"Ash.Yan ang itatawag ko sayo.Dahil gagawin kitang abo."
Sobra ata ang lakas ng loob niya para sabihin saakin yan.Baka nakakalimutan niyang hawak ko buhay niya.Hindi niya naman ako mauuto eh...nababasa ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon at yun ang matagal ko na nais matikman sa dugo ng mga tao ang matikman ang lungkot,pait at pagkasawi sa mga dugo nila.
Matagal ko na siyang pinagmamasdan s malayo simula ng pumunta siya dito sa Isla na'to.At ang masasabi ko lang...ang tagal ko nagtimpi na wag siyang galawin kahit na takam na takam na ako sa dugo niya noon.
Pero kahit papano bilib ako pagkukunwari niyang matapang at walang siyang pakealam.Kahit na nababasa ko naman ang mga mata niya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ay tinalikuran niya ako at lumabas na.
Tumayo ako at bumaba para puntahan ang mga tauhan ko sa labas ng Mansion na ito.Nang makalapit ako sakanila ay nagsalita ako.
"Asan siya pumunta?"tanong ko.
"Tumawid siya sa tulay baka sa Mansion nila,Master."sagot ng isa sa kanila.
"Siguraduhin niyong hindi siya tatakas."
"Pinasundan namin siya sa ilang mga kasamahan namin,Master."
"Mabuti kung ganon..."aalis na sana ako ng may maalala ako."Ipatawag mo si Ace."utos ko.
"Masusunod,Master."sabi nila at isa sakanila ay lumakad na.
Naglakad ako papunta sa Ilalim ng Mansyon at nakita ko doon si Aisha isa sa mga alipin kung babae katulad rin namin siya.Nang makalapit ako sakanya ay bigla niyang hinawakan ang balikat ko at ginawaran ako ng halik hinalikan ko siya pabalik at inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabila niyang bewang at maslalo ko pa diniinan ang halik ko sakanya.
"Bakit ngayon ka nalang ulit pumunta rito."biglang sabi niya habang patuloy parin akong hinahalikan.
"Wag mo nang isipin yun...ang mahalaga nandito na ako."sagot ko habang hindi pinaghihiwalay ang mga labi namin.
Nasa kalagitnaan kami ng biglang sumulpot si Ace sa harap namin.
"Paumanhin,Master."
"Ituloy natin sa susunod na araw..."paalam ko kay Aisha.
"Pangako?"sabi niya habang hinihimas niya ang dibdib ko.
Tumango lang ako.At bigla na siyang naglaho kaya itinuon ko ang paningin kay Ace.
"Pinapatawag niyo daw ako,Master."
"Yung mga nakatakas?Alam niyo na ba kung saan sila nagtatago."
"Hindi pa.Naglibot ako sa buong Isla pero hindi ko parin sila makita mukhang tuluyan na silang nakawala."
"Hahahahaha...hindi yun makakawala dito!Hanapin niyo ng maigi."mahinahon kung utos.
Tumango siya."Masusunod."
"Sandali...yung mga babaeng bihag natin kasama ang kaibigan ng babaeng yun,nasaan na sila?"tanong ko.
"Nasa kani-kanilang kulongan,Master."
"Osige...makakaalis kana."
Nang nakaalis na siya ay bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.Ganun ang lagay ko ng makita kung bumalik na siya at may mga dala-dalang mga papel at isang camera.Hindi niya ako pinasadahan ng tingin at dere-deretsu lang siya sa paglalakad hanggang sa maka-akyat at makapasok na siya sa loob ng kwarto niya.
Nakita kung paakyat ang parating dumadala sakanya ng prutas nakita ko namang tinanggap niya ito at maya-maya ay lumabas na siya ulit.Saka niya lang ako pinasadahan ng tingin ng humarap siya saakin.
YOU ARE READING
Our Berlin Wall Love Story
Roman d'amourHer:All along,I thought math tells us a three of a saddest love stories.I never thought that our story will end up in...this piece of shit. Him:Atleast we never end up in parallel,tangent and the worse one asymptote.Ang daming naging problema.Panaho...