Chapter 5

21.8K 439 44
                                    

Mahimbing na ang lahat sa bahay nila Rhia ng gabing iyon. Malakas ang ulan at sobrang lamig ng mga oras na 'yon nang biglang naalingpungatan si Rhia sa hindi niya mapaliwanag na pakiramdam.

Nagising si Rhia na may naririnig na yabag ng mga paa sa hagdanan nila. Bigla siyang napaisip ng mga oras na 'yon kung sino yung nasa hagdanan. Samantalang kasama ni Rhia sa kuwarto ang mga pamangkin niya na anak naman ng Kuya Ryan at ng asawa nitong si Jen, at ang mga magulang niya, Kuya Ringo niya, at ang mga magulang ni Ella ay kasalukuyan na nasa Maynila dahil may pinuntahan na kamag anak na namatayan.

Bigla napatingin si Rhia sa wall clock at nakita niyang 2:58AM na pala ng madaling araw. Tumayo si Rhia sa kama niya. Naglakad nang marahan papalapit sa pintuan ng kuwarto niya.

Habang papalapit si Rhia sa pintuan ng kuwarto niya ay mas lumalakas ang tunog ng yabag nitong mga paa sa hagdanan sa bahay nila.

Biglang nakaramdam ng kaba si Rhia dahil sa yabag nitong mga paa na naririnig niya. Nang bubuksan na niya ang pintuan ay bigla naman nagising si Nicca na pamangkin niya. Tinanong ni Nicca ang Tita Rhia niya kung bakit pa siya gising ng mga oras na 'yon.

"Tita Rhia ba't gising pa po kayo?"

"Ah, wala lang hindi lang ako makatulog. Sige na Nica matulog ka na ulit."

"Teka lang Tita Rhia ano po yung maingay na nanggagaling sa hagdanan natin?"

"Ah, wala lang 'yon Nica. Malamang may mga daga lang na naglalaro sa hagdanan natin kaya sige na matulog ka na. Masama sa isang batang kagaya mo na gising pa ng ganitong oras."

Nagpalusot na lang si Rhia sa pamangkin niya na si Nica na baka may mga daga lang sa hagdanan. Baka kasi matakot lang si Nica kapag sinabi niya na may iba pa siyang iniisip tungkol do'n sa naulinigan niyang yabag ng mga paa ng isang tao.

At sa muling pag tingin ni Rhia sa wall clock ay 3AM na. Sa pagsapit ng 3AM ng madaling araw ay biglang nawala ang tunog nitong yabag ng mga paa na naririnig niya sa hagdanan kanina lang.

Binuksan ni Rhia ang pintuan ng kuwarto ng dahan-dahan, sumilip siya ng marahan din at lumabas na ng tuluyan sa pintuan nitong kuwarto para tingnan ang hagdanan.

Napakadilim ng second floor kaya ang ginawa ni Rhia ay binuksan niya ang switch ng ilaw. Kaso hindi niya ito mabuksan kasi mukhang nagkabrownout pa dahil sa lakas ng ulan. Sumilip siya sa bintana ng bahay nila sa second floor. Hindi sa kalayuan sa bahay nila ay may nakita siyang dalawang poste ng kuryente na nakahambalang sa kalye at putol-putol ang mga kable nito.

Naisipan ni Rhia na kumuha ng kandila sa kuwarto at posporo. Nang nakakuha na siya ng kandila na may sindi ay lumabas na siya ulit. Dahan-dahan niyang sinilip ang hagdanan ngunit wala naman siyang nakita. Naglakad siya pababa ng hagdanan hanggang sa narating na niya ang unang palapag nitong bahay nila. Habang naglalakad sa may salas ay may narinig siyang boses ng babae na kumakanta sa labas nitong bahay sa may terrace.

Narinig ni Rhia ang boses nitong babae na kumakanta ng "Ili ili Tulog Anay" isang lullaby song mula sa Visayan region. Habang pinakikinggan ni Rhia ang boses ng babae na kumakanta ay bigla niyang naalala ang pinsan niyang si Ella. Dahil ito ang parating kinakanta ni Ella kapag pinatutulog niya dati si Becca noong nabubuhay pa ito.

Biglang kinilabutan si Rhia. Bigla niyang naisip na baka nagpaparamdam sa kanya ang kaluluwa ni Ella.

Patuloy lang ang pagkanta ng boses nitong babae sa labas ng bahay nila Rhia. Naisip niya na silipin mula sa bintana ng salas nila kung sino yung kumakanta ngunit nang pagsilip niya ay wala naman siyang taong nakita.

Pagkasilip na pagkasilip ni Rhia sa bintana ay bigla naman nawala ang tinig na naririnig niyang kumakanta.

Pagkatapos no'n ay naisipan na ni Rhia na bumalik ng kuwarto kaya sinimulan na niyang umakyat ng hagdanan. Habang naglalakad sa hagdanan ay may bigla siyang naramdaman na malamig at malakas na ihip ng hangin na dumaan sa harapan niya, dahilan para mamatay ang apoy ng dala niyang kandila. Buti na lang nasa bulsa ni Rhia ang posporo na kinuha niya kanina sa kuwarto.

Binuksan na ni Rhia ang kandila na dala gamit ang posporo at sa muling pagliwanag ng kandila ay biglang narinig niya muli ang tinig nitong babae na kumakanta.

Sa muling pagkakarinig sa tinig ay do'n niya napagtantong kaboses ng pinsan niyang si Ella ang kumakanta.

Habang papaakyat si Rhia sa pangalawang palapag ng bahay pabalik sa kuwarto ay biglang mas lumakas pa ang boses nitong babaeng kumakanta. Bigla na lang napayuko ng ulo si Rhia sa takot habang papalapit na sa pangalawang palapag pabalik ng kuwarto niya.

Nang nasa pangalawang palapag na si Rhia ay dalidali siyang pumasok ng kuwarto. Sa muling pagbalik niya sa kuwarto ay nagulantang siya at nanlaki ang mga mata niya sa kanyang naabutan.

Habang mahimbing na tulog ang mga pamangkin niya na sina Tonton, Becca, nakita ni Rhia si Nica na tulog din ngunit sa gilid ng kama nito ay may nakita siyang nakatayong babaeng nakaputi. Pero hindi niya maaninag ang mukha dahil puno ng dugo ang mukha nito at medyo natatakpan ng magulong ayos nitong buhok habang kumakanta.

Sa sobrang takot ni Rhia ay bigla siyang napaatras ng kuwarto at tumakbo naman sa kabilang kuwarto.

Hindi napansin ni Rhia na ang kuwarto pa lang pinasukan niya ay kuwarto ng pinsan niyang si Ella.

Sa pagpasok ni Rhia sa loob ng kuwarto ni Ella ay bigla siyang napatulala sa nakita niya sa loob. Nakita niya sa loob ng kuwarto ni Ella ang babaeng nakaputi na puno ng dugo ang mukha. Tinangka niyang buksan ang pinto ngunit hindi na niya ulit ito mabuksan. Hanggang sa nag sisigaw na si Rhia sa sobrang takot hanggang sa hinimatay na siya.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon