"Wala akong sala! Palabasin ninyo ko sa seldang ito! Hinding hindi ko magagawa ang ibinibintang ninyo sa akin na pag patay kay Ella!" Yan ang isinisigaw sa loob ng selda ni Pablo Gonzalo simula noong ikinulong na siya. Dahil sa bintang sa kanya na siya ang humalay at pumaslang sa kaawa awang si Ella Toledo.
Rhia's POV:
Pagsapit ng tanghali naisipan kong sugurin sa selda sa presinto si Pablo para isisi sa kanya ang pagkamatay ni Ella.
"Hayop ka Pablo! Napakawalang hiya mo! Paano mo nagawa 'yon sa pinsan kong si Ella? Akala ko ba mahal na mahal mo siya pero anong ginawa mo, pinagsamantalahan mo lang siya at pagkatapos pinatay pa! Wala kang kuwentang lalaki! Wala ka din pinagkaiba sa mga kapatid mo!" Bulalas ko nang aking nakaharap na sa pihitan si Pablo.
"Sa maniwala ka man o sa hindi Rhia wala talaga akong kinalaman sa krimen na tinamo ng pinsan mong si Ella. Alam mo naman na mahal na mahal ko siya bilang aking nobya. Kaya imposibleng gawin ko sa kanya 'yon!" Protesta ni Pablo sa akin.
"Ano, magpapalusot ka pa Pablo eh nakita na nga ang identification card mo sa tabi ng bangkay ni Ella. Kung saan siya natagpuan na patay na! Paano mo pa maipapaliwanag 'yon?"
"Huh, hindi ko alam. Malamang may nag frame up lang sa akin."
"Tumigil ka na Pablo Gonzalo sa pagmamalinis ng pangalan mo! Isinusumpa ko sa mga oras na ito hinding-hindi ka patatahimikin ng konsensya mo sa ginawa mong kahayupan kay Ella. Sisiguraduhin ko din na mabubulok ka habang-buhay sa loob ng selda na 'to!"
Pagkatapos nang paghaharap namin ng hayop na si Pablo ay minabuti ko nang bumalik ng bahay. Sa lamay ni Ella.
Inabot na ako ng gabi sa biyahe. Habang nakasakay sa bus ay bigla akong napalingon sa bintana. Hindi naman sa kalayuan ay bigla akong napatingin sa burol kung saan namatay si Ella. Nang napatingin ako dito ay tila meron akong naaninag na isang babaeng nakaputi. Puno ng dugo ang damit ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil naka yuko siya.
Sa takot ko sa aking nakita sa labas ng bintana ay bigla akong napapikit ng mga mata at nag dasal ng Aba Ginoong Maria.
Habang nagdarasal nitong Aba Ginoong Maria ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa kanang gilid na aking inuupuan. Pakiramdam ko may tumabi sa akin. Unti-unting idinilat ko ang aking mga mata. Ngunit wala naman akong nakita na tumabi sa akin na inakala kong bagong sakay na pasahero.
Pagkatapos ay napalingon naman ako sa kaliwang gilid sa tapat ng bintana nitong bus at namilog ang aking mga mata sa nakita ko. Bigla ako napasigaw at napaurong sa aking kinauupuan. Dahil may nakita akong isang babaeng nakatingin sa akin nang masama sa bintana na lumuluha ng dugo. Hindi ko masyado makita ang buong mukha ng babae. Dahil puno ng dugo ang mukha niya.
Pinagtinginan tuloy ako nang maraming pasahero dahil sa aking pag sigaw ng malakas. Pagkatapos ay nilapitan ako ng kundoktor at tinanong kung ayos lang ba ako. Nang sasagot na sana ako sa kundoktor ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Unti-unting nagdilim ang aking paningin. Hanggang sa aking nararamdaman nawawalan na ako ng balanse sa katawan. At bigla akong bumagsak sa sahig nitong bus at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...