Aris POV
Nang sumikat na ang araw ay sinimulan ko na ulit paandarin ang makina ng yate at tahimik na tinutungo ang daang papuntang Isla pablo.Habang nagmamaneho ay napansin ko na namang nakatingin na naman si Rex sa karagatan at sinasalubong ang simuy ng hangin.
Umabot ng ilang oras at ng makadaong na kami ay ganun parin ang ayos niya.Pero ang ipinagtaka ko talaga ay ang dami ng tao ang naka-abang saamin sa may daungan ng Isla pablo.Pinatay ko ang makina at bumaba at pumasok sa loob ng yate.Naabutan ko naman si Ace na nakatayo sa pinto ng kwarto na tinuluyan ni Rei kaninang madaling araw.
"Hindi ka pinatulog?"panunuya ko sakanya.
Ngumisi siya at umiling-iling."Hindi ako pinatulog ng amoy,e."biro niya.
"Tarantado!"
Humalakhak lang ito.
"Oh,ano,gising na ba siya?"tanong ko.
"Oo.Kanina pa.Nagbibihis lang."sagot niya.
Tumango ako at inaayos ang mga dadalhin namin.Kumunot ulit ang noo ko nang may maalala at binalingan ulit si Ace ng tingin.
"By the way,ba't ang daming tao?"tanong ko.
"Ha?Umagahan ba natin 'yan?"inosenteng tanong niya.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya.
"Umayos ka nga.Tumawag kaba sakanila na dadating ang Fernandez?"tanong ko.
"Hindi,a!Hindi naman ako marunong gumamit ng cellphone o telepono,e."paliwanag niya.
Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Rei.Naka-beach dress siya na above the knee na may nakasabit na sunglass sa may bandang dibdib at naka-beach hat.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.Naabutan ko naman si Ace na parang ewan na nakatunganga.
"Magpalit narin kayo.May hawaiian T-shirts sa loob."casual na sabi niya."And please,magsuot kayo ng sunglasses."dagdag niya.
Nauna na siyang lumabas.Kaya naman pumasok kami sa loob at sinuot ang mga sinabi ni Rei.Maya-maya lang ay biglang pumasok si Rex.Tamang-tama lang na kakatapos na namin magpalit.
"Magpalit kana.Aantayin kalamg namin sa labas."sabi ko at sabay na kami na lumabas ni Ace.
Pagkalabas namin ay sinuot na agad namin ang mga sunglasses namin at pasimpleng naglakad sa daungan at lumapit sa maraming tao na kasama si Rei na kinakausap ng isang mesyo may katandaan na na lalaki.Dumeretsu kaagad kami sa kinaroroonan nila.
Tama nga si Rei.Magiging center of attention nga kami dito dahil halos lahat ng mga tao especially mga babae ay nakatingin saamin.Hindi na namin sila binalingan kahat at lumapit na kami kila Rei.
"Pagpasensiyahan mo na,Ms.Fernandez."sabi nung matanda.
"Okay lang ho 'yon."sagot ni Rei
Ngumiti naman ang matanda."Buti nalang at tumawag nga iyong fiance niyo at sinabing magbabakasyon kayo dito sa isla namin.Isang malaking karangalan iyon.Lalo na't isang Fernandez."kwento ng matanda.
Bahagyang kumunot ang noo naming tatlo.Si Rei,Ace at ako.Napalingon naman ang matanda saamin.
"Oh,sino ba sakanila ang fiance mo,Ms.Fernandez?"masayang tanong ng matanda."Siya ba?"turo niya saakin."O,ito?turo niya kay Ace.
Umiling naman si Rei na ikinataka naman ng matanda.
"E,sino?"tanong nito ulit.
"Ah---"
"Ako."
Lahat ng atensyon ay napunta sa likuran namin at dun nakatayo si Rex na nakasuot ng hawaiian polo pero na un-bottoned and dalawang butones at naka-khaki shorts at slippers.Wow!Hindi ko alam na may itinataglay na kaalaman ito sa Fashion.
YOU ARE READING
Our Berlin Wall Love Story
RomanceHer:All along,I thought math tells us a three of a saddest love stories.I never thought that our story will end up in...this piece of shit. Him:Atleast we never end up in parallel,tangent and the worse one asymptote.Ang daming naging problema.Panaho...