Chapter 29

10K 191 28
                                    

Shanelle's POV:

Sobra akong natutulala sa pangyayari. Sa pagpapakamatay ni Sophia sa harapan ko. Sa pagilit niya sa leeg niya.

Pero parang may mali. May kakaiba. Nahihiwagaan ako sa pagpapakamatay ni Sophia. Hindi kaya may kinalaman dito si Ella?

Kailangan ko ng ma-contact sa cellphone si Jenmark. Baka may iba pang idamay ang kaluluwa ni Ella.

Paglabas ko ng hospital kung saan ko sinugod si Sophia, dinial ko agad ang number sa cellphone ko ni Jenmark. At sakto sa pangalawang ring lang sinagot na niya agad ito.

'O, Shanelle napatawag ka bigla.' Gulat na sagot sakin sa cellphone ni Jenmark.

'Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo Jenmark... pero si Sophia wala na.' Saad ko kay Jenmark na may halong kaba at takot.

'What do you mean?'

'Nagpakamatay siya kanina lang. Dinala ko siya sa hospital pero dead on arrival na siya.'

'What the f... seriously?'

'Yes I'm serious Jenmark! And I guess hindi lang basta nagpakamatay si Sophia. I think Ella try to controll over her.'

'What do you mean again with that?'

'Feeling ko sinaniban siya ni Ella!'

'Woah... baka naman nabibigla ka lang Shanelle?'

'Hindi ako nabibigla. Nakita ko kung paano nagpakamatay si Sophia kanina sa harapan ko. At kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw pa niyang mamatay pero mukhang may kung ano na kumokontrol sa kanya na gawin ang pagpapakamatay sa kanyang sariling buhay. At malakas ang pakiramdam ko Si Ella ang may kagagawan nun. At nararamdaman ko na hindi siya titigil hanggat hindi niya tayo nauubos o napapatay!'

'Sige, ganito na lang Shanelle. Magkita tayo sa bayan at may pupuntahan tayong tao na posibleng makatulong sa atin. Para matapos na ang kaguluhan na to dulot ng kaluluwa ni Ella.'

Matapos ang pag uusap nila Shanelle at Jenmark sa cellphone, nag drive na si Shanelle papunta sa bayan.

Nang nagkita na sila Shanelle at Jenmark sa bayan, nagpunta sila sa isang lumang maliit, na barong barong na bahay na naka tayo sa isang liblib na lugar sa bayan.

Dito nakatira si Mang Rubio. Isa siyang kilalang albularyo sa bayan. Kakausapin nila Jenmark si Mang Rubio na itaboy na ang masamang kaluluwa ni Ella.

Pagdating sa barong barong na bahay ni Mang Rubio, tumambad agad sa harapan nila Jenmark at Shanelle ang mga kakaibang kasangkapan ni Mang Rubio. Katulad ng mga pugot na ulo ng hayop gaya ng baboy ramo, kalabaw, at isang usa.

Habang tinitingnan nila Shanelle at Jenmark ang buong kapaligiran ng bahay ni Mang Rubio ay biglang may narinig silang kalampag ng isang pinto.

Pagtingin nila sa pinto ay nakita nila si Mang Rubio na mukhang nanggaling sa pagsasaka sa bukid.

'Sino kayo? Anong ginagawa ninyo sa loob ng pamamahay ko?' Kuwestiyon ni Mang Rubio kanila Jenmark at Shanelle.

'Ah, ako nga po pala si Jenmark at siya naman si Shanelle. Nandito po kami para humingi ng tulong.' Paliwanag ni Jenmark.

'At anong klaseng tulong naman ang kailangan ninyo mula sakin?'

'Yung kapatid ko po kasi na lampas ng limang taon ng patay hanggang ngayon hindi pa din siya matahimik at gusto niyang bulabugin ang mga nanahimik namin na buhay.' Saad ni Jenmark

'Hmmn... teka lang. Magkano naman ang ibabayad ninyo sakin?'

'Naku po, huwag kayong mag alala Mang Rubio sa bayad. Kahit magkano magbabayad kami basta tulungan ninyo lang kami na maitaboy na ang kaluluwa ni Ella.' Sabi naman ni Shanelle kay Mang Rubio.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon