Nagising ako the next day ng 5:30am. Nag-alarm ako talaga para makasama ako sa boating nila. Halos sabay lang kami nagising ni Shey. Nagising kami sa parehong pwesto nung natulog kami nung gabi. 😍 (Landi.🤣)Naunang lumabas si Shey, kasunod ako. Paglabas ko, nakita ko si Ate Maan at Anj, nasa may labas ng tent namin. Napatingin si Ate saken, pero hindi siya ako pinansin. Parang inirapan pa nga niya ako? Ewan ko, baka naman hindi. Di ko na lang din pinansin.
6am daw yung boating namin, so nagkape muna kami. Dun ulit kami sa same table last night. Nagkape din sina Ate, pero dun sila umupo sa side ng beach. Hindi niya ako inimikan nung lumapit siya para kumuha ng kape nila ni Anj. Ako naman, deadma lang. Diko binibigyan ng meaning yun, bad mood siguro siya.
Saktong nakatapos kami, start na din yung boating namin. Sumama kaming lahat. Ang maximum per boat ay 8 people, so kelangan hatiin namin yung buong grupo sa dalawa. Sa unang boat piniling sumakay ni Ate, kasama siyempre si Anj, tapos yung dalawang couple nina Ali and Lyca, at Mhai and Yanna, tapos dalawa pa sa kaplayers nila. Sa boat naman namin, kasama si Coach, Rhea and Jing, kami ni Shey, tapos yung dalawa pa sa mga kateam nila.
So ayun, okay na. Magkatabi kami ni Shey, napansin ko medyo good girl siya, siguro dahil kaharap namin si Coach? 🤣 Pero yung braso niya, parang iniharang niya sa likod ko. Kase yung kamay niya, nakatuon sa upuan namin sa may pwet ko. 😅
Shey: Marunong ka bang maglangoy?
Me: Marunong naman, kaso medyo takot ako sa dagat eh.
Shey: Bakit naman? May life vest naman tayo.
Me: Kahit na, feeling ko kase madadala ako ng alon anytime.😅
Shey: Hindi yan noh. Nakakaenjoy nga eh. Tsaka andito naman ako. Kasama mo naman ako.
Enebe nemen te. Pakilig si Shey. 😍 Pero siyempre, pabebe si ako. "Baliw. Basta nakakatakot pa rin."
Nung makarating kami sa may gitna, pinakita samin yung mga jellyfish. Ang dami grabe. "Selfie tayo," sabi ni Shey. Nakaready na agad yung phone niya, kaya wala na akong choice. Smile agad haha. Sumandal siya sa balikat ko, sabay 'click!'. "Isa pa," sabi niya. Umakbay siya saken, tapos hinawakan yung ulo ko, ewan diko maexplain, tapos bigla na lang niya pinindot. Di man lang ako nakasmile. Pero ang cute nung shot namin. 😍 Nahihiya naman akong ipapasa yung picture namin. 😅
10minutes siguro kaming nagstay kasama yung mga jellyfish, bago pinaandar ulit ni Manong yung bangka. Dinala pa niya kami sa may gitna ng dagat. Pagdating namin dun, andun na rin yung boat nila Ate Maan. Nainstruct kami ni Manong na pwede daw kami magdive dito. 30minutes daw kaming magstay dito.
Mukang excited na tumalong 'tong si Shey. Ako naman, nakaupo lang, ni hindi ako tumatayo o gumagalaw sa kinakaupuan ko. Medyo nakakahilo kase yung galaw ng bangka. Si Shey, tumayo, tapos nagtanggal pa ng life vest niya.
Shey: Lika, talon na tayo.
Me: Hala, ikaw na lang. Natatakot ako.
Shey: Ang KJ naman. Dali na. Sasamahan naman kita.
Ayaw ko sana talaga, kaso hindi papatalo 'tong si Shey, willing pa makipaghilahan dito sa bangka, kaya sige na ako. Tumalon na siya, walang life vest life vest. Baliw eh. Ako naman, ayokong magdive. Umupo muna ako sa edge nung bangka, tapos tsaka ako bumaba sa tubig.
Lumapit si Shey saken, tapos sa ilalim ng tubig, hinawakan niya yung kamay ko. Tapang nitong babaeng 'to eh, hindi natatakot madala ng alon. Pero mukang magaling naman kase siyang maglangoy. Sanay na sanay. Sinilip ko yung kabilang bangka, nakatalon na rin silang lahat dun. Medyo malayo yung bangka nila samin, pero nakita ko si Ate Maan at Anj, nasa gilid sila ng bangka, nagtatago sa init. Pero kahit malayo sila, kita ko kung gano sila kasweet. Ang cute nilang dalawa eh.
Eto namang si Shey, may kanyang business. Yung kamay niya sa ilalim ng tubig, ini-hug niya sa tiyan ko. Sa loob ng shirt ko, sa bewang ko, dun siya nakayakap saken. Si Shey naman 🙈 Yung init na naramdaman ko last night, yun ulit ang bigla kong naramdaman ngayon. (Landi🤣)
Hinila niya ako sa may gilid ng bangka. Medyo napalayo kami sa mga kasama namin, tapos hinila niya yung kamay ko para mapayakap sa bewang niya. Kainishhh.
Tahimik lang kami, nagsisigawan yung mga kasama namin, yung iba tumatawa. Maya-maya, nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko, may ibinulong siya saken na biglang ikinatameme ko: "Jamie, liligawan kita ha. Pwede ba?"

BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...