Chapter 7

20.4K 377 15
                                    

"Oh my God, its so mainit na talaga! Uy, yaya pakuha naman ng energy drink ko sa basket please..."

"Ito na ma'am."

"Thanks Yaya. Ah, Yaya pansin ko lang kanina pa tayo naglalakad at inabot na rin tayo ng dilim sa daan. Malayo pa ba ang bahay ng pamangkin ninyong si Rhia? Kung bakit pa kasi nasira sa daanan yung van natin. Sana maayos na ni mang Dodong yung makina para masundo na niya tayo dito agad. Its so maputik pa naman sa daan tonight."

"Ah ma'am malapit na po tayo sa bahay ng pamangkin kong si Rhia ayun na po yung bahay nila."

"Uhhm, infairness medyo may kalakihan din ang bahay ng pamangkin mo ha."

"Actually ma'am mga magulang ko po talaga ang may ari ng bahay na 'yan. Yung ibang kapatid ko lang saka mga magulang ni Rhia ang nakatira diyan ngayon. Sila kasi ang bantay."

Tok... tok... tok...

Binuksan ni Rhia ang pintuan ng bahay nila at nakita niya na ang kumatok pala ay ang tiyahin niyang si Tita Mildred.

"O, Tita Mildred buti naman at nakarating ka na... ah teka sino po itong kasama ninyo?"

"Ah, pamangkin siya nga pala ang ma'am Sophia ko. Gusto niya kasi magbakasyon dito sa probinsya natin kaya ito sinama ko muna tutal tamang-tama wala rito ang mama at papa mo. Konti lang ang tao ngayon dito."

"Hi, ako nga pala ang alaga ng tita mo, anyways mukhang magka age lang tayo Sophia na lang din itawag mo sa akin. Sensya na Rhia kung nagpumilit akong sumama sa tita mo rito sa bahay ninyo sa probinsya. Wala kasi akong makasama sa bahay namin sa Manila. Sila mom and dad kasi may business trip sa Canada. Don't worry one week lang naman ako rito."

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon