Mabilisan akong nagpaalam kay Shey. Itetext ko na lang siya pagdating sa dorm sabi ko. Ni hindi man lang ako nakapaggoodbye kiss sa kaniya, kase andun si Ate, nakatingin samin. Pinisil niya lang yung kamay ko, tapos nagpaalam na. Hindi ko na lang ulit pinansin si Ate.
Sakay ulit kami ng jeep pauwi ng dorm. Magkakasabay kaming tatlo nina Ate Maan at Anj. Nung makarating sa dorm, hindi mahanap ni Ate yung susi niya. Alam kong irita pa rin siya saken pero kinausap niya ako. "Jamie, yung susi mo nga, pahiram," sabi niya. Wow, nanghihiram na nga lang tapos ganun pa siya magsalita. Gusto ko na siyang komprontahin pero nahihiya akong kausapin siya dahil andun din si Anj. Inabot ko na lang yung susi ko sa kanya. Hindi ako nagsalita.
Saglit lang din nagstay sa dorm si Anj. Kinuha lang niya yung mga gamit na hinabilin niya dito sa dorm bago yung swimming namin. Around 10 minutes lang siguro siya nagstay. Hinatid siya sa baba ni Ate Maan nung pauwi na siya.
Pag-akyat ni Ate, hinagis nya lang sakin yung susi na hiniram niya kanina. "Susi mo," sabi niya. Medyo natamaan ako sa may binti, hindi ko kase nasalo. Di na ako nakatiis. Medyo napikon na ako sa part na 'to kaya finally, naconfront ko na din siya.
Me: "Ate, ano ba? May problema ka ba?"
Ate Maan: "Sorry, akala ko kase masasalo mo."
Me: "Kanina ka pa kase, nung nasa resort pa lang tayo. May problema ka ba saken?"
Ate Maan: "Bakit hindi mo itanong dun kay Shey? Close na close naman kayo diba?"
Me: "Si Shey? May problema ka ba sa kanya Ate?"
Shey: "Pumatol ka sa babaeng yun ano?"
Me: "Bakit ba Ate?" Sa tono ng boses ni Ate, parang medyo nakakabastos siya.
Shey: "So pumatol ka nga?!"Tumaas na yung boses ni Ate. Buti na lang wala na yung mga dormmates namin dito at naguwian na sa probinsya. Nakipagmataasan na din ako ng boses ko.
Me: "Bakit Ate?! Akala mo ba hindi ko alam na may relasyon din kayo ni Anj? Alam ko yun, pero diba wala ka namang narinig na masama saken? Hindi nagbago yung tingin ko kay Anj! Bakit hindi mo kayang tanggapin na babae din yung gusto ko? Ate, pareho lang tayo!"
Medyo nagulat si Ate dun sa sinabi ko. Siguro dahil ang alam niya, hindi pa din ako nakakahalata sa kanilang dalawa ni Anj, na wala akong alam.
Ate Maan: "Walang kaso saken na makipagrelasyon ka sa babae. Susuportahan kita Jamie kahit anong gender pa yung gusto mong mahalin, pero hindi ko naman hahayaan na mapunta ka dun sa babaeng yun!"
Hindi ko maintindihan si Ate. Bakit ang bilis naman niya ijudge si Shey? Hindi naman niya binigyan muna ng chance na makilala pa yung tao.
Me: "Sana naririnig mo yang sinasabi mo Ate. Ang unfair mo, wag mo namang husgahan agad yung tao!"
Sa totoo lang, napakadalang namin mag-away ni Ate Maan. Sa buong buhay ko, mabibilang mo sa daliri kung ilang beses kami nagkasagutan. Pero ngayon lang nangyari yung ganitong nagsisigawan na talaga kami.
Ate Maan: "Hindi ako nanghuhusga Jamie. Sa tingin mo ba hindi ko pa kilala si Shey?! Paano kung sabihin ko sayong ex siya ni Anj? Paano kung sabihin kong niligawan niya din ako habang sila pa ni Anj at muntik na din niya akong lokohin? Ate mo ako Jamie! Nagagalit ako kase ayokong saktan ka din niya!"
Napatigil ako sa sinabi ni Ate Maan.
BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...