Leslie's POV:
Hindi ko pa din makalimutan ang aking nakita kagabi. Ang babaeng humawak sa aking baby Johanna.
Sino ba siya?
Ano ang kanyang motibo?
Nawiwirduhan ako.
Ngayon araw na to ay papunta ako sa isang bookstore malapit sa condo namin ng asawa ko. Kasama ko din ang aking baby na si Johanna sakay sa kanyang trolley.
Hilig ko talaga ang pagbabasa lalo na ang mga romantic novels.
Ewan ko ba kung kailan pa ang huling bili ko ng isang nobela sa isang bookstore. Hindi ko na din masyado maalala simula nung nagpakasal ako kay Chad.
Ito nasa loob na ako ng isang bookstore na nagngangalang Rolling Stone Book Reading Store.
Karamihan ng mga tinda dito na aklat ay puro mahal ang presyo at puro imported galing pa sa US.
Kaya lang naman ako nandito ay upang magpalipas oras. Ayoko muna manatili sa bahay.
Marahil ay dala na din ng takot ko na baka may makita na naman ulit akong hindi naman dapat makita ng dalawa kong mga mata.
Kung minsan kapag tumatanda na tayo may mga bagay na doon pa lang natin nasasaksihan o nakikita.
Siguro ganito rin talaga kapag nagkakaanak at nagkaka sariling pamilya ka na kung anu ano na ang nakikita mong kakaiba sa paigid mo.
Oo nga pala kailangan ko pang mamalengke at pagkatapos ay maghahanda ako ng pananghalian.
Half day lang sa work ang mister ko kaya inaasahan ko na sa bahay na siya manananghalian.
Makalipas ang ilang oras ay pabalik na ako sa condo. Naka sakay ako ngayon sa isang taxi.
Medyo napagod ako sa pamimili sa wet market. Gusto ko munang umiglip.
Naramdaman ko na lang na huminto na ang taxi. Pagmulat ng aking mga mata ay nandito na ako sa tapat ng condo.
Papasok na ako sa condo.
Pasakay naman na ako ng elevator papunta sa unit ko.
Nasa loob na ako ng elevator kasama si baby Johanna ng biglang may nakita ako hahabol na babaeng sasakay din ng elevator.
"Teka lang miss!" Sigaw niya sakin. Kaya minadali kong pindutin ang open button ng elevator.
"Thank you miss! Akala ko talaga masasaraduhan na ako ng elevator." Ani niya sakin.
"Ah, walang anuman yun miss." Tugon ko naman sa kanya.
"Hmmn, parang ngayon lang kita nakita dito sa condo miss. Bago ka lang ba dito?" Bigla naman niyang tanong sakin.
"Ay, hindi naman. Ilang buwan na din kami dito ng anak at ng asawa ko. Hindi lang talaga ako pala labas ng unit namin. Ipinagbubuntis ko pa kasi noon ang baby ko na ito." Sagot ko sa kanya ng naka ngiti.
"Ah ganun ba, okay! Ako nga pala si Sylvia. Nakatira ako diyan sa unit 555."
"Wow, pagkakataon nga naman. Magkalapit lang pala ang unit natin. Sa unit 554 lang ako."
"Pagkakataon nga talaga. Ano nga pala pangalan mo miss?"
"Leslie ang pangalan ko at ang cute na baby na dala ko naman ay si Johanna."
"Ang cute naman ng anak mo. O, ito na pala tayo sa 5th floor. Sige una na ako sayo."
At least kahit paano may kakilala na ako dito sa condo namin.
Ngayon ay aasikasuhin ko naman ang tanghalian namin ng pamilya ko.
"12pm na pala ng tanghali." Ani ko sa sarili ko.
Malamang paparating na si Chad. Tamang tama luto na ang niluto kong adobong manok at sinaing.
Nang biglang may narinig akong nag door bell sa pintuan ng unit namin. Baka si Chad na iyan.
Sinilip ko sa maliit na butas sa pintuan kung sino iyong nag doore bell.
Pero wala naman akong nakita.
Baka may mga bata lang sa labas ng hallway ng unit ko na naglalaro lang.
Pabalik na ako sa kusina kasi inaayos ko ang hapag namin para sa tanghalian ng marinig ko na naman ulit ang pag door bell.
Sinilip ko ulit pero wala naman tao.
Binuksan ko na itong pintuan at tiningnan kung sino ba ang tao sa hallway sa labas ng unit namin.
Paglabas ko wala naman akong nakita. Pumasok na muli ako sa loob ng unit.
Pagpasok ko ng unit ay minabuti ko ng bumalik sa kusina.
Pagbalik ko sa kusina ay hindi ko inaasahan ang bubungad sakin.
Nagulat ako sa nakita ko. Biglang gumulo ang kusina. Ang kaserolang pinaglutuan ko ng adobo ay naka balandra lang sa sahig at ang mismong adobong niluto ko ay naka tapon sa lamesa naman namin. At ang kanin sa rice cooker ay tumapon naman sa lababo.
Sinong gagawa nito?
Mag isa lang naman ako dito.
Imposibleng si baby Johanna naman ang gagawa nito kasi wala pang muwang yun at isa lamang sanggol yun.
Nakakapagtaka.
O hindi!
Hindi kaya may naka pasok na masamang loob sa unit namin na hindi ko namamalayan?
Bigla kong naalala si baby Johanna. Minadali kong puntahan siya sa kanyang kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ay tiningnan ko agad ang kanyang cradle pero wala siya dun!
Diyos ko nasaan na ang anak ko!
Naluluha na ang mga mata ko sa sobrang pag aalala. Hanggang sa may narinig akong pag iyak ng isang sanggol.
Hindi kaya si baby Johanna ito?
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang pag iyak.
Habang sinusundan ko ang pag iyak ay dinala ako nito sa banyo ng unit namin.
Marahan kong binuksan ang pintuan. At kinilabutan ako sa nakita ko.
Nakita kong nandun si baby Johanna pero meron umaakay sa kanya.
Isang babae. Ang mismong babae din na nakita ko nung madaling araw.
Natatakot at kinikilabutan ako.
Hanggang sa bigla niyang inihagis sakin ng basta-basta ng malakas ang aking anak na si baby Johanna. Buti na lang at nasalo ko ito. At hindi siya bumagsak sa sahig.
At pagkasalo ko sa anak ko ay bigla na lang nawala na parang bula ang misteryosang babae.
(Please VOTE and COMMENT thanks.)
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...