Kinaumagahan ay sabik na sabik bumangon ng kama si Sophia. Ipapasyal kasi siya ngayon ni Rhia sa bayan. Ang kaso naman mukhang hindi ito matutuloy ngayon umaga. Malakas kasi ang ulan sa labas.
"Naku pano ba 'yan Sophia mukhang hindi tayo matutuloy pumunta ng bayan ang lakas kasi ng ulan."
"Yah that's true. Hmmn sige I'll just go to my room na lang muna. I forgot kasi my iPhone eh."
"Napakaconyo naman ng Sophia na ito." Pabulong na wika ni Rhia sa kanyang sarili.
Habang papunta si Sophia sa kanyang kuwarto para kunin ang iPhone niya biglang lumapit ang Tita Mildred ni Rhia sa kanya at kinausap siya.
"Magsabi ka nga sa akin ng totoo Rhia, bumalik na siya diba?"
"Huh Tita, anong ibig ninyong sabihin?"
"Bumalik na siya."
"Sino po?"
"Bumalik na si... Ella."
"Huh anong pinagsasasabi ninyo po na bumalik na si Ella? Alam naman natin na patay na siya."
"Kinausap ko ang mga pamangkin mo at aking nalaman sa kanila na nagmumulto daw ang kaluluwa ng pinsan mong si Ella. Kung minsan pa nga daw kapag madaling araw naririnig ni Nica na kinakantahan siya ni Ella ng Ili ili tulog anay na kantang ilonggo na tinuro at kinakanta ko sa inyo dati noong mga bata pa kayo bago matulog."
"Tita huwag kayo magpapaniwala kanila Nica. Mga bata lang ang mga 'yon at sadyang malawak lang ang mga imahinasyon nila."
"Eh paano mo maipapaliwanag ang nangyari kay Sophia kagabi noong matutulog na sana siya."
"Ano pong ibig ninyong sabihin? Ano pong nangyari kay Sophia kagabi?"
"Narinig din ni Sophia ang boses ni Ella na kumakanta. At nagparamdam at nagpakita daw sa kanya ito."
Nang nalaman ni Rhia na pati ang bisita nila sa bahay na si Sophia ay pinagpaparamdaman na din ng kaluluwa ni Ella, bigla na lang siya nanahimik at hindi na nakasagot pa sa Tita Mildred niya. Tila naubusan siya nang mga sasabihing salita.
"Ano Rhia bakit hindi ka makasagot? Tama ba ang lahat nang nalaman ko nagpapakita nga si Ella?"
"Opo, Tita nagpaparamdam at nagpapakita nga si Ella. Ayoko na nga lang masyado pansinin ang kuwento na 'yan dahil alam ko na din naman na patay na si Ella. At ang mga patay na tulad ni Ella ay hindi na dapat pang pinag-uusapan ngayon. Hinahayaan na lamang sila na mamahinga." Nang bigla siyang napabuntong hininga.
"Mamahinga? Sigurado ka ba sa sinasabi mo Rhia. Sa tingin ko nga may gustong iparating na mensahe si Ella dahil mukhang hindi pa matahimik sa ngayon ang kaluluwa niya."
"Eh, ano pong gusto ninyong gawin natin Tita Mildred? Patay na siya diba."
"Alam ko na, dapat ipabendisyunan ang bahay natin at dapat ipamisa natin ang kaluluwa ni Ella. Siguro gusto niya lang na ipagdasal ang kaluluwa niya."
Nang araw na 'yon din ay dumaan sa simbahan si Tita Mildred para kumausap ng Pari para ipabendisyunan ang bahay nila.
Habang nagsisimula nang magdasal ang pari ay biglang may pumasok na malakas na ihip ng hangin sa salas. Dahilan para mamatay ang mga kandila na hawak nila Rhia para sa blessing ng bahay. Pagkatapos n'on ay dumating pa ang mas nakakakilabot na mga pangyayari sa loob ng bahay. Nagpatay-sindi bigla ang mga ilaw sa loob ng bahay. Ang dalawang kandila na nakalagay sa altar ng bahay nila na nakapuwesto d'on sa may hagdanan ay bigla din nagpatay-sindi. Ang mga pintuan sa bahay mula sa pangalawang palapag pababa ng bahay ay biglang nag sipag bukas-sara na para bang binabalibag ito nang malakas.
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...