Nakatayo lang ako dun sa may gitna ng food court. Nakatingin ako sa kanila. Tutuloy pa ba ako o hindi? Umasa ako na kaming dalawa yung magkasama. Akala ko ba date namin 'to? Medyo nakakainis..
Aatras na din sana ako, kung hindi lang ako nakita ni Shey. Mukang nagulat nga siya, pero nakangiti pa siya. Wala akong reaction.
Si Ate Girl na ka-share niya sa table, napalingon din saken. In fairness, may itsura siya. Maputi, tapos halatang medyo kikay. "Kilay is life" din ang motto niya. 😒 Hindi pa rin ako makangiti ng ayos.
Tumayo si Shey para lapitan ako. Hinawakan niya agad yung kamay ko, tapos hinila niya ako para umupo din ako dun sa may table katabi niya. Nakangiti saken yung girl, then nag-"hi" siya, kaya ngumiti na lang din ako tapos sumagot ng "hello."
"Jamie, si Tanya." Nakangiti pa rin naman ako sa kanya. "Kaklase ko yan, pinakamatalino samin, kaya lagi ako diyan tumatabi," sabi ni Shey. Tumawa silang dalawa.
(Akala ba nila nakakatawa sila?! 😒) Nakangiti pa din ako. Plastik na ngiti na nga ata 'to. Nakakangawit na nga eh.
"Mabait din yan, tsaka medyo kalog gaya ko. Artistahin yan sa school eh. Ano nga, brad?" Tapos nag-apir pa silang dalawa. Close talaga sila eh noh? Hindi naman ako umiimik.
Daming kwento nitong si Shey, wala naman akong pake dito sa.. Tanya nga ba pangalan niya? Bakit ba kase andito siya? Eh moment namin dapat 'to. Gago din naman 'tong si Shey. Makikipagkita lang saken, nagsama pa ng ibang babae.
Nagsalita yung Tanya. "Hi Jamie! Buti nameet na kita. Bukambibig ka nitong si Shey eh. Taga dito ka ba? San ka nagschool?"
Shey: "Uy, isa-isa lang tanong. Mahiyain 'tong si Jamie."
Tanya: "Wag ka nang mahiya Jamie, close na din tayo." (Ay ganun? Close talaga agad? Pwede bang hingin mo muna yubg opinyon ko?)Shey: "Eto talaga! Feeling close ka masyado!"
(Sila na lang kayang dalawa ang mag-usap? OP na ako sa totoo lang.)
Shey: "Daldal neto eh, ano bang nagustuhan ni Bebe sayo?"
Oops. Teka lang....
Shey: "Yan yung girlfriend ni Tonette, Jamie."
😱😱😱😱😱
#shookt
BINABASA MO ANG
He's a She
Roman pour AdolescentsMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...