Matapos ang isang malakas na bungguan ng kotseng sinasakyan ni Rowena ay bigla siyang nawalan ng malay. Makalipas ang ilang sandali ay nagkamalay din siya. Gumapang siya palabas ng pintuan ng kotse niya.
Nung nasa labas na ng kotse si Rowena nakita niya ang isa pang kotseng nakataob na naka bangga sa kanya. Nilapitan niya ito at laking gulat niya kung sino ang naka sakay.
Nakita niya na ang nasa loob ng kotseng nakataob na naka bangga sa kotse niya ay si Donya Sienna. Wala itong malay.
May mga ibang taong nakakita sa pangyayaring aksidente kaya may ibang mabuting loob na nagboluntaryong tumulong kay Donya Sienna. Sinugod siya sa ospital ngunit isang masamang balita ang natanggap ni Rowena mula sa isang doktor na tumingin sa kanyang mama. Patay na si Donya Sienna. Dead on arrival daw siya. At ang sanhi ng kanyang kamatayan ay isang brain hemorrhage.
Biglang nag blackout ang takbo ng utak ni Rowena. Hindi niya alam kung paano haharapin ang trahedyang hinarap ni Donya Sienna na kumupkop sa kanya sa loob ng limang taon at tumayo na rin na parang totoong magulang sa kanya.
Nang mahimasmasan na si Rowena ay minabuti na niyang asikasuhin sa lalong madaling panahon ang libing ni Donya Sienna. Wala ng lamay pang magaganap. Minsan kasi kapag napag uusapan nila Donya Sienna at Rowena ang tungkol sa maselang kwentong kamatayan, ang gusto daw na mangyari na ni Donya Sienna kapag namatay siya ay ipalibing kaagad ang kanyang katawan pero huwag daw ipapaimbalsamo ang kanyang katawan. Gusto niyang manatiling natural at walang halong kemikal tulad ng formalin ang kanyang katawan sa oras na lisanin na niya ang mundo.
Kaya bilang isang anak, tinupad ni Rowena ang kagustuhan ni Donya Sienna na maipalibing na din kaagad kinabukasan ang kanyang labi.
Biglaan ang pagkamatay ni Donya Sienna kung kaya ay sa mismong libing niya wala masyadong nakiramay na mga kakilala, kaibigan, o kamag anak. Kundi iilan lamang na mga kakilala ang nakilibing.
Pagkatapos ng libing ni Donya Sienna ay biglang bumuhos ang napakalas na ulan sa sementeryo. Paalis na at pasakay na sana ng kotse si Rowena nung nakita niya bigla si Attorney James Esteban na personal lawyer ni Donya Sienna na hindi pa makaalis sa sementeryo dahil sa lakas ng ulan. Kung kaya't nilapitin ni Rowena si Attorney James at niyaya niya itong sumabay na sa kotse niya.
Habang naka sakay sa loob si Attorney James sa loob ng kotse ni Rowena bigla nilang napag usapan ang tungkol sa mga properties na mamanahin ni Rowena sa yumaong si Donya Sienna.
'So, Ms. Lopez what's your plans now wala na ang mama mo na si Donya Sienna.'
'Hindi ko pa masyado alam attorney James. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.' Tugon ni Rowena kay Attorney James.
'Well, I just want you to know that since your mother is already gone all her properties will be automatically will be in your hands now.'
'I don't know Attorney James.'
'Huh, what...? What do you mean you don't know Ms. Lopez?' Gulat na tanong ni Attorney James dun sa sinagot sa kanya ni Rowena.
'Mukhang hindi ko matatanggap ang mga properties na mamanahin ko kay mama, attorney James.'
'Pero bakit nga Ms. Lopez? Ikaw lang ang nag iisang heredera ni Donya Sienna.'
'Attorney James alam mo naman na hindi talaga ako anak ni mama. Inampon niya lang ako limang taon na ang nakakaraan.'
'Yes, I know that. Pero legal naman ang pag ampon sayo ni Donya Sienna. Ako pa nga ang nag ayos ng adaption papers mo diba para lang maging isang Rowena Lopez na ngayon. Sa kadahilanan na din na nung nakita ka dati ni Donya Sienna na walang malay sa pangpang ng Manila Bay, nung nagkamalay kana nagka amnesia ka nga diba. Kaya hindi alam ni Donya Sienna kung sino ka nga ba? Kung ano ang nakaraan mo.'
'Pero attorney James something happened to me after the accident.'
'Huh, what did you mean Ms. Lopez?'
'Matapos ang aksidente na dinanas ko biglang bumalik na ang lahat.'
'Anong lahat Ms. Lopez?'
'Bumalik na ang alaala ko. Alam ko na kung ano ang pinanggalingan ko. Kung ano nangyari sakin bago ako matagpuan na walang malay ni mama sa may pangpang. Five years ago yung eroplanong Air Cypher 511 na sumabog noon, isa ako sa mga nakasakay doon. Pero nakaligtas ako at eto na ako ngayon. At alam ko na ang totoo kong pangalan. Shanelle... ako si Shanelle Guttierez.'
'Woah... teka medyo nabibigla ako sa mga sinasabi mo sakin ngayon Ms. Lopez. So, what's your plan now Ms. Lo... or should I call you Ms. Shanelle?'
'Babalikan ko ang nakaraan ko. May kailangan akong tapusin na bagay sa nakaraan ko na maaaring siyang naging dahilan ng pagsabog ng sinakyan kong eroplano.'
'Do you need some help? Marami akong koneksyon.'
'No need attorney James. Alam ko na kung sino ang makakatulong sakin.'
'Pero paano naman ang mga pamana sayo ni Donya Sienna?'
'Hayaan ko na lang muna yun attorney James. Ah, attorney James can you give me a favor?'
'What favor?'
'Ikuha mo naman ako ng bus ticket to Nueva Ecija. May importante lang akong taong kailangan makausap. And one more thing attorney James, please don't tell anybody na bumalik na ang alaala ko. I just want to remain to be as Rowena Lopez. Not knowing other people kung ano nga ba ang totoo kong pagkatao.'
At pagkatapos mag usap ng masinsinan ni Attorney James at ni Shanelle, sinigurado naman ni attorney James na makakakuha siya agad ng bus ticket para kay Shanelle papuntang Nueva Ecija.
Makalipas ang tatlong araw matapos ang libing ni Donya Sienna ay natanggap na din ni Shanelle ang bus ticket na pinakuha niya kay Attorney James.
Pero bakit sa Nueva Ecija? Ano naman ang gagawin ni Shanelle doon ngayon bumalik na din ang lahat ng kanyang mga alaala?
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...