Chapter 22

12.1K 200 25
                                    

Habang kumakain ng lunch sila Nate sa isang fine dine in restaurant, napansin ni Nate na tila ba nababalisa si Shanelle. Napansin niya din bigla na nanginginig ang kamay nito habang sinusubo ang kutsara niya na may pagkain. Hanggang sa nagsalita si Shanelle at nag excuse muna ng sarili niya kasi kailangan lang niya pumunta ng wash room ng mga babae.

Pagbalik ni Shanelle sa table ay biglang naging maaliwalas na muli ang mukha nito. Umupo na siya muli sa upuan niya kanina at nagpatuloy na sa kinakain niya. Habang kumakain pareho ay sinabayan din nila ng kwentuhan.

'O, okay ka lang ba Shanelle?' Tanong bigla ni Nate

'Oo naman, bakit Nate?'

'Wala lang, pansin ko lang kasi kanina masyado kang balisa. Parang may malalim kang iniisip.'

'Wag mo ko intindihin Nate. Baka epekto lang to ng pagod ko kanina nung nag grocery kami ni Rhia.' Paliwanag ni Shanelle kay Nate.

At biglang tinanong naman ni Nate kung kumusta naman ang matalik niyang bestfriend na si Carrie.

'Kumusta na pala yung bestfriend mong si Carrie. Parang wala na akong balita masyado sa kanya. Hindi na kasi siya nag u-update ng status niya sa facebook.'

'Si Carrie... ah, wala na siya.' Sagot ni Shanelle kay Nate na may lungkot bigla sa kanyang mukha.

'Huh, what do you mean wala na siya? Did she go somewhere, like in other country, did she went back to province or...'

'Patay na siya.'

Pagkasabi ni Shanelle kay Nate na patay na si Carrie ay bigla itong natigilan sa pagsubo ng kinakain niya at nagulat.

'Ano, patay na si Carrie! When, how?' Mabilis na tinanong ni Nate si Shanelle kung paano biglang namatay si Carrie.

'Kailangan mo pa ba talaga malaman Nate?' Naka kunot ang nuo ni Shanelle ng tinanong niya si Nate.

'Oo naman. Naging classmate ko din naman siya dati sa elem days natin saka naging closed din naman kami ni Carrie noh.'

Biglang binitawan ni Shanelle ang kanyang kutsara at tinidor sa pinggan. Tinanong niya muli si Nate kung gusto ba talaga niya malaman ang dahilan ng pagkamatay ni Carrie.

'Gusto mo ba talaga malaman Nate?'

'Yes, I want to know.'

'Then, simple lang. Nag commit siya ng suicide.'

'What? She really did that?' Gulat na tanong ni Nate kay Shanelle.

'Oo ginawa niya.' Malumanay sa sagot naman ni Shanelle.

'Pero bakit niya ginawa yun? Why did she commit suicide?'

Biglang napaisip si Shanelle kung paano ba niya sasabihin kay Nate ang dahilan ng pagpapakamatay ni Carrie. Sasabihin ba niya ang totoong dahilan, ang dahilan na kaya talaga nagpakamatay si Carrie ay upang matakasan niya ang sumasapi sa kanyang katawan na si Ella na pinsan naman ni Rhia.

'Ah Nate, 2pm na pala. May gagawin pa pala ako. Tara, alis na tayo. Busog na din ako. Balik na tayo ng condo.'

Biglang niyaya ni Shanelle si Nate na bumalik na ng condo para maiba ang usapan nila, upang hindi na niya sagutin pa ang katanungan sa kanya ni Nate, kung ano nga ba ang totoong dahilan ng pagpapakamatay ni Carrie.

Pumayag naman si Nate na bumalik na rin ng condo. Bago umalis ng resto, binayaran muna ni Nate ang bill nila habang si Shanelle naman ay nagpunta ulit sa wash room para mag retouch ng make up niya.

Habang nag reretouch si Shanelle ng make up sa harap ng salamin ng wash room, tila ba parang may nakita siya sa salamin na dumaan sa likod niya na itim na anino. Lumingon siya sa likuran niya ngunit wala naman siyang nakita. Nagpatuloy lang muli siya sa pagreretouch niya. Hanggang sa biglang namatay ang lahat ng ilaw sa loob ng wash room ng mga babae. Hindi siya nagpanic, bagkus kinapa niya agad sa shoulder bag niya ang cellphone niya at ginawa niya itong pang ilaw sa dilim.

Sa pagbukas ni Shanelle ng screen ng cellphone niya para pang ilaw, bigla siyang kinilabutan sa nakita niya sa salamin ng wash room. Nakita niya na puno ng dugo ang buong salamin ng wash room at may naka sulat dito.

Ang nakitang nakasulat ni Shanelle sa salamin ay ang pangalan ng bestfriend niya na si 'Carrie.' Bigla siyang nagmadali umalis sa harapan ng salamin at pumunta na sa pintuan ng dahil sa namuong takot sa kanyang sarili, ngunit ang pintuan ng wash room ay naka locked naman. Pilit niya itong binubuksan kaso ayaw talaga, nang biglang may naramdaman si Shanelle na dahan-dahan na gumagapang na tila ba mga kamay sa paanan niya pataas sa katawan niya at sa ulo niya. At may narinig siyang bumulong sa kanang tenga niya. 'Best, do you miss me me?' Biglang nagtititili si Shanelle sa takot ng narinig niya ang bulong na yun sa tenga niya. Hanggang sa narinig din ng ibang staff ng resto ang pag sigaw ni Shanelle. At napansin ng mga staff na may isang babae na nalocked sa loob ng lady's wash room. Bigla naman napa tayo sa table si Nate dun sa narinig niyang sigaw mula sa lady's wash room, at nabosesan niya ang sumisigaw na babae, si Shanelle.

Pagbukas ng isang staff ng resto sa pintuan ng lady's wash room, nakita nila si Shanelle na naka higa sa sahig na walang malay. Binuhat naman agad ni Nate si Shanelle at dinala sa malapit na hospital dun sa resto.

Makalipas ang isang oras, nagkamalay na din si Shanelle. Paggising niya sa kama ng hospital, ang unang taong nakita niya ay si Nate na naka upo habang natutulog sa sofa.

'Nate, Nate, Nate.' Tawag ni Shanelle sa natutulog na si Nate sa sofa na may maatamlay na boses.

'O, Shanelle buti naman nagkamalay ka na. Pinag alala mo ako talaga kanina sa resto.' Ani ni Nate kay Shanelle.

'Nasan ba tayo? Ano ba nangyari sayo kanina. Natagpuan kang walang malay sa loob ng lady's wash room ng resto.'

'Hindi ko alam. Ang naaalala ko lang, biglang namatay lahat ng ilaw sa loob ng wash room at at... basta, yun nahimatay na ko.'

Shanelle's POV:

Sa totoo lang naaalala ko naman talaga ang lahat ng nangyari kanina sa loob ng wash room. Yung anino na dumaan sa likuran ko, yung dugo sa salamin, at ang boses na bumulong sakin. Pero ayoko ng ikwento ito kay Nate dahil alam ko naman na hindi siya sanay sa mga kwentong kababalaghan. Baka pagtawanan lang niya ako at isipin pang nababaliw na ko. Napapaisip ako ngayon, si Carrie kaya ang nagparamdam sakin kanina sa loob ng wash room? Bakit ko ba to iniisip? Maayos na ang mga buhay namin nila Rhia simula nung dumating na kami sa condo ko dito sa Makati. Ayoko ng maranasan pa ang mga nakapangingilabot na kaganapan sa Sityo Villa Gonzalo at sa pagkawala ng bestfriend kong si Carrie. Ang nakaraan ay dapat ng malimot. Pinapatay na dapat ang nakaraan at wala ng dahilan ito na bumalik pa sa kasalukuyan. Ang gusto ko na lang ngayon ay mabuhay ng malaya sa takot.

'Nate, gusto ko ng umuwi. Pwede na ba akong idischarge sa hospital?'

'Oo pwede. Sabi sakin ng doktor kanina. Basta magising ka na daw at kung wala ka naman nararamdaman na hindi maganda sa katawan mo makakauwi ka na.'

'Gusto ko ng umuwi at doon na lang ako sa kwarto ko sa condo magpapahinga.'

Matapos sabihin ni Shanelle kay Nate na gusto na niya na magpa discharge sa hospital, nagpunta na si Nate sa front desk ng hospital para bayaran ang bill. Nang natapos na ni Nate bayaran ang bill ni Shanelle for discharge, pinuntahan na niya ulit si Shanelle sa kwarto nito. Pagbalik at pagpasok ni Nate sa kwarto, laking gulat niya ng nakita niya si Shanelle na nasa bintana ng kwarto at mukhang nagtatangka itong tumalon mula sa 6th floor ng hospital sa kwarto niya pababa sa ground area.

Nagmadali na inawat ni Nate si Shanelle, naawat naman niya ito sa muntik ng pagtatangka nitong pagtalon sa bintana.

'Shanelle ano ka ba? Ano bang naisip mo at gusto mong tumalon dito sa 6th floor ng kwarto mo?' Nag aalalalng tanong ni Nate kay Shanelle nang biglang hinimatay na naman muli ito.

Dahil sa nangyari kay Shanelle, napagpasyahan ni Nate na huwag muna idischarge si Shanelle sa hospital. Napansin niya na namumutla ito at para bang nawawala sa sarili.

Iniwanan muna ni Nate si Shanelle sa hospital para bumalik ng condo at ipaalam kanila Rhia at Jenmark ang nangyari kay Shanelle.

Sa muling pagbalik ng hospital ni Nate para bantayan si Shanelle ay kasama na niya sila Rhia at Jenmark upang magbantay dito.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon