Chapter 20

11.8K 213 17
                                    

Tahimik na ang mga buhay nila Rhia, Jenmark, at Shanelle pagkatapos ng malagim na nangyari kay Carrie at sa ina nito na si Tita Stella. Ngayon magkakasama sila sa condo ni Shanelle, sa Makati para magbakasyon.

Ganun pa man wala pa din pinagbago ang tigre at leon na away at inisan ni Jenmark at Shanelle sa bawat isa.

'Jenmark Agustin! Gumising ka na! Magbantay ka ng bahay at aalis kami ni Rhia ng condo ngayon para mag grocery!' Sigaw na malakas ni Shanelle sa kaliwang tenga ni Jenmark habang mahimbing ang tulog nito sa kama, nang biglang nagising na to sa lakas ng boses ni Shanelle.

'Badtrip naman tong babae na to! Ang sarap ng tulog ko eh! Ano ba kasi problema mo? Maka pang gising naman kasi daig pa ang nasusunugan ng bahay! Sabi ni Jenmark ng bigla itong nagising.

'Gumising ka na nga! Tamad talaga nito tss. Sige na bumangon ka na sa kama mo at magbantay ka ng bahay! Aalis na kami ni Rhia. Oo nga pala mag saing ka na para may pakinabang ka naman dito sa condo ko! Magtatanghali na, para pag balik namin ni Rhia ulam na lang ang lulutuin namin! Naiintindihan mo ba Mr. Jenmark Agustin?'

'Oo na po BOSS! Ito na nga o, bumabangon na nga eh! Sige na umalis na kayo tss. Hmmn, panira ng tulog!'

Umalis na sila Shanelle at Rhia para pumunta sa grocery habang si Jenmark naman ay naiwan sa bahay.

Pagkaalis nila Shanelle at Rhia sa bahay, sinimulan na ni Jenmark na mag saing ng bigas. Nang nailagay na ni Jenmark sa kalan ang kaserola na pinagsasaingan niya ay bigla siyang napa hikab at inantok na naman. Pumunta siya ng sala para manood ng tv habang naka higa sa sofa. Hindi namalayan ni Jenmark na napa iglip na siya.

Nang napa iglip siya bigla sa sofa, biglang may narinig si Jenmark na sumisitsit sa kanya. Bigla siyang bumangon sa sofa sa pagkakahiga at pagkaka iglip. Pagtayo niya sa sofa ay bigla naman nawala yung naririnig niyang sitsit. Nang biglang may naamoy siyang parang nasusunog sa kusina. Naalala niya bigla yung sinasaing niya na kanin.

'Sh*t! Yung sinaing ko nasusunog na ata!'

Nagmadaling tumakbo si Jenmark sa kusina para tingnan yung sinasaing niya na bigas. Pagdating niya sa kusina, laking gulat niya ng nakita niya ang sinasaing niyang bigas sa kalan na naka patay na ang apoy. At pagtingin niya sa loob ng kaserola hindi naman nasunog ang kanin nito.

'Huh, ang weird naman, paano nangyari yun. Naamoy ko ng nasusunog ang kaserola na pinag sasaingan ko pero hindi naman to sunog, saka paano naman mamatay ng kusa ang kalan. Nag iisa lang naman ako dito sa condo, kaya walang ibang mag papatay nito. Hindi pa naman nauubos yung tangke ng shellane.'

Nang biglang parang may naramdaman si Jenmark na dumaan sa likod niya. Bigla siyang lumingon pero wala naman siya na ibang tao na nakita. Tapos may narinig siyang parang nahulog na flower vase sa sala. Tumakbo siya agad para tingnan kung may nahulog nga ba na flower vase, pagdating niya ng sala maayos naman lahat ng gamit at wala naman kahit ano na nahulog sa sahig.

Narinig ni Jenmark na may nag doorbell sa condo ni Shanelle kaya pumunta siya sa pintuan para tingnan kung sino yung nag doorbell. Pagbukas niya ng pintuan wala naman siyang ibang tao na nakita sa labas. Pagsara niya ng pintuan, narinig niya ulit na may nag doorbell, kung kaya ay binuksan niya muli ang pintuan. Pagbukas niya ng pintuan wala pa din siyang nakita na ibang tao.

'Kakainis naman. Badtrip, mukhang may nang t-trip sakin dito. Maka balik na nga lang ng sofa. Matutulog na lang ako.'

Bumalik na si Jenmark sa sala at humiga ulit sa sofa para matulog.

Habang sinusubukan na ipikit ni Jenmark ang kanyang mga mata para matulog ulit, biglang may narinig siyang isang boses ng babae na umiiyak. Tumayo siya para alamin kung saan nang gagaling ang iyak ng isang babae. Habang mas papalapit siya ng papalapit sa kwarto ni Shanelle mas lumalakas naman ang naririnig niyang umiiyak na babae.

Pagbukas ni Jenmark sa pintuan ng kwarto ni Shanelle, wala naman siyang ibang tao na nakita sa loob, at bigla din naman nawala ang naririnig niyang umiiyak na babae. Pagkatapos, bumalik na muli si Jenmark sala. Nakita naman niya na dumating na pala sila Shanelle at Rhia na dala-dala ang mga pinamili nito sa grocery.

'O, kumusta naman yung sinaing mo Jenmark? Baka naman sunog yung niluto mo?' Pasungit na tanong ni Shanelle kay Jenmark.

'Oo naman, saka marunong din naman ako magluto noh!'

'Talaga marunong ka magluto? Kung marunong ka nga magluto, sige nga ikaw ang magluto ng ulam natin ngayon lunch.'

'Okay sige, ako ang magluluto ng tumahimik ka na!' Inis na sabi ni Jenmark kay Shanelle.

Nagluto si Jenmark ng Caldereta.

Makalipas ang isang oras...

'Ayan na! Ako ang nagluto niyan ha! Hindi ako nagpatulong kay Rhia!' Sabi ni Jenmark kay Shanelle na may halong pagyayabang at pagmamalaki.

'Oo na! Ikaw ng nagluto! Ang tanong masarap ba?' Tanong naman ni Shanelle kay Jenmark na may halong pang aasar.

'Ba't di mo tikman ng malaman mo tss.'

Titikman na sana ni Shanelle ang nilutong Caldereta ni Jenmark ng biglang may nag doorbell. Si Shanelle na ang nag bukas. Pagbukas niya ng pintuan ng condo niya ay nagulat siya sa taong nakita niya. Isang taong hindi niya inaasahan na makikita niya muli na naging parte ng buhay niya sa kanyang nakaraan.

Sino kaya ang taong hindi inaasahan ni Shanelle na nag doorbell sa kanyang condo?

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon