Re - hired

52.9K 1K 65
                                    

Ellie's POV

Wala na si Les ng magising ako kinabukasan.  Maaga na ako gumising kasi magpi - prep ako ng breakfast niya kahit alam kong hindi naman niya kakainin pero pagsilip ko sa garahe, wala na ang kotse niya.  Saan kaya siya nagpunta?

I received a call from my dad.  He was asking me if I can drop at his office.  May pag - uusapan lang daw kami.  Napahinga ako ng malalim.  Sigurado na ako tungkol na naman iyon sa gusto niyang pagbalik kong magtrabaho.

Napangiti ako ng makarating ako sa building ni dad.  Namiss ko din ito.  Nakakamiss palang magtrabaho.

Pagpasok ko ay nakita kong naglalakad si Brooke papunta sa isang office.  Tiningnan lang niya ako.  Parang nahihiya ako sa kanya.  After namin ikasal ni Les, hindi na kami nagkita ni Brooke.  Hindi na rin kami nagkausap.  Hindi pa nga ako nakakapag - sorry sa nagawa ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin tapos ay tipid siyang ngumiti at tuluyang naglakad paiwas sa akin.

"Brooke!  Brooke sandali!" Tawag ko sa kanya.

Huminto naman siya at hinintay akong makalapit.

"What?" Tanong niya.

"Brooke.  I am sorry.  I am sorry if I didn't tell you about Les."

Ngumiti siya ng mapakla.  "Okay lang iyon.  Wala naman kami ni Les.  Nagtikiman lang." Tapos ay natawa siya.  "Relax, Ellie.  Wala naman kami.  It's totally fine with me."

"Hindi ka galit sa akin?" Paniniguro ko.  I know how much she likes Les.

"No.  Ano ka ba?  You are my favorite cousin and hindi ko kayang magalit sa iyo.  So.  How's married life?"

"Okay lang.  M - masaya," sana hindi niya nahalata na parang napipilitan lang akong sabihin iyon.

"Talaga?  Eh bakit parang maid ang itsura mo?  From worse, naging worst lalo.  Ano ba Ellie?  Hindi ka ba talaga matutong mag - ayos?"

Parang naaawang tiningnan ko ang sarili ko.  "Nasa bahay lang naman ako.  So wala naman reason para mag - ayos."

Mahinang napamura si Brooke.  "'Yan ang mga maling dahilan.  Dapat kahit nasa bahay, nag - aayos tayong mga babae.  Para ang mga lalaking 'yan hindi naghahanap ng iba.  Diyos ko naman.  Tingin ko hindi titigasan si Les sa iyo kapag makita kang ganyan." Naiiling na sabi ni Brooke.

Ngumiti lang ako ng mapakla. 

"Maiinis pa si tita Helen kapag nakita 'yang itsura mo.  Hindi ka ba pinagsasabihan ni Les na mag - ayos?"

Wala naman iyon pakielam sa akin.  Gusto kong sabihin iyon.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?  Babalik ka na sa work?" Tanong pa niya.

"Pinapunta lang ako ni daddy."

"Sige.  After you meet Tito Nadz, magkita tayo.  Hindi ko matitiis na ganyan ang itsura mo."

"Sige." At nagpaalam ako kay Brooke.  Dumiretso ako sa office ni dad.  May kausap ang sekretarya niyang si Gina at sinenyas na pumasok na lang ako.  Naabutan ko doon si Travis nakaupo sa harap ng mesa at nakasuot ng shades.  May pasa siya sa gilid ng labi.

"Travis!  What's with the shades?" Natatawang bati ko sa kanya.

Natawa din siya at napailing.  "Sore eyes." Sagot niya.

"Sore eyes?  Matino naman ang mata mo kagabi ah!  Don't tell me its about the sinigang?" At napatawa ako.

Tumawa din siya at napatingin kami sa pinto ng makita kong bumukas iyon.  Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita kong si Les ang pumasok.  Mukhang nagpunta siya sa ospital kasi maayos ang pagkakabandage ng sugat niya.

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon