Les' POV
Wala na si Ellie sa tabi ko ng magising ako. I looked at the clock and it is eleven am already kaya mabilis akong bumangon sa kama. Where is she? I know she is still sick at kailangan pa niya ng pahinga.
Papunta na ako sa sala ng marinig ko siyang may kausap sa telepono. Si mommy ang kausap niya. I saw her looked outside kasi may nag - park na kotse sa harap ng bahay niya. Kumunot ang noo ko. Who could that be? May bisita ba si Ellie?
Binitiwan niya ang telepono niya at tinungo ang pinto. I can't explain what I am feeling right now ng makita kong lalaki ang bumungad kay Ellie ng buksan niya ang pinto.
"Hey, are you okay? Dad was calling you but you are not answering. Nag - alala na kami," iyon ang narinig kong sabi ng lalaki. He looked so worried while looking at her and I want to run towards that fucking guy and give him a good beating. He is looking at Ellie and she is just wearing a small t-shirt without anything under it!
"I was sick," sagot niya at pinapasok niya sa loob ng bahay ang lalaki.
Who is this guy? Hindi ko kilala ito. Parang ang close nila. I know Ellie doesn't trust easily but parang palagay na palagay ang loob niya sa lalaking ito.
"Sabi ko na, eh. Gawa 'yan ng ulan kahapon. Good thing I brought some soup. Past eleven na so lunch na 'to," sagot ng lalaki.
Pumunta sila sa kusina. Ellie doesn't need the food from that fucking asshole. I already prepared food for her.
"May pagkain ka na pala dito, eh. You don't need my food anymore," sabi ng lalaki.
"Kagabi pa 'yan. Panis na," parang nairita pa si Ellie sa nakita niya ang pagkain sa mesa. Napalunok ako ng kuhanin niya iyon at ilagay sa lababo. Hindi man lang niya tinikman ang ginawa ko para sa kanya.
I rolled my fist into a ball when I saw that asshole
hold Ellie's arms and helped her sit."You are sick so sit down. Let me prepare your food," sabi niya habang inaayos ang mga dalang pagkain.
Hindi naman nagsasalita si Ellie. Tinitingnan lang niya ang ginagawa ng lalaki.
"Here. Try this soup. This is good for you," sabi nito. I made a step ng makita kong susubuan pa niya si Ellie pero mabilis itong sinaway ni Ellie.
"I can do this by myself. Thank you," sabi niya.
Ngumiti lang ang lalaki. Napupuno ng galit ang dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang sama ng loob. Hindi ko na kayang magtagal dito kaya umalis na lang ako. Hindi na nga ako nag - ingat na isara ang pinto. I made sure it will make a loud sound kapag isinara. So they would know na may ibang tao doon.
I am catching for air ng sumakay ako sa sasakyan ko. Just thinking Ellie and that asshole alone in that house. Putang ina. Pinapatay talaga ako ng selos!
Inside my head, I am imagining things. They are kissing, they are hugging. They are having sex. Shit! I can take this anymore.
Pagalit akong bumaba sa kotse ko at bumalik sa bahay ni Ellie. Pabalandra kong binuksan ang pinto ng bahay niya at nakita kong sabay silang lumabas ng kusina upang makita siguro kung ano ang nangyari.
"Get out," pigil na pigil ko ang sarili ko ng sabihin ko iyon sa lalaki.
"Who do you think you are? You have no right to talk to my visitor like that," galit na sagot sa akin ni Ellie.
"Get the fuck out and leave my wife alone!" Galit na sigaw ko sa lalaki.
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko at napatingin siya kay Ellie. Parang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETE
RomanceLoner. Timid. Introvert. Those are just some of the qualities that Ellie Buencamino possess. She hates social gatherings, she hates the crowd. She hates the attention and she'd rather stay in the house and alone than socialize with people. Ever...