Part 7

244 2 0
                                    

Napangiti si Shey sa sagot ko. "Totoo nga? Pwede nga?" Sabi niya.

Me: Ayaw mo ata. Bawiin ko na lang.😅

Shey: Hindi! Baliw 'to!

Medyo napalakas yung boses niya kaya napalingon yung mga kasama namin. Napatawa na lang kami.

Shey: Syempre nagulat kase ako. Hindi ko alam na papayag ka. Kanina kase parang hindi yung gusto mong isagot saken. Hinanda ko na nga yung sarili ko kung sakaling humindi ka saken.

Me: Syempre gusto kitang bigyan ng chance." Tapos ngumiti ako. Napatingin ako sa kanya, nakatitig siya saken. Iniwas ko tuloy yung tingin ko, parang gusto ko ngang i-cover yung muka ko. Sasabog na naman ako sa hiya. 🙈

Hanggang sa makabalik kami dun sa resort, hindi na binitawan ni Shey yung kamay ko. Parang wala na din siyang pakelam na makita nung mga kasama naming magkaholding hands kami. Medyo naiilang ako, kase tumitingin sila, pero hinayaan ko lang siya. Nauna yung bangka namin na makabalik kesa sa bangka nila Ate. Si Ate.. oo nga pala.. sasabihin ko kaya sa kanya yung about samin? Siguro naman, okay lang sa kanya. Maiintindihan niya siguro 'ko.

Hinila ako ni Shey, upo daw kami dun sa may tabing dagat. Binuksan niya yung phone niya, punta agad sa camera. Hilig sa picture-picture nitong babaeng 'to talaga. 🤣 "Picture tayo ulet," sabi niya. Umakbay siya sa balikat ko gamit yung kaliwang kamay niya tapos mula dun pinisil niya yung ilong ko, sabay 'click!' Baliw, wala nang bilang. Hindi na naman ako nakapose ng maayos.😑

Me: Kanina ka pa ah. Pangitiin mo naman ako ng ayos. Uso din pati magcount sana.

Shey: (tumatawa) Ay, kelangan pa ba magcount? Oh sige, try ulit naten.

So ayun, nagready ulit kami, inayos pa niya yung bangs niya. Nagpractice pratice ng ngiti niya kunwari, tapos nagcount siya. "1... 2... 3..." Sabay kiss niya... sa right cheek ko... 'click!" 🙈🙈🙈🙈

Grabeeeee. Iba din mag-damoves 'tong babaeng 'to. Nakita ko yung picture namin. Ang cute... Gusto ko ipapasa yung copy sa phone ko, pero nahihiya akong magsabi sa kanya. Nagpindot pa siyang konti sa phone niya, bago niya sinabing, "Anong facebook mo pala? Add kita."

So yun, na-add agad niya ako sa facebook. Hindi ko naman ma-accept agad since wala akong internet. Pulubi ang lola niyo. 🤣 Mamaya na lang sigurong hapon, pag-uwi namin sa dorm.

Maya-maya, dumating na din yung bangka nila Ate. Pagbaba nila, ngumiti ako sa kanila ni Anj, pero si Ate, dire-diretso lang siya papunta sa tent namin. Parang walang pakelam, parang walang nakita.

Bumalik na din kami dun sa table namin para kumain. Bandang 8am na siguro nun. After ng breakfast, diretso na nagswimming yung mga kasama namin. Si Ate Maan at Anj, pumunta rin sila. Kami naman ni Shey, naiwan lang nakatambay sa table. Nakahiga na naman siya sa legs ko. Gusto atang matulog. Antok pa din siguro 'to dahil hang over mula kagabi.

Me: Mag-nap ka muna kaya? Mukang antok na antok ka din eh.

Shey: Okay lang ako. Eh di wala kang kausap dito pag tinulugan kita?

Me: Maglalaro na lang ako dito sa phone ko. Para makabawi ka din sana dun sa puyat mo kagabi. Alam ko may hangover ka pa.

Shey: Osige na po. Hindi pa man tayo strict ka na agad saken.😅

Me: Eto baliw talaga. Hindi ako strict noh. Bahala ka nga dyan.

Shey: Binibiro lang naman kita. Eto naman, magagalit agad.

Hindi ako nagagalit sa totoo lang. Kinikilig pa nga ako sa mga banat nitong si Shey. Lakas magpakilig eh.🤣😍 

Shey: Sige na, magnap lang ako. Pero walang goodnight kiss ba?

Me: Goodnight kiss? Eh ang taas-taas ng tirik ng araw?

Shey: Eh di goodmorning kiss?😅

Me: Eto talaga, hindi pa man tayo, napaka-demanding na.

Shey: (tumawa ng malakas) So may chance?
Me: Matulog ka na. Antok lang yan.

Shey: Kiss ko nga?

Hindi talaga tumitigil eh hanggat hindi nabibigay ang gusto, kaya sige na. Kiniss ko siya mula sa pagkakaupo ko. Pero sa forehead lang.😊

Shey: Tipid naman. Pero thank you. 😊 Makakatulog na ako.

Tumahimik na din siya. Ako naman, medyo umub-ob sa table. Nakakaramdam ako ng antok pero hindi ayoko namang matulog. 10-15 minutes na siguro akong nakatungo sa table nang biglang may nagvibrate, phone ni Shey. Ipinatong niya kase sa table. May nagtext sa kanya. Ayoko namang gisingin siya, mamaya na lang niya basahin paggising niya.

Hindi ako tsismosang tao, at hindi rin ako pakelamera, pero hindi sinasadyang nabasa ko yung name ng nagtext sa kaniya. Pano ba naman, nakabander sa screen ng phone niya.

Nakita ko yung pangalan nung nagtext: "B💕👩‍❤️‍👩Y"

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon