Part 6

251 3 0
                                    

Sa lahat ng mga banat ni Shey, eto ang hindi ko kinaya. Nanigas ako lalo sa pagkayakap ko sa kanya. Seryoso kaya siya? Paano ba ako sasagot? Oo o hindi?

Hindi ko alam... first time ko matanong nito. Tapos medyo kakaiba sa pakiramdam kase hindi ko naman inexpect na sa babae din manggagaling yung unang tanong na ganito.

Hindi ako makatingin sa mata niya, medyo nakakailang kase.🙈 Pero si Shey, parang casual pa din siya. Nakatingin ng diretso saken, at hinihintay yung sagot ko. "Pag-isipan ko muna?" Sabi ko kay Shey.

Shey: Bakit? Nagdadalwang isip ka ba? Kung ayaw mo, matatanggap ko naman.

Hindi naman sa ayaw ko. Sa totoo lang,  gustong-gusto kong sabihing "oo naman, pwedeng-pwede", pero ayokong magmukhang easy-to-get.🤣 Hindi ko din alam kung paano sasabihing "oo" na hindi magmumukhang excited ako. 😅 Pero talagang naiilang ako at medyo kabado, nakatingin pa siya saken ng diretso. Matutunaw na ako.🙈

Me: Sasabihin ko din mamaya yung sagot ko sayo. (Kelangan ko lang bawiin yung lakas ng loob ko kase, hiyang-hiya na kase ako. Sobrang tunaw na ako.)

Napangiti siya saken. Cute niya talaga😍 Hinila niya ako ulit para mapalapit kami dun sa mga kasama namin. Tapos after 30minutes, umakyat na din kami sa bangka.

Napalipat kami ng pwesto sa may buntot nung bangka, so hindi kami masyadong nasisilip ng mga kasama namin. Nagkachance ulit siya na hawakan yung kaliwang kamay ko, tapos ipinatong niya yun sa kanang hita ko, habang yung isa niyang kamay inihawak din niya sa kanang hita ko.

Walang umiimik samin, pero gusto kong
i-bring up yung topic kanina, yung about sa tanong niya saken. Paano ko ba uumpisahan? Isip.. isip...

Pero parang nababasa yata ni Shey ang nasa isip ko. Kase siya mismo yung nag-open nung topic na yun. "Hanggang kelan pala yung 'mamaya' na sinabi mo?" Tanong niya.

Naintindihan ko naman yung ibig sabihin niya. Gusto niya malaman kung kelan ba ako sasagot, pero siyempre level 99 ang pagiging pabebe ko, kaya kunwari diko nagets. "Alin yun?" Sabi ko. 😅

Shey: Nakalimutan mo na agad yung
tinanong ko?

O sige, eto na din siguro yung time. Hindi na ako gano naiilang sa kanya. Medyo nakakatingin na ako ng direkta sa mata niya. Finally, nasabi ko, "Pwedeng-pwede naman eh. Hindi pa ba panliligaw yung kinikilos mo?"

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon