Chapter 21:Sins

5 0 0
                                    

REX

Ilang oras nalang ay magsisimula na.Kanina pa ako nakatayo sa loob ng kwarto ko at hindi mapakaling nakatingin sa salamin kahit na wala naman akong makitang repleksyon.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari saamin kahapon.We almost had sex!The fuck!Pagkatapos nun ay hindi ko na siya nakita pa.Hanggang ngayon.Hindi na talaga ako mapakali.

"Easy,old man!Magpapakita 'yun."

"You are not helping,Aris!"

"Umayos ka nga!Pupuntahan narin naman siya ni Ace mamaya."

That just made my head explode!

"What?!Bakit si Ace?!Ba't di mo ako sinabihan?!"

"Oops!My bad."at humalakhak ito.

"Get out!"sigaw ko sakanya.

Humalakhak ito bago naglaho sa harapan ko.Ace?Tsss pabida!

Nagpasya ako na lumabas nalang ng silid ko at bumaba sa hall kung saan marami ng tao at bampira ang naghalo-halo.Nagsasayawan ang iba at ang iba ay nakikipagkwentuhan habang umiinom.

This is what we all planned years ago.We all waited for this.To savor the taste of success.Pero mukhang bumabaliktad ang mga nararamdaman ko.Nagbago nang bumalik siya.I know I have this unspoken thing inside of me but I'm still confused.There's still a blank spot I need to complete.

Kumuha ako ng isang basong wine at sumimsim.Hindi paman ako nagtatagal sa pwesto ko ay sumulpot na agad sa gilid ko si Aisha.

"So how was your plan?"tanong niya.

"Wala na kaming oras para makapag-hikayat ng tao na pumunta dito dahil umuwi kami agad."paliwanag ko na hindi tumitingin sakanya.

"Tell me the truth,Rex.Dahi ba sakanya?Are you going soft now?"sarkastiko nitong tanong.

Umiling ako sabay inom sa inumin ko."Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Nagpipigil na siya ng galit ngayon."Rex,wag kanang---"

Nilingon ko siya at matalim na tinignan."Ikaw,Aisha?Wala kabang sasabihin saakin?"

Namutla siya sa tinanong ko sakanya.

Napangisi ako."Tell me,what happened seven years ago?"

Nag-iwas siya ng tingin."Hindi ko alam."

Napangisi ako lalo ng sarkastiko."Really?Tungkol sa heirloom pendant,Aisha?May alam kaba?Ikaw ba ang nakakuha?"

Tuluyan na siyang walang nasabi kaya naman naglakad ako paakyat sa kwarto ni Rei pero bago pa ako makapagpatuloy ay pinigilan ako ni Aisha.

"Saakin parin ang bagsak mo,Rex.Saakin lang."may diin niyang sinabi."Nakatakda na tayong bumalik sa imperyo para sa kasal natin."

"Wag kang pakumpyansa,Aisha.Sa kasalanang nagawa mo baka bumaliktad ang nakatakda saatin."sabi ko at tuluyan ng umalis.

Nang malapit na ako sa pinto niya ay dahan-dahan lang ang lakad ko at huminga ako ng malalim bago kumatok.Naka-tatlong katok ako bago niya ako pinagbuksan.Gulat ako sa bumungad saakin.Si Rei suot-suot ang damit para dapat sa kasal namin ni Aisha.Pero bakit na sakanya?

"Bakit?"malamig na tanong niya.

Saka palang ako natauhan.Tinignan ko siya ulit mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka paba bababa?"tanong ko.

"Wala akong balak."sagot niya.

"Bakit?"

Our Berlin Wall Love StoryWhere stories live. Discover now