Tulad ko, halatang nagulat din si Shey. Hindi ko din naman ineexpect na masasabi kong lahat yun. Napuno na din siguro lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, kaya sumabog lahat ng one shot.Naghihintay ako sa sagot niya, pero parang wala siyang balak magpaliwanag o sumagot sa kahit isa man lang sa mga tanong ko. Napapahikbi na din ako dahil sa pag-iyak ko.
Tumalikod ako sa kanya, tumuloy ako sa paglalakad. Binilisan ko. Pinunasan ko yung luha ko, at pinigalan yung pag-iyak ko. Nag-expect ako na susundan niya ako, pero walang Shey na bumuntot saken. Ayoko din namang lingunin siya.
Nakarating ako sa terminal ng jeep na pauwi sa dorm na walang Shey na nagparamdam. Hanggang sa makarating na ako ng dorm at makahiga sa kwarto, walang tawag o text galing kay Shey...
Wala na nga siguro siyang balak magpaliwanag. O siguro dahil totoo nga yung inaakala ko. Na rebound lang ako... at hindi pa siya nakakamove on kay Kylie...
Ang sakit naman... naiiyak na naman ako. 😞 Pero salamat na din kase hindi na umabot sa pagiging "kami" bago ko madiscover yung kay Kylie. Mas masakit siguro kung nagkataon... pero masakit din naman yung nararamdaman ko ngayon... Wala yatang degree ang sakit kung puso ang nasasaktan. Lahat yata sobrang sakit.
First time ko din kase, na magmahal, tapos masaktan din agad.. Ang galing, pwede palang mangyari yun sa loob lang ng ilang araw. (Slow clap)👏
Narinig kong may nagsarado ng pinto sa baba, kaya pinunasan ko ulit yung luha ko. Andyan na si Ate, tapos na sya sa training. Kasama niya si Anj. Alam kong mahahalata niyang umiyak ako kaya nagtulug-tulugan ako.
Naramdaman kong pumasok siya sa kwarto, pero lumabas din agad nung nakita niyang natutulog ako (kunwari).
Narinig ko pang nag-uusap sila ni Anj sa may hagdan. Medyo mahina, pero malinaw naman sa pandinig ko.
Anj: "Nag-uusap na ba kayo ulit?"
Ate Maan: "Hindi pa rin masyado. Pero wala naman na sakin yun. Kung kakausapin niya ulit ako, kakalimutan ko na lang yung nangyari. Basta nasabi ko na lahat sa kanya yung ayaw at gusto ko."
Anj: "Pero ano sa tingin mo...?"
May sinabi pa si Anj, pero hindi ko na masyadong narinig.
"Dadaan muna siya saken, bago kay Jamie. Hindi niya mahahawakan yung kapatid ko," yun lang ang narinig kong sagot ni Ate Maan kay Anj.
Umalis din sila ni Anj after nun. Pumunta siguro sila sa mall. Ako naman, nakaidlip lang din. Natuloy yung pagtutulug tulugan ko.🤣
Nagising ako nung dumating si Ate, around 10pm siguro. Niyaya niya akong magdinner, pero sabi ko inaantok pa ako. Sa totoo lang wala akong gana. Tinuloy ko lang yung tulog ko, nagising lang ako the next day.
Cellphone ko agad ang hinagilap ko paggising ko ng around 8am. Kahit alam kong wala na akong dapat hintayin pa kay Shey, part ng isip ko ang umaasa na sana mag-reach out pa rin siya saken. Pero wala...
Maghapon akong nakatambay lang sa bahay. Napansin na nga din ako ni Ate, lumabas man lang daw ako. Pero wala, sabi ko tinatamad ako kase sobrang init.
For the whole week, ganito lang yung routine ko. Gigising ng 8am or 9,tapos manonood ng TV, tutulog ulit, tapos kakain, tas liligo, tapos tulog ulit. Si Ate, tuloy pa din ang training, pero after this week, may ilang weeks sila na off from training kaya uuwi kami ng probinsya.
Konting tiis na lang sabi ko. Burong buro na ako dito sa dorm, pero tiis lang. Last day na din naman bukas ng training ni Ate, Friday na bukas eh. Rerequest ko sa kanya na kung pwedeng dumiretso na kami sa pagbiyahe after ng training niya.
Ready na ako magstay ulit for another whole day sa dorm, pero bago umalis si Ate Maan for her training, ginising niya ako from my nap. Akala ko magpapaalam lang siya, but no.
Ate Maan: "Jamie, bumangon ka diyan. Maligo ka. Tingnan mo nga yang itsura mo. Magbihis ka."
Me: "Mamaya na lang Ate. Dito lang din naman ako sa kwarto maghapon. Wala namang aamoy sakin dito."
Ate Maan: "Maligo ka na nga kase. May susundo sayo mamayang 3pm. Kaya magready ka na."
Me: "Ano? Sino?"
Ate Maan: "Basta bilisan mo."
Me: "Ehhh.. hindi ako magbibihis kung hindi mo sasabihin."
Ate Maan: "Ikaw din, bahala ka. Basta dadating siya ng 3pm, ready ka man o hindi. Alis na'ko, alas dos na pala. Bye!"
Kainis naman si Ate. Hindi man lang sinabi saken kung sino yung dadating. Basta niya na lang ginambala yung pagpapahinga ko. Pero nagready na rin ako, kung dadating nga yung kung sino man yun. Nagbihis lang ako ng sweatpants, white shirt at running shoes. By 2:45 nakaready na din ako.
Buti na lang napaaga ako, kase 5 minutes before 3, may kumakatok na agad sa baba.
"Wait! Parating na!"
Pagbukas ko ng pinto... Diko inaasahan yung taong makikita ko...
Nakatayo sa harap ng pinto... si Shey..
-to be continued.
BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...