"Ang ganda mo pumili ng yacht,Aris."si Ace.
Tumayo naman si Aris at may itinuro.
"Nahumaling kasi ako sa sign na nakalagay."nanunuyang sambit niya habang nakatingin saakin.
Tinignan ko yung sign at nakita ko yung parehong tattoo na nasa dibdib ko.Nung napansin ni Aris ang naging reaksyon ko ay humalakhak siya.
"This one is my favorite ride."simpleng tugon ni Rei sa likod habang nakatingin sa yacht na napili ni Aris.
"Ngayon ko lang napansin.Yung sign sa yacht na yan parehong-pareho sa tattoo ni Master,Aris."puna ni Ace.
At ng dahil do'n ay napatingin kaming lahat kay Rei na ngayon ay naka-crossarms lang seryosong binabalingan kami ng tingin.
Nagkibit-balikat siya."What?"
"Wala.Tara na."aya na ni Ace sakanya.
Tumango lang siya at umakyat na sila sa yacht.Habang itong si Aris na naman ay nginisihan pa ako sabay iling bago umakyat.
Nang nakaakyat na ang lahat ay sinimulan ng paandarin ni Aris ang makina para maka-alis na kami.Habang pinapatakbo ni Aris ang makina ay nagtumpok-tumpok kami para sa magiging plano namin.
"Saan ba tayo pupunta?"tanong ni Rei.
"Sa Isla Pablo."sagot ko.
Tumango lang siya.
"At dahil nakapag-palit na tayo wala naman sigurong magsususpetsa,hindi ba?"tanong ni Ace.
"Mukha naman kayong tao sa sout niyo."tatango-tangong sagot ni Rei."Maliban sa magiging center of attention kayo dahil sa ang puputi niyo...parang wala naman."dagdag niya.
Humalakhak si Aris."Maganda yan.Mapapadali ang trabaho dahil sila na mismo ang lalapit saatin."
"Ah!May isa pa pala."singit niya hindi pinapansin ang sinabi ni Aris at tumitig sa...labi ko?Namamalikmata lang ata ako."Mukhang pale ka dahil sa labi mo."
Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo lang at siya narin ang naunang umiwas ng tingin.
"At sandali nga..."salita niya ulit at bumaling kay Ace at hinawakan ang panga nito.
Tss!Ano bang meron sa utak ng babaeng 'to?!
"Pwede bang itago niyo mga pangil niyo?Madaling mapansin eh.Matatago niyo ba?"tanong niya.
Tumango ako.
"Good,then itago niyo na."sabi sabay tango.
Pagkatapos ng usapan ay umalis na si Rei at bumaba papunta sa dulo ng yacht.Ang sabi ay magpapahangin pero ramdam at nababasa ko sakanya na may iniiwasan siya at alam kung ako 'yon.
Nang magdilim na ay bumaba na ako kung saan naroroon si Aris at pumasok ako sa loob ng yacht.Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ay mukha na agad ni Ace ang nakita ko.May dala itong tray at mukhang alam ko na kung para kanino niya 'yon ibibigay.
"Master,galing ito sa kusina dito sa loob.Ibibigay ko lang sana kay France dahil kanina pa siya hindi kumakain at puro red wine lang."nakangiting paliwanag ni Ace.
Tumango lang ako at hinayaan siyang umalis na.Tumalikod ako at tinignan siyang palapit kay France.Tinignan ko rin kung paano niya tanggapin ito at ngitian si Ace.
Tumalikod na ako at hinayaan ko ang paa ko kung saan ako dalhin nito nang mapagtanto ko na pumunta ako sa kusina.Tinignan ko ang mga pwedeng makain doon pero isa lang ang nakita kung pwede kong magalaw at yun ay yong pagkain na alam kung paboritong kainin ng mga millenial.Fries.
YOU ARE READING
Our Berlin Wall Love Story
RomanceHer:All along,I thought math tells us a three of a saddest love stories.I never thought that our story will end up in...this piece of shit. Him:Atleast we never end up in parallel,tangent and the worse one asymptote.Ang daming naging problema.Panaho...