Getting her back 102 (failed edition)

61.1K 1.1K 57
                                    

Ellie's POV

The smell of sauteéd garlic made me wake up from a good sleep. Ang bango. Parang kumalam yata ang sikmura ko. Nakalimutan ko na kasing kumain kagabi dahil sa inis ko kay Lester. Itinapon ko lahat ng niluto niya kagabi kahit mukhang masarap pa iyon.

Manang must be cooking something special. Kahit ayoko pang bumangon ay napilitan akong gawin iyon. Hindi na ako nag-abala na magpalit ng maayos na damit ng lumabas ako sa kuwarto. I am inside my house. Wala naman sigurong masama if I roam inside my house wearing a boyleg panty and white sando top. Nasanay na akong matulog ng ganoon.

I went to Eddie's room and wala siya doon. Siguro kasama ni manang sa kusina. Madalas naman ganoon ang ginagawa niya.

Pero wala namang tao sa kitchen. Eddie is not there. Manang is not there. But merong nakasalang na egg fritata sa kalan. Meron ding pancakes sa mesa, sausage, french toast.

Napakunot ang noo ko. Manang doesn't know how to make french toast. Hotdog at spam lang ang madalas na luto 'non pag breakfast.

Who made these? Then I looked at the french toast. I only know someone who knows how to make that stupid french toast.

"Shit! Lester!" Malakas kong sigaw. I know he is here again! Talagang ayaw akong tigilan ng lalaking ito.

Wala akong sagot na narinig. Nasaan ba ang siraulong ito?

"Damn it! Where the hell are you?!" Ang aga - aga talaga niya akong bubuwisitin.

Napatingin ako mula sa pinto sa backdoor at nakita kong pumapasok siya doon. Saglit akong napatigil kasi he is not wearing anything from waist up! Wala siyang t-shirt! Parang nagulat pa nga siya ng makita akong nakatayo doon.

"E - Ellie! What are you doing here?" Gulat na tanong niya sa akin. Pero instead na nakatingin siya sa mukha ko, his eyes are focused on my chest. Napatingin din ako doon. Naalala kong I am just only wearing a white sando at bakat na bakat ang boobs ko! Nagmamalaki pa ang mga nipples ko. Automatically ay tinakip ko doon ang dalawang braso ko.

"The hell?! Ikaw ang dapat kong tanungin ano na naman ang ginagawa mo dito? I told you not to come back here!" Malakas kong sabi sa kanya.

Hindi sumagot si Les. He is not looking at my boobs anymore. Bumaba ang tingin niya sa legs ko. And I remember again I am only wearing a boyleg panties! Shit!

"Ang mata mo dudukutin ko kung saan - saan nakatingin!" Singhal ko sa kanya.

Pinigil niyang ngumiti. Tumalikod siya sa akin at hinarap ang niluluto niya. Kahit ayokong tingnan, parang nakakatuksong tingnan ang bare back niya. Katulad pa rin ng dati. Broad shoulders, lean back muscles, shaped waist. He is wearing a khaki slocks. Halatang papasok pa siya sa trabaho.

"Ako, hindi ko dudukutin ang mata mo. You can stare at my back anytime you want," sabi niya habang nakaharap sa niluluto niya.

Kapal ng mukha. May mata ba siya sa likod at nakita niya akong tinitingnan ang likod niya?

"Can you please go out now? Please." Ayoko ng sumigaw. Napapagod na ako kay Les.

Humarap siya sa akin at parang nagsisi ako kung bakit ginawa niya iyon. His back is god damn sexy. Kahit galit ako sa kanya hindi noon maikakaila ang katotohanan. But the front? Napalunok na lang ako. His chest, parang ang sarap sandalan, kahit hindi nagmumura ang abs ni Les, halata namang wala talaga siyang taba doon. I looked somewhere to distract myself kasi baka magkasala pa ako. Doon ako napatingin sa pants niya at nakita kong basang - basa iyon.

"I accidentally spilled milk all over me kaya nabasa ang damit ko." Sabi niya sa akin.

"Please get out of my house? Ano ba ang hindi mo maintindihan? I don't want you here. I don't want you in my life anymore," sabi ko sa kanya.

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon