Leslie's POV:
Nandito ako sa sofa ng sala ng condo unit ko habang tanan-tanan si baby Johanna. Hinihintay ko na ang pagdating ni Chad mula sa out of town ng kumpanya niya na pinapasukan. Natatakot na talaga ako. Kailangan na namin maka alis dito sa unit namin sa lalong madaling panahon.
Naisipan ko bigla pumunta ng kwarto upang palitan muna ang lampin ni baby Johanna. Pagbukas ko sa pintuan ng kwarto ay gumulantang sakin ang babaeng nagpapakita sakin kadalasan. Hawak niya ang kahon na napapalibutan ng mga dyamante na nakuha ko dati sa isang lumang bahay sa Villa Gonzalo. Nang biglang bumaling ang tingin niya sakin at nag tangka siyang sumugod sa direksyon kung saan ako naka tindig. Sa takot ko bigla akong napa atras palabas ng pintuan at natumba. Sa pagkakatumba ko ay nabitawan ko sa sahig si baby Johanna.
Ang sumunod na tagpo ang siyang ikinabahala ko na. Nakita kong dinampot ng babae si baby Johanna sa sahig at tumakbo siya palayo. Nakita ko siyang papunta sa bodega ng condo unit namin. Hinabol ko naman siya sa bilis na makakaya ko.
Pagdating ko sa bodega ay wala naman akong nadatnan doon. Pati si baby Johanna ay biglang nawala. Sa labis na pag aalala ko sa aking anak ay napa hagulgol ako. Pakiramdam ko umiikot ang mundo ko ng mga oras na ito. Diyos ko nasaan na ang anak ko? Hindi siya pwedeng mawala. Nang biglang may narinig akong nag doorbell sa pintuan ng condo unit namin.
Nagmadali naman akong pinuntahan ang pintuan upang buksan ito. Baka kasi si Chad na ito. Pero sa pagbukas ko ay isang babaeng naka yuko ang tumambad sa akin. Humihikbi-hukbi ito. Tila ba ay natatakot. Hanggang sa unti-unti niya itinaas ang kanyang ulo at tinitigan niya ako.
Nasindak ako sa matalim niya na titig sa akin. Ang mga mata niya ay lumuluha ng dugo. Hanggang sa nagpakawala siya ng isang sigaw. Sigaw na tila ba ay sorang nakakabingi. Tumakbo ay palayo sa babae. Pumasok ako sa kwarto namin ng asawa ko. Sinarado ko ng mabuti ang pintuan pag pasok.
Sa takot ko sa babae ay naisipan kong magtago sa ilalim ng kama. Maya-maya pa ay nagtaka ako dahil nakita kong marahan na bumubukas ng kusa ang pintuan ng kwarto. Hanggang sa nakita ko ang babae kanina na lumuluha ng dugo na pumasok ng kwarto.
"Leslie... Leslie... Leslie... lumabas ka na. Dala ko ang pinakamamahal mong si Johanna..."
Bigla akong kinulabutan ng narinig kong nagsalita ang babae. Sinasabi pa niya na dala niya ang anak ko. Pero nung pumasok siya kanina sa pintuan ng kwarto ay wala naman akong napansin na sanggol na akay niya. Hanggang sa may narinig akong umiiyak na bata. Nag alala ako bigla dahil baka ang anak ko na nga iyon. Kung kaya ay dahan-dahan akong lumabas sa tinataguan ko. Sa ilalim ng kama kahit sobra akong natatakot. Ngunit paglabas ko sa kinatatayuan ko ay nagulat ako. Nawala ang babae bigla. Nawala din ang sanggol na umiiyak kanina. Hanggang sa napa atras ako. Pag atras ko ay may naramdaman akong nabunggo sa likuran ko. Dahan-dahan ay bumaling ako ng tingin sa likuran ko ngunit wala naman akong nakita. Pero sa muling pagharap ko ay nagulat ako sa aking nakita.
Nasa harapan ko na ang babae. Akay niya ang anak ko. Pinagmamasdan niya ako ng masama. Parang may gusto siyang gawin sa akin. Hanggang sa bigla niyang inihagis sa kama si baby Johanna. Kukunin ko na sana ang anak ko sa kama ng biglang hinila ako ng babae sa braso ko at itinulak ng malakas sa pader. Pagkatapos ay sinugod ako ng babae. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawang makaalis sa pader na sinasandalan ko ngayon. Parang may kung anong pwersa na hindi ko mawari ang nararamdaman kong pumipigil sa akin gumalaw.
Maya-maya pa ay nasa harapan ko na siya muli at bigla niya akong hinawakan ng madiin sa leeg. Nahihirapan na ako maka hinga. Hanggang sa dalawang kamay na ang ginagamit niya at sinasakal na niya ako ngayon. Nang biglang narinig magsalita siya muli.
"Ibigay mo ang buhay mo sa akin. At hahayaan kong mabuhay ng matiwasay ang anak mo at ang asawa mo!"
Hindi ko maintidihan kung bakit niya sinabi sa akin iyon. At hindi ko din alam ko ano nga ba'ng dapat kong isagot sa kanya. Hanggang sa nagsalita siyang muli.
"Ibigay mo ang buhay mo sa akin!"
"Ibigay mo ang buhay mo sa akin!"
"Ibigay mo ang buhay mo sa akin!"
"Ibigay mo ang buhay mo sa akin!"Paulit-ulit niyang sinabi sa akin ang mga katagang iyon. Hanggang sa para bang nagpantig na ang mga tainga ko sa sobrang lakas ng boses niya. Nakakabingi ang pagsasalita niya sa akin. Hanggang sa sinabi kong...
"Oo sa'yo na ang buhay ko!" Bulalas ko sa kanya.
Pagkatapos kong sabihin sa babae iyon nakaramdam ako ng pang hihilo. Hanggang unti-unti ng nandidilim ang aking paningin. At tila ba ay nakakaramdam ako ng pagka antok. Hanggang sa marahan na sumara ang mga mata ko at nawalan na ako ng malay.
Kinabukasan...
"Hey, Leslie gumising ka!" Saad ni Chad sa asawang si Leslie na naka tulog sa sahig ng kwarto nilang mag-asawa.
Marahan na idinilat ni Leslie ang mga mata niya. Tinanong siya ng asawa kung bakit sa sahig siya natulog habang si baby Johanna ay iniwan niya sa kama nilang mag asawa. Ngunit hindi nagsasalita si Leslie. Ngumiti lamang ito. Tumayo sa sahig at lumabas ng kwarto. Tila ba ay hindi niya nakita ang asawang si Chad na gumising sa kanya kanina.
Pumunta si Leslie sa loob ng banyo. Binuksan ang gripo. Sinapo ng dalawa niyang kamay ang umaagos na tubig dito at ipinanghilamos sa mukha. Pagkatapos mag hilamos ni Leslie ay humarap siya sa salamin at ningitian niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin. Isang ngiti na nakakaloko. Hanggang sa kinausap niya ang kanyang sarili.
"Ang sarap mabuhay muli. Salamat Leslie sa pamangkin kong anak ng kapatid kong si Jenmark. Nang dahil sa'yo ay muling nagbalik sa buhay si..."
.
.
.
.
.
.
.
.
ELLA! HAHAHAHAHA!-The End
-----------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Author's here at gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at tumangkilik sa kauna-unahan kong horror story dito sa Wattpad na Ella. Sana po ay maibigan ninyo din basahin pa ang iba kong horror stories at upcoming stories in the near future.
Thanks po ulit ng madami. (^___^)
(Please VOTE and COMMENT thanks.)
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...