6AM na ng umaga pero wala akong nakitang Rei na lumabas sa silid niya.
"Master,hindi pa ba tayo aalis?"biglang sulpot ni Aris.
"Tingin mo ba makakaalis tayo kung wala pa yung babaeng kasama natin?"medyo galit kung sambit.
Napangisi naman siya sa sinabi ko.
"Hindi mo naman ugaling maghintay,ah?"tanong niya na ikinabigla ko.Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako."Pumunta siya sa Fountain of youth...kasama si Ace."dagdag niya na maslalong nagpainis saakin.
Walang alinlangan ay tumayo ako at kinuha ang coat ko.
"Oh?Saan ka pupunta?"may halong panunuyang tanong ni Aris.
Hindi ko na siya pinansin at dali-daling naglaho at pumunta sa Fountain of youth kung nasaan sina Rei at Ace.
Nang nakarating ako ay nakikita kung naliligo sila at may pinag-uusapan na tinatawanan din nila.
That smile.
A genuine smile.
She never smile infront of me like that.
Binaliwala ko iyon dahil ano naman ngayon kung iba siya ngumiti saakin at sa ibang tao?Wala naman.
"You're old!Eww!"nanunuyang sambit ni Rei.
"Atleast I still have the charm...you know?like charisma...and obviously the looks."sagot ni Ace at humalakhak ito.
Tumaas naman ang kilay ni Rei."But still!You're same as your Master!You are both old!"
"Shhh..."pagpapatahimik sakanya ni Ace."Low down your voice...baka may makarinig malalagot ka."
Lumusong si Rei sa ilalim at umahon din.
"The hell I care!Hindi ko nga alam kung ba't pinapatagal pa ang buhay ko dito."sinabi niya yun na may lungkot sa mga labi o namamalikmata lang ako.
Nilapitan siya ni Ace at napatingala naman si Rei dahil dun at sa ilang segundong pagtitigan nila sa isat-isa ay biglang sinabuyan ni Ace ang mukha ni Rei ng tubig sabay layo nito at halakhak.
"Ace!Langhiya ka!"sigaw ni Rei.
Humalakhak pa ito lalo."Hindi ako sanay na nagda-drama ka.Asan na 'yong France na lagi nalang naka-poker face,yung kung tumitig ay marami ng sinasabi at yung hindi nagda-drama?"
"Shut up,Ace!"
Humalakhak lang si Ace at hindi pinansin ang mga pagbabanta ni Rei sakanya.Hindi na ako nakatiis kaya tatalikod na sana ako ng nagulat ako na nasa likod ko lang pala si Aris.Nakatingin siya saakin ng nakangisi.
Naglakad ako at hindi na siya pinansin.Lalagpasan ko na sana siya ng bigla itong magsalita kaya huminto ako.
"May masakit ba?"tanong niya na ikinataka ko.
Humarap ako sakanya at tinignan siya ng deretsu sa mata.
"Bumalik na tayo...Aalis na tayo maya-maya."binaliwala ko ang tanong niya at naglakad ulit.
Humalakhak ito pero hindi ko ito pinansin.
Bigla nalang siyang lumitaw sa harap ko kaya napahinto ako at tinignan siya.
"Malaking kasalanan ang ginagawa mo."seryoso niyang sabi.
"Anong pinagsasabi mo?Kasalanan?"seryoso kong tanong sakanya.
"Mali ang nararamdaman mo sa babaeng 'yan."
Ako naman ngayon ang napangisi.
"Aris,naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?We are already dead!Wala na tayong puso,naiintindihan mo?Kaya anong nararamdaman ang sinasabi mo dyan?!"
"Sana nga mali ako sa nakikita ko sa mga mata mo,Master.Sana ngang walang tumitibok dyan sa kinaloob-looban mo.Sana nga lang talaga."nakangising sabi niya at naglaho na.
Napailing-iling nalang ako ng malaman ang ibig niyang sabihin.Kung ano man yung nararamdaman na yun alam kung delikado yun.Sana nga talaga hindi yun 'yong nararamdaman ko dahil ako mismo naguhuluhan na sa tungo at tingin ko sakanya.
Patay na ako.Wala na akong puso.Hindi ako normal na nilalang.At higit sa lahat hindi marunong magmahal.
Nakilala lang kita ng ilang buwan imposibleng mangyari 'yon!
7AM ako nakabalik sa Mansion dahil nilakad ko lang ito at maya-maya ay dumating na sila Rei na nakabihis na at handa ng umalis.
Hindi niya ako pinasadahan ng tingin at deretsu lang silang tinungo ang kwarto ni Rei.
Nakaupo lang ako at nag-isip-isip ng biglang sumulpot si Aris sa harap.Hindi ko siya pinasadahan ng tingin.
"Nakatakas ang isa sa mga bihag nating babae."sabi niya.
Nakuha niya ang atensyon ko ng dahil dun.
"Sino?"
"Isa sa kaibigan ni France."
"Nasundan ba kung saan pumunta?"
"Oo.Pero napatay ang mga ito.May tumulong sakanya at isiniguradong walang makakaalam kung saan ang pupuntahan nila."
Ngumisi ako.
"Mukhang may alam na ako kung saan sila maaaring pumunta."
"Kung ganoon...may ipapautos kaba?"nakangisi ring saad ni Aris.
"Hayaan na muna natin sila.Humanda kana at aalis na tayo."utos ko."Pakitawag narin si Rei at Ace."dagdag ko na ikina-iling niya.
Kumunot ang noo ko.
"Rex,masyado mong ipinapahalata na may iniiwasan ka."nakangising sabi nito.
"Aris..."banta ko sakanya.
"Rex,iyon ang nakikita at napapansin ko.Sa ngayon hindi muna kita aakusahan pero sana hindi umabot sa punto na hindi na kita mapigilan."banta niya rin saakin.
"Hindi mangyayari iyon,Aris."paninigurado ko.
Tumalikod na ako sakanya at tutungo na sana sa kwarto nila Rei ng magsalita siya ulit.
"Wag ka magsalita ng patapos,Rex.Sige,mauuna na ako.Aantayin ko nalang kayo sa labas."pagpapaalam niya at naglaho na.
Kumuha na ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang paglakad ko at katukin sila sa loob.
Nang makalapit na ako ay nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba agad o kakatok nalang muna ako.Pero napagisipan ko nalang na pumasok nalang bigla.
Hindi ko pa man nabubuksan ng tuluyan ay narinig ko na nagtatawanan sila kaya naman hindi pa ako pumasok at nakinig na muna ako sakanila.
"Balik tayo dun sa personal life mo.Wag ka maoffend.Gusto ko lang malaman kung alam mo ba kung saan inilibing ang mga magulang mo?"tanong ni Ace.
Bobo ba'to?
Hindi niya ba alam na masyado ng personal 'yon?
O nagiisip lang ako ng kung ano-ano kasi ako ang pumatay sa mga...
Magulang niya?
Bakit ba ako nag-iisip ng ganito?!
"Hindi ko alam."simpleng sagot niya."Simula ng scenario na yun ay wala na akong alam kung saan sila nilibing."dagdag niya pa.
"And that was the day you started cutting people from your life?"tanong pa ulit ni Ace.
"Cutting people?What do you mean?"naguguluhang tanong ni Rei.
"You know?You started to hate the world,the people around you and you changed...a lot."
"Cutting people from your life does not mean you hate them,it simply means that you respect yourself."sagot ni Rei.
Am I an exception?
YOU ARE READING
Our Berlin Wall Love Story
RomanceHer:All along,I thought math tells us a three of a saddest love stories.I never thought that our story will end up in...this piece of shit. Him:Atleast we never end up in parallel,tangent and the worse one asymptote.Ang daming naging problema.Panaho...