Biglang kung minulat ang mata ko at pagkamulat ko wala na ako sa Mansion nasa ibang bahay ako odika masasabi kung nasa ibang mansyon ako pero napakaluma na ng Mansyong ito.Lumabas ako sa loob pero may nakabantay palang dalawang bampira hinawakan nila ang dalawa kung braso.
"Ano ba?!Bitawan niyo nga ako!"pagpupumiglas ko pero dinedma lang nila ako.
Bumaba kami sa hagdaan at may nakita kong sampung bampira sa baba na may hawak na kawayan na may matulis na bagay sa taas.
Nakita ko naman sa gitna yung sumakal saakin kanina.Yung totoo natatakot na talaga ako dahil ayokong makita ang sarili ko na tinatanggalan nila ng lamang loob at kinakain.Nung nakita niya ako ay nagform na ngisi na naman ang labi niya.
"Gising na pala ang matapang nating bihag!"sabi niya habang humahalakhak.Bigla naman aking tinulak ng dalawa na may hawak saakin kanina sa gitna tumayo ako at babalikan sana sila ulit ng itutok ng sampung bampira na may sandata ang matulis na bagay sa leeg ko.
"Hahahahahahah!Napaka lakas talaga ng loob mo!Nakakaakit naman!Hahahahah"tawa niya at lumpit saakin.Hinawakan niya ang baba ko at hahalikan niya sana ng itabi ko ang ulo ko.
"Hahahahah!"
*Pak*
Nagulat ako ng bigla niya akong pagbuhatan ng kamay.May namumuo na luha saaking mga mata at hindi ko napigilan ay umagos ito.
"Ilabas ang mga Fernandez!"sigaw niya at yun ang nakaagaw ng atensyon ko bumuhos ulit ang masmaraming luha sa mga Mata ko.
Nakita ko king paano nila itulak ang Papa at Mama ko habang si Papa naman nanghihina inaalalayan lang siya ni Mama.
Jusko!Mahina na ang puso niya!
Pinaluhod sila sa harap at ng napunta saakin ang mata ni Mama ay inalog niya si Papa at tumingin saakin parang nabuhayan si Papa ng makita niya ako.
"Mama!Papa!"sigaw ko sakanila habang hamahagulgol na sa iyak."Let them go!"pamamakaawa ko sakanya pero parang wala lang siyang narinig.
"Baby.."halos pabulong na tawag ni papa sakin habang nakaluhod.
"Papa...papa...I'll think of some--"pinutol niya ako agad.
"No baby...It's okay!"pilit siya'ng ngumiti sakin.
"No,papa It's not!"halos pumiyok na yung boses ko kakasigaw."Mama please..."baling ko kay mama.
"We love you baby.."
"No!Mama don't say your goodbyes!"
"I love you,baby."maluhang sambit ni papa.
"Papa I love you too.."
"Don't worry baby---"
"Papa!"ako.
"Ivon!"mama.
Nagulat ako sa ginawa niya sa papa ko.Kasabay nun ang pagbuhos ulit ng mga luha ko.Matalim ko siya'ng binalingan pero parang wala lang yun sakanya.Kitang-kita ko ang dugo ni papa sakanyang labi na kanyang pinupunasan.Lahat ng nararamdaman ko parang unting-unti nawala.Binalingan niya naman si mama at ginawa kung ano ang ginawa kay papa.Bumuhos ulit ang panibagong luha sa aking mga mata.
Huminga ako ng malalim at binalingan siya."Hayop ka!"
"Hahahaha...masyado kasi kayong madrama,alam mo yun?Hahahah nakakasuka eh."tatawa niyang aniya.
"Papatayin kitang demonyo ka!"sigaw ko sakanya.Kitang-kita ko ang pagiba ng kulay ng mata niya.
"Hindi pa ipinapanganak ang papatay sakin"mahinahong sabi niya.
Yun ang inaakala mo...
Napaluhod nalang ako habang bumubuhos pa ang mga luha saaking mga mata.
Wala na sila...wala na si Papa...wala na rin si Mama...Ipaghihiganti ko kayo!Ipanpangako ko!
"Ba't hindi mo pa ako patayin!"sigaw ko sakanya.
He then began to laugh hard."Nakakatawa karin eh no?Wag ka mag-alala dadaan din tayo dyan!Sa ngayon,pakikinabangan na muna kita.Ipasok na yan sa silid niya."utos niya.Hinawakan ako ulit ng dalawa sa braso pero hindi ko na sila hinayaan.
"Kaya ko maglakad mag-isa!"bulyaw ko sakanila.
Nagtinginan sila at tinignan yung lalake sa gitna tinanguan lang sila kaya nag-akyat na ako mag-isa at pumasok na ulit sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina.
Pagkapasok ko isinara ko agad ang kwarto ko at doon na umiyak sa gilid ng kama.Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko at gusto ko maubis lahat hanggang sa wala na akong mailalabas pa.At gusto ko kapag nakaharap ko ulit yung halimaw na yun wala na ako ni katiting na nararamdaman.
Parang biglang nasayang lahat at gumuho ang mundo ko sa ginawa niya sa mismong harapan ko.
Dumaan ang Isang buwan at wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa kwarto.Araw-araw may kakatok para bigyan ako ng prutas tinatanggap ko naman pero hindi ako lumalabas.Kahit anong pilit nila na palabasin ako hindi parin ako lumalabas.
Tumayo ako at tumingin sa salamin.Tinignan ko yung cabinet at kumuha ng damit.Puro lahat black ang mga pinili ko.Para saan paba at impyerno rin man tong timitirahan ko.Inayos ko ang buhok ko at mukha ko gusto ko kapag humarap ako sakanya wala na yung dating ako...
Nang natapos na ako ay pumunta ako ulit sa salamin at tinignan ang sarili ngumisi naman ako.
"Welcome,France Rei Fernandez version 2.0"
Binuksan ko ang pintuan at walang nakabantay saakin kaya bumaba ako ng walang takot at hinarap ko siya ng walang takot.
A smirk formed on his lips."Sa wakas...Hahahaha!"
Tinignan ko lang siya ng direkta sa mata na walang kaekspresyon-ekspresyon.
"Alam mo..."pagbitin niya at lumapit saakin."Mapakikinabangan ka."dagdag niya at inikutan ako.Huminto siya sa likod ko at hinaplos ang braso ko."Ganito lang kasi yan...Katawan mo kapalit ang matagal na pamumuhay."
Ngumisi ako at humarap sakanya."Wala na ang mga dahilan ko para mabuhay kaya ano pang dahilan ko para magtagal...patayin mo nalang ako."walang ekspresyon kung sabi.
Bahagya siyang natawa."Matapang ka talaga...aalilain nalang kita"bulong niya sa taenga ko."Malaya kang makakalabas dito pero oras na talakasan mo ako...Hahahahahah!"tumawa siya at bumalik sa kina-uupoan niya.
"Kung ganon...aalis na ako."tumalikod ako at handa na sanang umalis ng magsalita siya ulit.
"Ano bang magandang itawag sayo?"kunwaring takang tanong niya.
"France.Yan ang itawag mo sakin,may pahabol kapa?"
"Mas gusto ko ang Rei,Hahahaha."tumawa lang ito pero di ako nagpatinag tinanong ko rin siya.
"Eh ikaw?Ano ba pangalan mo?"nakangisi kung tanong.
"Master.Yan ang itawag mo sakin."
Tumawa naman ako ng peke."Ash.Yan ang itatawag ko sayo.Dahil gagawin kitang abo."kalmado kung wika at tumalikod na.
I swear,I'm gonna kill you...
YOU ARE READING
Our Berlin Wall Love Story
RomanceHer:All along,I thought math tells us a three of a saddest love stories.I never thought that our story will end up in...this piece of shit. Him:Atleast we never end up in parallel,tangent and the worse one asymptote.Ang daming naging problema.Panaho...