Part 16

185 1 0
                                    

BOOM! Iniluwal ng pinto ang gulat na mukha ng nanay ni Tanya. 😳 Nakatingin siya samin.. sa pwesto namin ni Shey. Pero nakita kong ibinaling niya yung tingin niya sa iba, para siguro hindi namin mahalatang nagulat siya. Pumasok siya para ihain yung meryendang dala-dala niya. Si Shey naman, parang wala lang. Hindi natitinag. Hindi man lang niya ako pinatayo o pinaayos ng pwesto nung pumasok si Tita.

Mas lalo namang hindi natinag yung magjowa ni Tonette at Tanya. Sobrang sweet pa din nila kahit sa harap ni Tita.

Naiilang na akong sobra, pero hindi naman ako makagalaw. Hindi ko alam kung paano ako tatayo. Ayoko din naman tumayo (medyo malandi lang?😅). Sa totoo lang, first time kong lambingin ng ganito, at sobrang sarap pala sa pakiramdam. Deadma na lang yung hiya, mas nananaig ang kilig hahaha.

Tanya's Mom: "Anak, yung juice nasa baba pa. Lika, tulungan mo 'kong kunin."

Tanya: "Opo Ma."

Pagkalabas ni Tanya at ng mommy niya, bumaling ng tingin samin si Tonette. "Uy, diba kakanta pa 'tong Jamie? Naka-isip ka na ba ng kanta?"

Halaaa. Di pa din ba niya nakalimutan yun? Akala ko saved na ako.😭 Nahihiya akong kumanta.

Me: "Hindi naman ako marunong kumanta eh."

Tonette: "Gusto lang namin marinig yung boses mo. Dali na please."

Me: "Diko pa rin alam kung anong gusto kong kantahin eh." Mapilit talaga tong si Tonette.😑

Shey: "Pagbigyan mo na kase. Isang kanta lang." Isa pa naman tong si Shey😒

Tonette: "Osige, pagkatapos nitong isang kanta ha, ikaw naman ang sunod."

Naisip kong mag-excuse muna kay Shey. Punta ako sa CR, hindi dahil para umihi, kundi para huminga muna ng konti. Kanina ko pa pinipigil yung paghinga ko dahil sa pagkahawak ni Shey sa tiyan ko😅.

Me: "Shey, CR lang ako."

Shey: "Samahan kita?"

Me: "No, okay lang. Saan ba dito yung CR nila?"

Shey: "Sa kwarto ng Mama at Papa ni Tanya. Pero meron din sa baba. Samahan na kase kita."

Me: "Okay nga lang. Malaki na ako, kaya ko na sarili ko."

Shey: "Basta sa may kitchen yun. Nasa baba naman si Tanya, tanong mo na lang sa kanya."

So yeah, nakatayo na ako finally. Kkahiya na din kay Shey, feeling ko sobrang bigat ko. Bumaba na ako, at sa hagdan pa lang, narinig ko nag-uusap si Tanya at yung Mama niya sa kitchen.

Dahan-dahan lang ako, tapos medyo narinig ko yung name ko, kaya napatigil ako.

Tanya's Mom: "Matagal na ba sila nung Jamie?"

Tanya: "Hindi pa naman sila Ma."

Alam kong yung samin ni Shey ang pinag-uusapan nila.

Tanya: "Nanliligaw pa lang daw si Shey."

Tanya's Mom: "Eh paano na pala sila ni Kylie?"

Kylie? Teka, sino yun?

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon