Chapter 4

15 0 0
                                    

Kinabukasan.

Nagising ako,bumangon,at naligo,nag-ayos at lumabas na saaking kwarto.Hindi ko nakita sila Mama at Papa sa kitchen kaya kumain nalang ako mag-isa.Nang tapos na ako sa breakfast ay bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang camera at swimsuit ko may plano kasi ako na magswimming mamayang hapon pero since maaga at tirik pa yung araw napagpasyahan ko na mamangka para makakuha ako ng good shots sa buong Isla.Syempre hindi ako mag-isa magpapasama ako sa isa sa mga mangingisda namin dito.

"Mama?Papa?"tawag ko pero walang sumasagot.Nag-iwan nalang ako nang note para sakanila at para di sila mag-alala.

Sinuot ko na sa loob ang swimsuit ko baka kasi abutan ako ng hapon kaya pine-pared ko na.Lumabas ako at pumunta sa gilid ng mansyon para puntahan si Mang ernes Isa sa mga mangingisda dito samin sakanya nalang ako magpapasama napagkakatiwalaan naman siya eh ang tagal niya narin dito sa Isla namin.

"Tao po...Mang ernes?"tawag ko.

"Ahh ikaw po pala Ms.Fernandez,bakit ho?"

"Magpapasama po sana ako sainyo para makalibot sa karagatan kung pwede po kayo ngayon."

"Ay pwede po ako ngayon..sandali lang po ah?"

"Sige po..."

Wala pang 3mins ay lumabas na si Mang ernes dala-dala ang mga kakailanganin niya.

"Okay lang po ba talaga sainyo na samahan ako?"biglang tanong ko.

"Okay lang po iyon mangingisda rin naman ako ngayon."

"Ahhh sige po..."

Naglakad kami papunta sa mga bangka at kinuha yung kay Mang ernes.Pagkatapos ay ipwinesto niya ito sa mababang bahagi ng dagat.Inabot niya ang kamay ko para matulungan ako sa pag-akyat.

"Salamat po..."

"Walang anuman iyon."

"Mang ernes,pwede po ba habang nagiikot tayo ay kwentuhan niyo ako tungkol sa Isla na'to?Curious lang po kasi talaga ako eh."ani ko.

Tumango siya at sumagot."Sige po..."

"So?Ano po ba 'tong history ng Isla na'to,Mang ernes?"simula ko.

"Isa itong Campo ng mga militar dati.Kung itatanong niyo sakin kung bakit hindi makikita sa Mapa ang Isla ninyo hindi ko rin po alam kung bakit baka pati Ama mo hindi ka rin masagot dahil Mana lang naman sakanya nito ng mga ninuno niyo,hindi ba?"tumango ako lamang aki sinyales na magpatuloy lang siya."Ang ipinagtataka ko lang naman kasi ay nung unang punta ko dito sa Isla niyo ay wala na akong nakitang sundalo at bumagsak ang campo nila hindi ko rin alam kung saan napunta yun at kung anong nangyari sa mga sundalo dito."makikita kay Mang ernes ang pagkalito sa mga nangyari dito.

"Ang sabi po ni Papa saakin nagkaroon daw po ng lindol at malakas na bagyo dito sa Isla natin noon.Alam niyo po ba yun?"

"Alam ko yung nangyaring lindol at bagyo pero ang kataka-taka lang naman ay hindi na nakita ang mga bangkay ng mga sundalo at ni isa sakanila walang nabuhay."curiousity builds up in my mind.

Ano naman kayang nangyari sa mga sundalo dito at nawala nalang sila na parang bula hindi na nakita ang mga bangkay.

Sabi ng utak ko.Habang nagkwe-kwentuhan kami ni Mang ernes ay pumunta kami sa Ilalim ng tulay na pumapagitna sa dalawang Isla nandoon kasi ang maraming malalaking Isda at maganda ang tubig doon maganda ang kulay malinaw na sa sobrang linaw makikita mo kung gaano kalalim at makikita doon ang naggagandahang korales.Habang nanghuhuli si Mang ernes ay hindi ko mapigilang di maakit sa kagandahan ng tubig.Tinanggal ko ang dress na nakapatong sa bikini ko at walang alinlangang tumalon ako sa dagat.

Our Berlin Wall Love StoryWhere stories live. Discover now