"Bloody Mary, Bloody Mary, Bloody Mary..."
"Ate Nica itigil na natin ito natatakot na kasi ako." Sabi ni Becca sa Ate Nica niya.
"Huwag ka nga maduwag diyan Becca! Kailangan natin masabi ng 13 times ang pangalan ni Bloody Mary para mapatunayan natin kung totoo ba siya o hindi." Esplika naman ni Nica sa bunsong kapatid niyang si Becca.
"Naku Ate Nica bahala ka na nga diyan pupunta na lang muna ako sa kuwarto ni Tita Rhia. Magpapakuwento na lang muna ako sa kanya ng bed time story para makatulog na ko."
"Ang sabihin mo naduduwag ka lang Becca hehe!"
"Ah, bahala ka na diyan Ate Nica basta ako magpapakuwento na lang ng bed time story kay Tita Rhia."
Noong gabi na 'yon pagkatapos kumain nang hapunan ng mag ate na sila Nica at Becca, napag usapan nang dalawa na gagayahin nila ang napanood sa isang pelikula tungkol kay Bloody Mary.
Gusto nila alamin kung totoo ba ang urban legend ni Bloody Mary. Sabi kasi nila kapag humarap ka daw sa isang salamin ng gabi, magtirik ka daw ng kandila at banggitin mo nang 13 beses ang pangalan ni Bloody Mary na umiikot Pagkatapos nito ay magpapakita na sayo ang kaluluwa ni Bloody Mary.
Sa oras nagpakita na si Bloody Mary sayo sa salamin ay maaari ka nang humiling sa kanya. Kahit ano puwede mong hilingin at ibibigay niya ito sayo nang walang kahirap-hirap.
Dahil umalis na ang bunsong kapatid ni Nica na si Becca sa kuwarto nilang magkapatid, bigla naman nawalan na nang gana si Nica sa balak niyang pagtawag kay Bloody Mary.
Sa loob ng kuwarto nilang magkakapatid ay may mga kanya-kanya silang kama. Ang isa ay para sa kuya nila na si Tonton, ang pangalawa naman na kama na malapit sa bintana ay kay Nica, at ang pangatlong kama naman na malapit sa pintuan ng kuwarto ay para kay Becca.
Napagdesisyunan na ni Nica na matulog na lang sa kama na niya.
Sa kanan na gilid ng kama ni Nica ay may lampshade. Bago siya tuluyan matulog ay pinatay niya muna ang ilaw nito.
Nang pinipikit na ni Nica ang kanyang mga mata ay bigla siyang may narinig na boses na tumatawag sa kanyang pangalan.
"Nica... Nica... Nica... Nica..."
Bumangon si Nica sa kanyang kama. Umupo siya nang mga trenta segundo sa kama niya habang naririnig pa din ang boses na tumatawag ng pangalan niya.
Maya-maya lang ay tumayo si Nica sa kama niya at pinakinggan mabuti kung saan nanggagaling ang boses na naririnig niya.
"Hmmn sino kaya 'yon? Parang boses babae. Parang nanggagaling sa baba ng bahay namin."
Nang napagtanto ni Nica na sa baba ng bahay nila nanggagaling ang boses nang isang babae na tumatawag sa kanya.
Habang pababa si Nica sa hagdanan ay pansin niya na mas lumalakas pa lalo ang boses ng babae na tumatawag sa pangalan niya.
Narinig ni Nica na parang nanggagaling ang boses d'on sa banyo malapit sa kusina ng bahay kung kaya't pinuntahan niya ito.
Nang nasa harap na si Nica ng pintuan sa banyo ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Mas tumindi kasi ang lakas ng boses ng babae.
Hinawakan niya ang doorknob ng Banyo. Iniisip niya kung bubuksan ba niya ito o hindi. Pero sa bandang huli ay naisipan niya din buksan ito..
Pagkabukas ni Nica sa pintuan ng banyo ay biglang nawala ang boses na naririnig niya.
Pabalik na si Nica sa kuwarto niya habang naglalakad siya papanig sa hagdanan. Habang nasa hagdanan siya ay biglang nakaramdam siya nang malamig na ihip ng hangin na dumaan sa harapan niya.
Pagbalik ni Nica sa kanyang kuwarto ay humiga na siya agad sa kama nang biglang may naramdaman siya na humihila nitong kumot niya papunta sa paanan niya.
Sa takot ni Nica ay bigla siyang napatili sa takot. Narinig to ni Tita Mildred kaya dali-dali niyang pinuntahan sa kuwarto si Nica.
Pagdating ni Tita Mildred sa kuwarto ay bigla siyang nagulat sa nakita niya. Nakita niya si Nica na walang malay at lumulutang sa kama nito. Si Tonton naman na kuya ni Nica ay mahimbing pa din ang tulog.
Napatanga si Tita Mildred sa nasaksihan niya. Pagkatapos ay nakita niya na unti-unting bumababa sa kama ang lumulutang na si Nica sa kama.
Pagkatapos n'on ay dali dali na ginising ni Tita Mildred sila Tonton at Nica. Sinabi niya na doon na lang muna sila matutulog sa kuwarto niya. Para makasigurado siya na mababantayan niya ang mga bata habang natutulog.
Nang kinaumagahan ay parang wala sa sarili si Tita Mildred habang nagluluto. Hanggang sa nilapitan siya ng pamangkin niya na si Rhia at sinabihan siya na nasusunog na pala ang niluluto niyang pritong itlog para sa almusal.
"Tita Mildred okay ka lang ba? Parang wala ka kasi sa sarili mo. Nasunog na nga yung niluluto ninyo pong pang agahan natin."
"Hindi ko na alam Rhia kung ano ang nangyayari sa bahay natin."
"Bakit po Tita Mildred?"
"Kagabi narinig ko si Nica na tumili sa kuwarto niya. Pagdating ko sa kuwarto niya nakita ko siya na walang malay at lumulutang sa kama. Akala ko kapag napabendisyunan na ang bahay natin sa isang pari ay magiging okay na ang lahat pero mukhang mas lumalala lang ang sitwasyon Rhia."
"Ano na pong balak ninyo Tita Mildred?"
"Pinag-iisipan ko kung lilipat tayo d'on sa isa pang bahay natin sa may bayan. Baka kapag lumipat tayo d'on baka maging maayos na tayo."
Lubusan nang binabagabag na ng takot si Tita Mildred sa bahay nila dahil sa mga nakakakilabot na bagay na nangyayari.
Sa balak ni Tita Mildred na lumipat sa bahay nila sa bayan may posibilidad kayang matakas na nila ang mga kababalaghan na nararanasan nila?
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...