Shanelle's POV:
'Matagal tagal na din pala ako sa Sityo Villa Gonzalo. Hindi ko mapapansin kung hindi pa ako napatingin sa kalendaryo nitong bahay sa salas. Gan'on pa man hindi ko pa din makalimutan ang nakaraan. Ang totoong dahilan kung bakit nasa Sityo Villa Gonzalo ako. Ang dahilan kung bakit ko nga pinili na magbakasyon dito. Ang dahilan para makalimutan ang sakit sa puso ko. Sakit ng puso ko na dinulot nang isang bagay na hindi ko ginawa. Bagay na ginawa ko sana, kung nasabi ko lang sa taong gusto ko na mahal ko siya. Ngunit huli na ang lahat kasi matagal na siyang patay.
'I miss you... Coggie Sebastian.'
*********************
Author's Note:
Si Coggie Sebastian nga pala, siya yung lalaking minahal dati ni Shanelle ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon na malaman ni Coggie na may lihim na pagtingin pala sa kanya si Shanelle dahil namatay na agad ito sa isang car accident. Noong nag aaral pa sila sa college sa isang university dito sa Maynila. At ngayon nagbabakasyon si Shanelle sa Sityo Villa Gonzalo para kalimutan na ang sakit na nararamdaman niya na dulot ng nakaraan.
*********************Nang nag umaga pagkatapos kumain ng agahan nila Rhia, napansin ni Shanelle na kahapon pa wala ang pinsan ni Rhia na si Jenmark.
"Uy Rhia nasaan na nga pala yung pinsan mong si Jenmark. Kahapon pa ata siya missing in action dito sa bahay."
"Ang sabi sa akin ni Jenmark pupuntahan niya daw yung mga iba niyang barkada kasi mag iinuman daw. Siguro d'on na nagpalis nitong gabi sa bahay ng isa niyang kaibigan. Baka mamaya nandito na rin 'yon. Bakit Shanelle miss mo na ba si Jenmark hehe?" Biglang inasar ni Rhia si Shanelle sa pinsang nitong si Jenmark. Alam din kasi ni Rhia na kunsimido talaga si Shanelle sa pinsan niya.
"Huh, ako mamimiss ko ang lalaking yun no way! Alam mo naman Rhia na kumukulo ang dugo ko sa hinayupak na pinsan mong 'yon no!" Sarkastikong wika ni Shanelle kay Rhia.
"Asus eh ba't biglang nag blush ang dalawang pisngi mo hehe?" Hirit pa ni Rhia kay Shanelle.
"Ako nag b-blush tss. Hindi kaya. Blush-on lang iyan. Naku makalabas na nga lang ng bahay muna."
Paglabas ni Shanelle ng bahay ay nakita niya ang bestfriend niyang bakasyonista mula sa Maynila na si Carrie sa may gate at tila ba may kausap na ibang tao.
Nilapitan ni Shanelle si Carrie sa may gate. Kinalabit niya ito. Nilingon naman siya ni Carrie at tinanong niya ito kung sino ang kausap sa labas ng gate.
"O, Shanelle ikaw pala 'yan." Gulat na sabi ni Carrie kay Shanelle.
"May kausap ka ba diyan sa labas nitong gate ng bahay?" Tanong ni Shanelle kay Carrie.
"Ah, oo meron nga." Sagot ni Carrie kay Shanelle.
"Sino naman 'yon at ang aga-aga pa?" Nakataas ang kilay ni Shanelle habang kinakausap ang kaibigan.
"Do you remember Shanelle the guy I met yesterday in the waiting shed? Siya ang kausap ko ngayon lang kaso umalis na ata siya. Hay naku nawala na naman siya ulit."
"Eh teka nga Carrie mag iingat ka sa mga ibang taong nakikipag kilala sayo ditto. Tandaan mo bakasyonista ka lang dito. Hindi mo alam baka masamang tao pala 'yon."
"Don't worry Shanelle he is no longer a stranger to me because I already got his name. Well in fact magkikita kami mamayang 11am sa peryahan diyan sa may bayan. Ano gusto mo bang sumama sa akin?"
"Sasamahan talaga kita Carrie as if naman alam mo na ang mga lugar at pasikot sikot dito sa Sityo Villa Gonzalo. Ano nga pala ang pangalan ng lalaking nakilala mo sa waiting shed?"
"His name is..."
Nang biglang may kumatok sa gate nila. Binuksan naman ito ni Carrie. Pagbukas ng gate ni Carrie ay nagulat siya sa taong kumatok.
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...