Chapter 12

17.1K 306 19
                                    

Lumipas ang isang araw ay napag desisyunan na din ng Tita Mildred ni Rhia na lumipat na sa isa pang bahay nila sa bayan. Sa pag-aasam na matakasan na ang mga kababalaghan na nararanasan sa bahay nila ngayon.

Pagkalipat nila sa bahay ditto sa bayan ay nagpaalam na din ang bisita nila na si Sophia. Dahil babalik na ito sa Maynila kasama ang Tita Mildred ni Rhia. Ang personal na yaya sa bahay naman ni Sophia sa Maynila.

Ang natira na lamang sa Sityo Villa Gonzalo ay sila Rhia, ang mga pamangkin niya na sina Tonton, Nica, at Becca, at ang nagbabakasyon na inaanak ni Tita Mildred na si Shanelle.

"Paano ba yan wala na si Ninang Mildred hindi na tayo makakain ng mga masasarap na luto niya Rhia."

"Wag kang mag-alala Shanelle marunong naman din ako mag luto. Ay oo nga pala magtatanghali na iwan muna kita dito sa bahay. Mamalengke lang muna ako para sa tanghalian natin. Isasama ko na din ang mga pamangkin ko. Manood ka na lang muna ng tv diyan para hindi ka mainip."

"O sige Rhia, mag ingat na lang kayo."

Naiwan na nag-iisa si Shanelle sa bahay habang si Rhia naman ay kasama na nagpunta sa palengke sa bayan ang mga pamangkin niya.

Para hindi mainip si Shanelle sa bahay ay binuksan na lang niya muna ang tv para manood ng palabas nang biglang nag brownout.

"Ano ba yan! Wrong timing naman ang brownout na to. Kung kailan pa naman na walang makausap sa bahay at walang magawa masyado biglang nawalan ng kuryente. Maka punta na nga lang sa kuwarto." Naaaburidong wika ni Shanelle sa sarili.

Pagdating ni Shanelle sa kuwarto niya ay kumuha siya ng magasin sa bag niya at nagbasa nito habang nakahiga sa kama. Habang nagbabasa ng magasin ay biglang nakaramdam ng antok si Shanelle. Ibinaba niya muna sa lamesitas na malapit sa kama ang binabasang magasin. Pagkatapos ay umiglip muna siya sa kama.

Habang natutulog si Shanelle sa kama ay bigla siyang nagising dahil may naulinigan siyang nagbukas ng pintuan sa baba ng bahay nila.

Bumaba si Shanelle para tingnan kung sila Rhia na ba at ang mga pamangkin nito ang dumating mula sa palengke.

Pagbaba ni Shanelle sa unang palapag ng bahay sa may salas ay nakita niyang nakabukas nga ang pintuan, ngunit wala naman ibang tao siyang. Maya-maya pa ay bumalik na din ang kuryente.

"Thanks God bumalik na din ang kuryente. Teka, parang may naririnig akong yabag ng paa sa may kusina. Baka si Rhia na yun p-pero parang imposible eh. Kung si Rhia na nga 'yon dapat nandito na din ang mga pamangkin niya."

Biglang nagduda si Shanelle kung si Rhia nga ba ang nasa kusina kaya pumunta siya ng kusina para makasigurado.

Pagdating ni Shanelle sa kusina ay wala naman ibang tao d'on. Napansin niya din na nakabukas ang pintuan ng refrigerator.

"Huh, weird paanong nakabukas ang ref namin sa bahay? Bago ako tumaas sa kuwarto kanina sinigurado kong naka sara ito." Wika ni Shanelle sa sarili sabay napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa pagtataka.

Nang biglang napansin ni Shanelle na nakabukas ang ilaw sa loob ng banyo. At biglang narinig niya na may nag flash ng inidoro sa loob. Bigla siyang naalarma. Naisip ni Shanelle na baka ayan na naman ulit ang kaluluwa ni Ella at nagsisimula na naman ito na magparamdam. Pero parang may iba siyang naisip. Bigla siyang kinutuban na baka may ibang taong nakapasok sa bahay nila. Naisip niya na baka may nakapasok na magnanakaw kaya ang ginawa ni Shanelle ay kinuha ang nakita niyang walis tambo. Nag punta sa gilid ng pintuan nitong banyo para mag tago at abangan ang taong lalabas dito na inaakala niyang magnanakaw. At sa oras na lumabas ang taong ito sa may banyo ay hahatawin niya ito ng walis tambo para hindi ito makapalag at hindi siya saktan nito.

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon