Chapter 6

19.8K 369 22
                                    

Nang nag umaga na ay nagising si Rhia sa kuwarto ni Ella kung saan siya hinimatay noong madaling araw.

Pagkagising ni Rhia agad ay pumunta siya sa kanyang kuwarto mismo para tingnan ang mga pamangkin niya. Ngunit pagpunta do'n ni Rhia ay wala na ang mga pamangkin niya.

Pagbaba ni Rhia sa unang palapag ng bahay ay nakita niya ang mga pamangkin na nanonood lamang pala ng cartoon sa tv.

Nang nasa baba na si Rhia ay pumunta na siya sa kusina para magluto ng almusal nila. Habang nagluluto ay biglang sumagi sa isipan niya ang babaeng nakaputi na duguan ang mukha habang kumakanta ng isang lullaby song sa gilid ng kama ni Nica.

Bigla siya napaisip kung bakit nagpakita sa kanya kagabi ang babaeng nakaputing bestida. Bigla rin naalala ni Rhia ang boses ng babaeng nakaputi na kumakanta na kaboses ng pinsan si Ella. Naisip niya na hindi kaya nagpaparamdam sa kanya ang kaluluwa ng pinsan niya. Pero bakit samantalang nahuli na ang tinuturong suspek sa pumatay kay Ella na si Pablo Gonzalo. Naibigay na ang hustisya sa pagkamatay niya.

Pagkatapos magluto ng almusal inayos naman ni Rhia ang hapag-kainan nila para makakain na sila nitong mga pamangkin niya.

Habang kumakain ay biglang may kinuwento ang pamangkin ni Rhia na si Nica.

"Tita Rhia alam mo ba kagabi?"

"Huh, anong kagabi?"

"Binisita ako ni Tita Ella."

"Huh, ano ba ang pinagsasasabi mo bata ka? Kumain ka na nga lang. Naku malamang epekto lang 'yan nang mga pinagpapanood ninyo ng kuya Tonton mo na horror tapes diyan sa salas natin. Kaya 'yan kung anu-ano na ang naiimagine mo."

"Tita Rhia totoo binisita ako ni Tita Ella. Kinantahan pa nga niya ako ng aking paboritong lullaby song para makatulog na ako agad."

"Naku Nica itigil mo na 'yan mga pinagsasasabi mo. Saka nananahimik na ang kaluluwa ng Tita Ella mo matagal na. Huwag mo nang banggitin pa siya. Hala sige kumain ka na lang diyan."

Alam ni Rhia ang katotohanan na totoong nagpakita nga ang kaluluwa ni Ella kay Nica dahil siya mismo nakita niya ito noong madaling araw. Pero napapaisip talaga siya kung bakit para bang hindi pa natatahimik ang kaluluwa ni Ella.

Pagkatapos kumain nila Rhia at ng mga pamangkin niya ay nagpunta siya sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ni Rhia ay pumunta siya sa harap nang malaking salamin do'n pa rin sa loob ng banyo.

Habang nagsusuklay ng buhok niya ay para bang may nakita siyang aninong dumaan sa likod niya. Ipinagkibit balikat na lamang niya ito. Mayamaya lang ay biglang may naramdaman naman siyang kumalabit sa batok niya. Dahil sa kalabit na naramdaman ni Rhia ay bigla siyang napaikot sa likuran niya. Pag ikot niya wala naman siyang nakita. Nag-iisa lang naman siya sa loob ng banyo.

Sa muling pag harap ni Rhia sa salamin ay bigla siyang napasigaw sa gulat. May nakita siya sa harapan ng salamin, sa kanyang repleksyon na may katabi siyang babaeng nakaputi sa kanang gilid.

Dalidali na pumunta si Rhia sa pintuan ng banyo para lumabas na pero bigla na lamang na locked ang pintuan kaya hindi siya makalabas. Ang nagawa na lamang ni Rhia ay mag sisisigaw sa loob ng banyo sa sobrang takot.

Muli tumalikod si Rhia sa likuran niya. Sa muling pag talikod niya ay wala na ang babaeng nakaputi na nakita niya kanina.

Bumalik ulit si Rhia sa harap ng salamin. Sa muli niyang pag harap sa salamin ay biglang namatay ang ilaw sa loob ng banyo. Nagsisigaw na naman siya ulit sa takot sa dilim. Kinapa niya ang switch ng ilaw. Nahanap naman niya ito. At pagkabukas niya sa switch ng ilaw ay bigla siyang nagimbal sa nakita niya sa harapan ng malaking salamin sa banyo. Nakita ni Rhia na puno ng dugo ang buong salamin.

Sa takot ni Rhia ay pumunta agad siya sa pintuan at sa pagkakataon na ito ay nabuksan na rin niya ang pinto ng banyo.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon