Chapter 25

11K 188 20
                                    

5 years after...

Jenmark's POV:

Since then, nangyari ang malaking pagsabog ng eroplanong sinakyan dati ni Shanelle hindi na ulit nahulog pa ang damdamin ko sa isang tao. Pakiramdam ko kasi may dala akong kamalasan sa kung sino man ang babaeng magugustuhan ko.

Naaalala ko pa din ang binitawan na sumpa kasi ng half sister ko na si Ella. Kung sino man ang taong magustuhan ko ay mapapahamak. At mukhang nagkatotoo na yun kasi kasama si Shanelle sa mga namatay sa pagsabog ng eroplano na sinakyan niya papunta sanang States.

Ngayon nagwowork na ko sa isang restaurant na ako mismo ang nagmamanage. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para makalimutan na ang madilim kong nakaraan. Ang malagim kong nakaraan ng dahil sa hindi matahimik na kaluluwa ni Ella.

Rhia's POV:

Nandito ako ngayon sa harapan ng puntod ni Ella. Ipinagdarasal ang katahimikan ng kanyang kaluluwa. Kailangan kong pumunta sa puntod niya para sa huling pagkakataon kasi mag mimigrate na ko sa Rome. Gusto ko rin kasi na dun na magserbisyo bilang isang madre.

Oo, isang madre. Simula kasi nung sumabog ang sinasakyan na eroplano ni Shanelle natakot na ako. Pakiramdam ko si Ella ang may kagagawan nun. Minabuti kong pumasok na lang sa kumbento at magserbisyo sa Diyos. Saka kapag nandoon na ako sa Rome mas marami pa akong matutunan na bagay pagdating sa usaping relihiyon at sa pagseserbisyo sa Diyos.

Ang pagmimigrate na din siguro ang isa sa mga magandang paraan para tuluyan ko ng makalimutan ang malagim kong nakaraan na limang taon na ang lumilipas.

Bukas na ang alis ko patungong Rome. Sa pag alis kong tuluyan dito sa Pilipinas sana tuluyan na din talagang malibing sa limot ang lahat. Sana pati ang sumpa ni Ella mawala na talaga.

Sa dakong Fairview, Quezon City naman ay may nag ngangalan na Rowena. Nakatira siya sa isang mansion na bahay na pagmamay ari ni Donya Sienna Marie Lopez.

Si Donya Sienna ay walang asawa at anak. Ngunit simula nung inampon niya si Rowena ay itinuring na niya itong parang isang tunay na anak.

Napunta si Rowena kay Donya Sienna mga ilang taon na din ang nakakaraan. Isang araw habang naglalakad si Donya Sienna sa isang pangpang sa may Manila Bay kasama ang mayordoma niya at mga body guards niya ay may natagpuan silang babaeng walang malay sa may pangpang.

Tiningnan ng isang body guard ni Donya Sienna kung may pulso pa ang babaeng ito. At napag alaman nilang meron pa nga. Sinakay ni Donya Sienna sa kanyang limousine ang babaeng walang malay at iniuwi niya ito sa kanyang mansyon sa Fairview.

Nang nagkamalay na ang babaeng natagpuan ni Donya Sienna sa pangpang tinanong agad ni Donya Sienna kung ano ang pangalan niya. Kaso imbes pangalan ang isagot nito sa katanungan ni Donya Sienna. Ang sinagot ng babae ay, 'Wala akong maalaala.'

Dahil sa walang maalaala ang babae kahit isa, napagdesisyunan na lang ni Donya Sienna na bigyan siya ng pangalan na Rowena. At siya na ngayon ang anak ni Donya Sienna na nag iisang tagapag mana ng lahat ng mga properties niya sa oras na may mangyari sa kanyang buhay.

'Ma, I need to go na nga pala. I'm going to meet pa kasi yung resturant manager na gustong gawin tayong personal supplier ng mga meat supplies nila para sa restaurant nila.'

'Okay, sige Rowena. Mag iingat ka. Huwag kang papagabi may dinner pa tayo mamayang 7pm sa isa pang business tycoon na gustong mag invest sa ating company.'

'Okay Ma.'

Rowena's POV:

Ganito ang buhay ko simula nung nagising ako sa mansyon ni Donya Sienna na tinatawag ko ng mama ngayon. At ngayon araw na to pupuntahan ko ang bagong client namin. Sana maging successful ang lakad ko today. Well, always naman successful. Bilin sakin kasi ni mama na bawal ang failure sa business. Kaya ito ayoko siyang biguin. At saka alam ko rin naman na utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon kaya pinagbubuti ko ang pagtatrabaho sa kumpanya.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon