Alas-onse na ng gabi. Sila Rhia, Jenmark, at Nate ay binabantayan ang mahimbing na natutulog at nagpapahinga na si Shanelle sa kwarto niya sa hospital.
Hindi pa rin lubos maintindihan ni Nate kung bakit tinangkang tumalon ni Shanelle sa bintana.
Nate's POV:
Ang weird ng araw na to. Hindi ko maintindihan kung bakit tinangkang tumalon ni Shanelle sa bintana. Anong dahilan niya upang magpakamatay? Simula nung nakita ko si Shanelle na takot na takot sa loob ng elevator, bago kami pumunta ng restaurant para mag lunch, nagsimula na akong mahiwagaan sa kanya. Pakiramdam ko ang laki na ng pinag bago ni Shanelle simula nung huling kita ko sa kanya noong elem graduation day namin. Parang ibang tao na siya. Mukha siyang napaka misteryosang babae na ngayon.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Shanelle, sa hospital kung saan ko siya binabantayan, kasama sila Rhia at Jenmark. Ako na lang ang gising sa amin. Bigla akong napa tingin sa wrist watch ko at malapit na palang mag alas-dose ng madaling araw.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng bintana kung saan nagtangkang tumalon si Shanelle kanina. Nung nakita ko siyang nagtangkang tumalon, may napansin akong kakaiba sa kanya. Sa kanyang mga mata. Yung mga mata niya parang nag iba, naging mapula, nanlilisik, para bang galit na galit siya. At nung nawahakan ko ang kanyang kamay nung pinigilan ko siyang tumalon ng bintana, naramdaman ko ang napaka lamig na temperatura ng kanyang kamay.
Napaka misteryosa at weirdo ni Shanelle. May nililihim ba siya? Hindi ko rin malilimutan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang tapang ng mukha niya kanina. Kanina ko lang nakita ang mukha ni Shanelle na napaka tapang at mukhang mabagsik. Napapaisip talaga ako sa nangyayari sa kanya. Sana pag nagising na siya sa pagkakahimatay niya kanina, maging ayos na siya.
Habang nakatayo ako dito sa harap ng bintana, biglang nakaramdam ako ng isang malakas na ihip ng hangin na dumampi sa batok ko. Nagtaka ako bigla, mahina naman ang volume ng lakas ng aircon dito sa kwarto saka naka sarado ang bintana. Muli kong naramdaman ang ihip ng hangin na dumampi sa batok ko. Sa pagkakataon na ito ay napabalikwas ako sa may bintana at biglang napatalikod. Sa pagtalikod ko, nangilabot at nagulantang ako sa nakita ko. Nakita ko sa tabi ng kama ni Shanelle na may tatlong tao na naka tayo. Isang lalaki na naka puting polo at itim na maong, at dalawang babaae. Yung isang babae, naka suot siya ng puting dress na puno ng dugo, yung isang babae naman ay... si... si... si Carrie! Naka puting dress din siya. At ang sasama ng tingin nila kay Shanelle.
Hindi lang yun ang nakapag pakilabot sa akin. Sa likod naman nila Carrie, may tatlong aninong itim na nakatayo din. Nakakatakot ang mga anino na ito. May mahahabang sungay sila sa ulo nila, meron din silang hawak na mahahabang sphere at latigo.
Pakiramdam ko isa lamang itong bangungot, pero hindi, totoo ang mga nakikita kong ito! Bigla akong binalot ng takot sa buong pagkatao ko. Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng teribleng takot.
Makalipas ang ilang sandali, naglaho din silang lahat sa tabi ng kama ni Shanelle. Akala ko tapos na talaga pero simula pa lang pala. Dahil ang mga sumunod na tagpo ang mas nakapag pagimbal sa sarili ko. Nakita kong lumutang sa kama si Shanelle. Tumayo siya na naka lutang sa kama niya. Humarap sa akin at biglang nagsalita.
'Kahit anong gawin ninyong lahat, hinding hindi kayo makakatakas sa lasap ng aking poot! Mamatay kayong lahat! Iisa-isahin ko kayong lahat. Lahat ng taong may koneksyon sa pinsan kong si Rhia! Mula sa impiyerno at dito sa mundo ng mga tao. Iwawaksi ko ang sukdulang galit ko! At sinusumpa ko na pagsisisihan ninyong lahat na pinanganak pa kayo sa mundong ibabaw!'
Pagkatapos kong marinig yun mula sa bibig ni Shanelle, marahan siyang bumaba sa kama mula sa pagkakalutang niya at nahiga na muli sa kama niya at natulog.
Nang nasaksihan ko ang nakakatakot na paglutang ni Shanelle, at sa pagsalita niya ng pagalit na may kakaibang malalim na tinig na nagmumula sa kanyang bibig, doon ko na lang napagtanto na may kababalaghan na bumabalot kay Shanelle. Tingin ko may gumugulo sa kanya. Tingin ko napopossess siya sa masamang entity o sa demonyo.
Pero bakit si Shanelle? Ano ba talagang nililihim ni Shanelle? Malakas ang kutob ko may hindi sinasabi si Shanelle na dapat malaman ng mga kasama niya sa condo, na sila Rhia at Jenmark.
Saka ano yung narinig kong sinabi kanina ni Shanelle, "Lahat ng taong may koneksyon a pinsan kong si Rhia!" Eh, hindi naman niya pinsan si Rhia. Saka sa pagkakaalam ko wala naman pinsan si Shanelle. Kasi parehong only child lang ang papa at mama niya. Kaya imposibleng magka pinsan siya. Hmmn, very weird. I feel so different right now.
Lumabas muna ako ng kwarto para makalimutan saglit ang nakakapangilabot na tagpo kanina. Pumunta ako sa canteen ng hospital. Bumili ako ng coffee para mainitan ang sikmura at katawan ko dahil sobrang lamig ngayon gabi. While sipping my coffee, may biglang kumalabit sakin. Napa lingon ako sa likuran ko, pero wala naman akong nakita. Siguro guni guni ko lang. Itinuloy ko na lang ang pag ubos ko ng kape at pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto.
Mula sa canteen, sumakay ako ng elevator pataas ng sixth floor, kung nasaan ang room ni Shanelle. Makalipas ang isang minuto ay narating ko rin agad ang sixth floor. Pagbukas ng pintuan ng sixth floor, naramdaman kong may sumalubong sa akin na isang malakas na ihip ng hangin na dumampi sa pisngi ko.
Pagkalabas ko ng elevator, habang naglalakad pabalik ng kwarto ni Shanelle, pakiramdam ko my sumusunod sa likuran ko. Lumingon ako sa likuran ko pero wala akong nakita. Pagharap ko muli sa dinadaanan ko biglang may bumulaga sa akin, si Shanelle na naka tayo sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko, bigla akong napa atras at natumba sa sahig.
'O, Nate, anong nangyari sayo? Parang nakakita ka ng multo.' Tanong sakin ni Shanelle.
'Ah, wala lang. Shanelle, ahhmn, kumusta na pakiramdam mo?' Curious kong tanong kay Shanelle.
'Okay naman na ko.' Sagot sakin ni Shanelle habang naka ngiti.
'Ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Ah, Shanelle wala ka bang naaalala bago ka himatayin?'
'Hmmn, wala naman bakit Nate?'
'Wala lang. Tara balik na tayo ng kwarto.' Tinanong ko siya kung may naaalala ba siya. Kasi nga nahuli ko siyang nagtatangkang tumalon ng bintana.
'Ayoko. Gusto ko muna magpalamig sa rooftop.' Tanggi naman sakin ni Shanelle sa pagyaya ko sa kanyang bumalik na ng kwarto.
'Huh, ba't naman sa rooftop?'
'Wala lang. Gusto ko lang. Sige na Nate, samahan mo ako sa rooftop ng hospital. Please Nate, please, please.' Makulit na yaya sakin ni Shanelle.
Pinagbigyan ko naman ang pakiusap sakin ni Shanelle na pumunta ng rooftop. Pumunta kami sa hagdanan at pumunta nga kami ng rooftop. Pagdating namin ng rooftop, bigla akong nilamig dahil sa sobrang lakas ng hangin sa tuktok ng rooftop dito sa hospital.
Napansin kong natanggal pala ang pagkakatali ng suwelas ng rubber shoes ko kaya yumuko ako at inayos ko ito. Pagkatapos kong ayusin ang suwelas ng sapatos ko biglang nawala si Shanelle. Naglakad lakad pa ako sa rooftop. Nagpalinga linga ako sa buong paligid ng rooftop para hanapin si Shanelle ngunit hindi ko siya makita.
Hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako ng rooftop. Isang hakbang lang mahuhulog na ko mula sa baba ng hospital. Tumayo muna ako dito. Tiningnan ko ang buong siyudad. Tiningnan ko ang wrist watch ko at napag alaman ko na 1am na ng madaling araw. Napansin kong kahit madaling araw na, napaka busy pa din ng buong siyudad. Ang dami pa din tao at kotse na gumagalaw sa kalsada. At hindi ko inaasahan na ito na pala ang huling makikita ko ang napaka busy na siyudad na to, dahil naramdaman ko na biglang may tumulak sakin sa rooftop. Naramdaman ko ang mabilis na paghulog ko sa baba ng building ng hospital. At pagkatapos nun, sumara na ang mga mata ko at hindi na muli pa akong huminga.
BINABASA MO ANG
Ella (Completed)
HorrorDamhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa buhay mo. Started: August 4, 2014 Completed: November 19, 2014 Time Completed: 7:34PM Highest Rank:...