Chapter 9

17.3K 322 13
                                    

"Rhia ikaw ng bahala dito sa bahay darating yung isa kong inaanak mula sa Maynila. Susunduin ko siya mamaya sa terminal ng bus."

"Ah talaga po. Sige po ako nang bahala sa bahay. Aalis na po ba kayo ngayon mismo?"

"Oo para maka uwi din ako kasama na ang inaanak kong si Shanelle Guttierez na magbabakasyon sa atin ngayon summer."

May parating na bagong bisita na naman ulit sa bahay nila Rhia. Ano naman kaya ang magiging papel sa kuwento ni Shanelle Guttierez. Mararanasan din kaya ni Shanelle ang mga nakakikilabot na naranasan na nila Rhia at Sophia dahil sa hindi matahimik na kaluluwa ni Ella?

Bus Terminal...

"Uy Ninang Mildred kumusta na!"

"O, inaanak mas gumanda ka pa ngayon. Pag pasensyahan mo na nga pala Ninang Mildred mo at hindi ako nakarating sa graduation day mo sa Maynila. Alam mo naman kailangan kong magtrabaho at mahirap ang buhay ngayon."

"Okay lang po 'yon. Ah, Ninang Mildred gusto ko ng pumunta sa bahay ninyo para masimulan na ang bakasyon ko ngayon summer."

Bago dumating ang Tita Mildred ni Rhia sa bahay na kasamang pauwi ang inaanak nito na si Shanelle ay dumaan muna sila sa sementeryo.

"Ah, Ninang Mildred ba't ata sa sementeryo tayo dumaan? Malapit na ba sa sementeryo ngayon ang bahay ninyo?" Nagtatakang tanong ni Shanelle sa Ninang Midred niya.

"Naku Shanelle nakalimutan kong sabihin sayo na dadaanan lang muna natin si Ella. Yung pamangkin ko."

"Wait, si Ella Toledo? Yung classmate ko dati noong elemetary days and at the same time kababata ko din?"

"Oo siya nga. Patay na kasi si Ella noong nakaraan na taon pa."

"Ano patay na si Ella?" Bulalas ni Shanelle sa kanyang Ninang Mildred. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng Ninang Mildred niya.

"Oo patay na siya Shanelle. May hayop kasi na nanggahasa sa kanya at pumatay." Mariin na sabi ni Ninang Mildred kay Shanelle.

Hindi nagtagal ay narating na din nila Shanelle at ng Ninang Mildred niya ang puntod ni Ella.

"Hindi ako makapaniwala Ninang Mildred na patay na talaga siya."

"Kami man din nang mamatay si Ella gulat na gulat din kami. Magpapasko pa naman din noong araw na pinatay siya ng hayop na Pablo Gonzalo na 'yon."

Biglang napaisip si Shanelle. Parang pamilyar ang pangalan ni Pablo sa kanyang. Hanggang sa napagtanto na din niya na kakilala nga niya si Pablo.

"W-what? Pablo Gonzalo? I know him. Naging classmate ko rin siya dati noong elementary at napakabait niya at tahimik lamang sa classroom. Parang hindi kapani-paniwala na magagawa niya 'yon kay Ella."

"Kami man din nila Rhia hindi kami makapaniwala na ang suspek sa pagpatay at panggagahasa kay Ella ay si Pablo Gonzalo. Ah, Shanelle tara na dumiretso na tayo sa bahay. Yung pamangkin ko na si Rhia ay inutusan kong maghanda ng tanghalian para pagdating natin ay makakain ka na. Sigurado ako na napagod ka sa biyahe."

Bago umalis sila Shanelle at Ninang Mildred sa harapan ng puntod ni Ella, biglang nakaramdam si Shanelle ng malamig na ihip ng hangin na dumampi sa kanang pisngi niya. Pagkatapos n'on ay biglang namatay ang dalawang puting kandila na itinirik ni Ninang Mildred sa puntod mismo ni Ella.

Pagkatapos n'on ay para bang nakaramdam ng pagkahilo si Shanelle at bigla siyang hinimatay.

Pagkalipas nang limang minuto ay nagkaroon na din ng malay si Shanelle.

"Shanelle buti naman nagkamalay ka na! Pinag-alala mo ko bata ka!" Bulalas ni Ninang Mildred sa inaanak.

"A-ah, Ninang Mildred tara na sa bahay ninyo medyo nahihilo po ako talaga."

"O sige. Kaya mo na bang tumayo?"

"Opo kaya ko na po medyo nahihilo lang po talaga ako."

Inalalayan ni Ninang Mildred si Shanelle habang naglalakad. Pagkatapos ay umalis na din agad ng sementeryo sila Shanelle at ang Ninang Mildred niya para makarating na sa bahay.

Pagdating ng bahay ay sinalubong agad sila ni Rhia.

"O buti naman po at nakarating na kayo---" Hindi na naituloy pa ni Rhia ang kanyang sasabihin. Biglang hinimatay kasi si Shanelle sa harapan ng pintuan.

"Naku Tita Mildred hinimatay si Shanelle!" Natatarantang sabi ni Rhia.

"Tara Rhia tulungan mo ko na akayin si Shanelle sa kuwarto sa taas."

Inakay agad nila Rhia at ng Tita Mildred niya si Shanelle papunta sa kuwarto sa taas. Sa kuwarto ng mga pamangkin ni Rhia.

Doon muna nila hinayaan na makatulog si Shanelle hanggang sa magkamalay na muli ito.

Dadalhin sana nila sa kwarto ni Ella si Shanelle kaso nag aalangan si Rhia kaya minungkahi niya sa Tita Mildred niya na d'on na lang kuwarto ng mga pamangkin niya. Duda pa din siya kasi sa kaluluwa ni Ella. Kahit pa sabihin na napabendisyunan na ang bahay nila ng pari noong isang araw ay baka magparamdam at magpakita pa din ito kay Shanelle tulad ng nangyari kay Sophia.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon