Tinitigan ko lang yung post ni Shey... Bakit parang hindi naman siya yung tipo ng taong kaya akong saktan? Bakit parang hindi ko nararamdaman na gagawin saken yun ni Shey? Siguro naman... may paliwanag si Shey sa lahat ng yun... sana...
Nawala na isip kong may text nga pala siya na hindi ko pa narereplyan. Tumunog bigla yung messenger ko. May message galing kay Shey: "Galit ka ba Jamie? May text at calls ako sayo, hindi ka kase nagrereply saken."
Medyo nag-isip ako ng magandang dahilan. Dapat pala hindi ko muna na-accept yung friend request niya. 🤦🏻♀️ Masyado akong na-excite nung nakita ko yung profile picture niya eh. Diko tuloy alam kung paano ako magpapaliwanag kung bakit hindi ako nakareply sa kanya.
....
"Ay sorry. Nagcharge kase ako pagdating. Lowbat na kase ako kanina. Diko pa nacheck yung phone ko. Tablet kase gamit ko ngayon." Sagot ko sa chat niya.
Mukhang effective naman yung palusot ko. Nagreply siya "😊 akala ko galit ka saken eh. Sure ka, walang problema?"
Me: "Wala 😊 Ano ba dapat maging problema?"
Naisip ko yung mga sinabi ni Ate tungkol sa kanya. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pero sabi ko sa sarili ko, wag na lang... Mas gusto kong bigyan ng chance si Shey. Paano kung mali lang pala ng pagkakilala si Ate Maan at Anj kay Shey?
Gusto ko ding malaman yung katotohanan sa nangyari sa kanila noon. Sigurado akong may magandang paliwanag si Shey. Oo, tanga na kung tanga. Andito si Ate para magbigay saken ng warning, pero matigas ang ulo ko. Mas nangingibabaw saken yung feelings ko kay Shey na nag-uumpisa nang mabuo. Mas nangingibabaw yung kagustuhan ko na kilalanin pa siya.
Bahala na kung masasaktan ako, basta bibigyan ko siya ng chance. Pagkakatiwalaan ko siya ngayon. Pero hindi ko kayang sabihin kay Ate yun. Itatago ko sa kanya, kase alam kong hindi siya papayag kahit anong pagtatanggol ang gawin ko.
Sumagot si Shey sa message ko: "Wala naman. Nagtaka lang po kase ako kanina, hindi ka kase nagpaparamdam saken. 😞"
Tinry kong maging casual.
Me: "Sorry... Di ko na po uulitin. Nagcharge kase ako ng phone ko."
Shey: "Okay lang yun. Pero dahil dyan, may utang ka saken. Kelangan mo kong samahan lumabas bukas. 😊"
Sasagot na ako ng "oo", pero bigla kong naalala si Ate.
Me: "Saan mo ba gustong pumunta?"
Shey: "Basta, akong bahala. Sagot ko. Puntahan kita around 3pm.😊"
Ayokong makita siya ni Ate. Sa may tapat lang kase ng school yung dorm namin. So kung pupuntahan niya ako dito, baka magkita sila. Kaya sabi ko sa kanya, magmeet na lang kami sa mall. Tutal nasa school naman si Ate sa hapon. Tuloy kase silang magtraining ni Anj sa school, tapos gabi na sila natatapos.
The next day, lumabas si Ate ng around 2pm. Ayokong makita niyang aalis ako kaya hindi ako nagready hanggat hindi siya lumalabas. Nung makaalis siya, naligo agad ako. At least 15 minutes by jeep yung mall galing sa dorm namin. Around 2:40 na siguro ako nakatapos, kaya nalate ako papunta sa mall.
Nagkasundo kami na magmeet sa food court, nagtext siya saken na naghihintay na daw siya dun.
Medyo kabado ako kase unang beses kami lalabas na magkasama. Date ba yung tawag dito? Ewan... Medyo nahihiya pa ako...
Pagdating sa mall, nagmamadali na ako makapunta sa food court. 2nd floor pa. Medyo malaki din at madaming tao sa food court kaya paikot-ikot yung paningin ko para hanapin siya.
Finally, nakita ko siya dun sa may right corner na table. Nakatali yung buhok niya ng mataas, tapos nakacap siya na black, plain white shirt, then leggings na black.
No doubt, maganda talaga si Shey. Mapapansin mo talaga siya, pero hindi yung ang nakapukaw ng atensyon ko.... kundi yung babaeng kashare niya sa table. Magkaharap sila dun sa table... nakadress si Ate Girl, nakadoll shoes na pink. Nag-uusap sila kaya hindi pa ako napapansin ni Shey. Enjoy na enjoy sila sa pinag-uusapan nila, yung babae tawa ng tawa.. maski naman si Shey.... ang saya nila. Wow, perfect scene...
BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...