Nalalapit na ang bagong taon kaya nag aasikaso ang mga tauhan ko tumungo sa kabilang isla at mag imbita ng mga tao para sa magiging handa.
Dalawang linggo narin ang lumipas ng huli kaming nag-usap.Araw-araw siyang umaalis at inaabutan na siya ng hapon kung bumalik.Bumukas ang kwarto niya at lumabas siya.Pumunta siya gilid ko at doon lang nanatili.
Gawain niya yan araw-araw bulang isang alipin ko.At pagsapit ng tanghali ay doon siya umaalis.Hindi ko kinayanan ang katahimikan kaya binasag ko na ito.
"Pumunta ka sa silid ko."casual na sabi ko.Nakita ko naman na napalingon siya sa sinabi ko kaya nilingon ko rin siya.
Kumunot ang noo niya.
"May ipapakuha kaba?"kunot noong tanong niya.
"Sumunod ka nalang."
Hindi na siya nagsalita pa at padabog na umalis at tumungo sa kwarto ko.
"Aris?!"tawag ko sa isa sa mga tauhan ko.Lumitaw siya agad sa harap ko.
"Master..."yumuko siya."Pinatawag niyo po ako?"
Tumayo ako at inayos ang kwelyo ko."Alam mo na ang gagawin..."sagot ko.
Napangisi naman siya at tumango."Masusunod."
Tumango ako at naglakad naman papunta sa silid ko.Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko siya na lumilinga-linga sa paligid.Nang makita niya ako ay tumayo siya ng tuwid at deretsung nakatingin saakin.
"Ano bang gagawin ko dito?"medyo iritang ani niya.
Ngumisi ako."Tumayo at manoud lang."
Nakita ko naman na kumunot yung noo niya kaya naglakad nalang ako sa kama at umupo sa gilid.Nakita ko naman na lumunok siya at iniwas ang tingin saakin.
"Kung tatayo lang ako at manonoud sayo aalis nalang ako may gagawin pa ako."walang ekspresyong sabi niya at naglakad papunta sa pintuan.
Pagbukas niya ng pinto ay naistatwa siya sa nakita niya.Binaling ang tingin saakin at binalik ulit ang paningin sa kaharap niya.
Bigla siyang niyakap nang kaharap niya at humagulgol.Humihingi ng tulong sakanya naistatwa parin siya at bahagyang hinaplos ang likod nito.
"Aya..."di makapaniwalang sambit nito.
Humahulgol ulit ito at niyakap siya ng mahigpit."France,wag mo'kong iwan...tulongan mo kami."pagmamakaawa nito.
Bahagya naman akong natawa na nakakuha nang atensyon ni Rei.Hinarap niya yung babae at tinitigan.
"Shhh..."pagpapatahan nito at pinunasan ang mga luha nito."Ano bang ginagawa mo dito"tanong niya.
Hindi sumagot yung babae at sa halip ay binalingan ako nito ng tingin kaya napalingon naman saakin si Rei.
"Care to explain."mataray na sambit nito saakin.
Tumayo at bahagyang natawa.Lumapit ako sa kasama niya at inikotan ito na kinatakot naman niya."Ano ba satingin mo kapag ang isang katulad ko at katulad niya ang nandito sa kwarto ko?"
Tumalim ang tingin niya saakin."Don't you even dare touch her or else..."banta niya.
Napangisi naman ako."Or else what?"
Tinignan niya lang ako.Natawa naman ako ng mabasa ko sa mata niya na masyadong imposible na mapatay niya ako.
"Good."pang-aasar ko.
"France,please..."singit naman nung babae.
Napayuko naman si Rei at nag-isip.Nang mawalan na siya ng ideya ay napabuntong hininga naman siya.
YOU ARE READING
Our Berlin Wall Love Story
RomanceHer:All along,I thought math tells us a three of a saddest love stories.I never thought that our story will end up in...this piece of shit. Him:Atleast we never end up in parallel,tangent and the worse one asymptote.Ang daming naging problema.Panaho...