa iisang tao. Kasya siguro dito 6 or 7 na tao, kumpara dun sa dala namin na tent.🤣 Nauna na siyang pumasok, then ako. Wow, neatly arranged pa yung loob. Ang kapal pa nung kumot na dala niya. Ay yung kumot, nalimutan ko magdala ng kumot ko.

Me: Ay teka, babalik lang ako sa tent. Nakalimutan ko magdala ng kumot ko.

Shey: Wag na. Malaki naman tong kumot ko. Pwede din natin paghatian. Hindi ko naman masasakop tong lahat.

Me: Eh pero siyempre..

Shey: Ano ka ba. Mahihiya ka na naman eh. Share na lang tayo dito.

Sige na nga. Mapilit siya, pero totoo, nakakahiya nga. Humiga na siya, nispread niya yung kumot para masakop din ako. Nagkumot na din ako, tapos humiga ng medyo malayo sa kanya.

Shey: Mabaho ba ako?

Me: Ha? Bakit?

Shey: Ang layo mo kase saken. Parang nababahuan ka.

Me: Hindi nuh. Baliw ka talaga.

Ayun, siya yung lumapit saken. Pero hindi lang yun, iniyakap niya yung kamay niya sa bewang ko. Naaamoy ko tuloy yung buhok niya, ang bango.😍 May konting amoy ng alak sa kanya, pero mabango pa din siya. (Di ko magets hahaha, basta mabango.)

Ang clingy clingy ni Shey, grabe. Pero okay lang saken. Inangat niya yung ulo ko, inihiga sa braso niya, tapos yung isang kamay niya, iniyakap niya ulit sa may tiyan ko. 🙈 Kung lalaki 'tong si Shey, crush ko na 'to eh. Pero napaisip ako, pwede ko din naman siguro siyang maging crush kahit babae siya.🤣

Shey: Tulog na tayo, para maaga tayo magising bukas. May boating daw eh sabi ni coach. Sama tayo.

Naexcite ako. Pero tutulog na daw siya? Gusto ko pa naman sanang makakwentuhan siya. Pero inaantok na talaga siya, kaya sige, next time na lang. Hindi ako masyadong gumagalaw. Parang na-froze ako sa pagkahug niya. Pero nakaimik ako kahit pano.

Me: Osige. Tulog ka na. Antok na antok ka na. Good night ha.

Shey: Goodnight Jamie. Isama mo ko sa panaginip mo ha.

Medyo bumangon siya, nakatuon yung braso niya sa unan, tapos humarap siya saken. Lumapit siya... nilapat yung lips niya sa lips ko... at dun, dun naganap yung unang kiss ko.

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon