Hindi ko alam kung anong mararamdaman kong sa nakita kong group picture na yun. Nakakiss si Shey dun sa girl na kasama niya sa picture. Sa cheeks lang naman pero...Hay. Ayokong mag-isip agad ng kung ano. Una, hindi naman ibig sabihin nun na magjowa agad sila diba? Naka-kiss lang naman diba? Baka naman barkada picture lang? Sa totoo lang, ayokong isipin na ex niya yun. Maganda si Ate Girl sa picture eh.
Pero wait, dapat ba akong magselos kung ex nga niya yun? Dapat bang pagselosan ang ex lalo na't wala naman siyang ginagawa? Dapat bang pagselosan ang isang picture na part ng nakaraan? Teka, nagseselos ba ako?
Erase.. erase..
Napalingon ako sa kanila. Si Tanya nasa baba, kinukuha niya yung karaoke na gagamitin namin. Si Tonette naman nagseset-up nung TV, tapos si Shey busy sa paghahanap ng charger ni Tanya. Makikicharge daw siya ng phone niya kase. Buti na lang hindi nila napansin na tinitigan ko yung picture na yun.
Nakatayo lang ako sa may malapit sa pinto. Nahihiya akong kumibo, o kahit umupo. Baka mamaya makabasag pa ako ng kung ano.😅 Kabago-bago ko pa lang dito eh.
Maya-maya, umakyat na ulit si Tanya. Sinet-up na agad nila yung karaoke para maka-start na daw agad kami. Nakaupo na si Shey sa maliit na couch katabi ng kama ni Tanya. Comfy na comfy siya ah, nakasaksak na din yung phone niya.
Shey: "Jamie, halika, upo ka dito oh. Wag ka mahiya."
Napangiti lang ako, tapos lumapit ako para umupo sa tabi niya. Nasa isip ko pa din yung about sa picture na nakita ko.
Shey: "uy, okay ka lang ba?"
Paboritong linya talaga to ni Shey. Pero siyempre, okay lang ako kunwari kahit hiyang-hiya at isip na isip ako about sa babaeng hinalikan niya dun sa picture.
Me: "Oo. Okay lang ako."
Medyo matipid at plastik lang yung sagot ko. Sana mahalata niyang hindi ako okay. Para kulitin niya ako kung bakit. Tapos para maitanong ko na din kung sino yung girl na yun. Pero parang malabo na mabring up ko yung topic. Binago niya kase yung usapan.
Shey: "Nagugutom ka ba? Kuhanan kita ng pagkain gusto mo?"
Napaka-maasikaso talaga nitong si Shey. Kainis, masyadong nakakafall.
Me: "Hindi, okay lang talaga ako promise. Naninibago din lang ako eh."
Shey: "Okay naman dito. Mabait naman yung Mommy at Daddy ni Tanya kaya wag kang mag-alala. Feel at home ka lang dito."
Tanya: "oo nga Jamie. Lagi na ngang sa fridge ang diretso niyang si Shey pag pumupunta dito."
Nagtawanan kaming lahat. Mukhang sobrang close na talaga sila sa isa't-isa ah. Sana ako din, maka-close ko silang lahat.
After 100000 years, nakapagstart din kami magkantahan. Unang kumanta si Tanya ng "A Thousand Years," mic test daw. Sunod naman si Tonette. In all fairness, magaling silang kumanta. After nun, kumanta sila ng duet, "Hanggang Ngayon." After nila, tinutukso nila na kumanta daw ako. Hindi ako prepared 🙈
So tumatanggi talaga ako. Pero mapilit sila.. so sabi ko, iisip lang ako ng kakantahin ko. Pero joke joke lang yun. Ayoko kumantaaaa.😭
Buti na lang life saver tong si Shey ko. 😍 Siya na lang daw muna ang kakanta bago ako. She entered "Beautiful As You" by All-4-One 😍😍😍😍 Ganda ng boses niyaaaa. Bakit ba parang lahat ng magandang qualities nasa kanya na? Hindi man lang siya magtira sa iba😅
From this day on, naging favorite song ko na siya. (Pakinggan niyo yung song please.)😍😍😍
Napapatingin ako sa kanya habang kumakanta siya. Tapos paminsan minsan tumitingin siya saken, medyo awkward.. so kunwari titingin ako sa screen..
Nakaupo si Tonette sa kama, habang nakahiga si Tanya sa hita niya. Nilalaro ni Tonette yung buhok nya. Bakit ba kelangang sobrang sweet nila? Nakakainggit. Sana kaya ko din maging sweet.😕
Nung matapos si Shey, kinuha ulit ni Tonette yung mic. Siya ulit yung kumanta.
Hinawakan ni Shey yung kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Medyo maliit lang yung couch na inuupuan namin. Pero kasya naman kaming dalawa. Parang single couch lang na medyo mas malawak. So magkatabing magkatabi lang kami.
Shey: "Tayo ka Jamie."
Me: "Huh?"
Shey: "Tayo ka, sabi ko."Tumayo naman ako, binitawan niya yung kamay ko, tapos yung kabilang kamay niya naman ang inihawak niya saken. Nakaupo lang siya, medyo ini-hug nya yung kamay niya sa tiyan ko, tapos kinabig niya yun para mapaupo sa lap niya. 🙈🙈🙈 Grabe siyaaa. Naiilang ako, pero bakit siya parang natural lang.
Nakahug pa yung isang kamay niya saken. Tapos sinandal niya yung baba niya sa balikat ko. Matutunaw na ako sa kilig. Kabado pa akooo. Hindi ako masyadong gumagalaw.
Kumanta naman ulit si Tanya. Alam kong nakikita nila yung pwesto namin, pero parang wala silang nakikita eeehh. Sweet sweet pa din nila.
Sige lang sa pagkanta yung magjowa. Maya-maya, may nag-open ng pinto. Pagkabukas, andun yung Mama ni Tanya, dala niya meryenda namin. Tumunghay siya, napatingin agad sa amin ni Shey. At alam ko, kitang-kita niya kung paanong nakakandong ako kay Shey, habang si Shey nakayakap naman sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...