Ellie's POV
Parang hindi ko kayang tumingin kay daddy ng ipatawag niya ako for breakfast. Ayoko na nga sanang sumabay pa sa kanila ni mommy. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. Alam na ni daddy na may gusto ako kay Lester. And I know my dad, mas excited pa ito sa mommy ko kapag nalaman niyang I am interested to someone of the opposite sex. Ewan ko ba. Parang wala ng binantayan si daddy kundi ang personal life ko. Hindi ko naman siya masisisi. Kasi he just wanted me to be like a normal girl katulad ng mga anak ng mga kaibigan niya. Yung mga out going, party goers, mahilig mag shopping. Kahit nga daw araw - araw siyang magbigay ng panggastos sa akin pang shopping okay lang sa kanya basta alam niyang I am just like a normal girl.
Bakit? Ano ba ang hindi normal sa akin? Hindi ba normal itong mas gusto kong mag - isa? Hindi ba normal itong mas gusto kong marami ang nalalaman ko sa pagbabasa? I just want to be like this. Siguro natatakot lang si daddy na maging mongha ako. Kaya alam kong excited siya na meron akong type na lalaki.
"Good morning, iha." Nakangiti agad si daddy. Ngumiti din ako kay mommy at umupo sa harap niya. Kumuha ako ng bacon at fried egg at inilagay sa plato ko.
"Are you busy today Ellie baby?" Tanong ni daddy sa akin.
"'Tart, alam mo naman laging busy 'yang si Ellie." At naiiling na tumingin sa akin si mommy. "Wala nga siyang time pumunta sa salon to fix her hair. Puro split ends na 'yan. Lagi pang naka-pusod."
Napangiwi ako. Eto na naman si mommy. Gusto niya kasi lagi niya akong kasama 'pag pupunta siya sa salon. Gusto niya kapag nagpunta siya sa derma, sasama din ako. But I hate it. I tried once grabe ang sakit. Tapos ang tagal - tagal na nakahiga habang may nagkakalkal sa mukha ko. There is nothing wrong with my face kaya hindi ko naman kailangan magpa - cleaning ng face every week tulad ng ginagawa ni mommy.
"My hair is fine mom," sagot ko at nagsimulang kumain.
"Ellie, you will regret it one day. Dapat ngayon pa lang you start taking care of yourself," sabi ni mommy tapos ay napailing siya. "I don't know. You have the means para magawa mo ang lahat ng gusto mo. Buy new clothes, go to a salon, have a make over. Talagang hindi ka magkaka - boyfriend kung ganyan ang hitsura mo." Tonong nanenermon na si mommy.
Pinigil ko ang sarili at hindi na nagsalita.
"Helen, stop it. Let Ellie do what she likes." Sabi ni daddy at ngumiti sa akin.
"I don't know. Kahit si Brooke nawawalan na ng pag - asa kung paano ka niya imi - make over. Look at her. She is not pretty. Mas maganda ka naman 'di hamak sa pinsan mo. But, lagi siyang napapansin. Kasi marunong siyang mag - ayos." Sabi pa ni mommy.
"Mom, please. Can we stop this conversation? I don't want to be like Brooke, okay?" Kung alam lang nila kung paano magpalit ng boyfriend si Brooke.
Nagsimulang kumain si mommy. "Hindi lang brains ang importante, Ellie. Dapat may personality din."
I rolled my eyes and shook my head. Nakakainis. Feeling ko tuloy sobrang pangit ko kasi kahit parents ko nagsasabing hopeless case na ako.
"I'll be having a meeting with Lester Samson today." Parang anunsyo iyon ni daddy habang kumakain.
Para yatang tumalon ang puso ko pero hindi ako nagpahalatang interesado ako sa sinasabi ni daddy.
"Lester Samson? Who is that?" Tanong ni mommy. Naipagpasalamat kong nawala na ang atensyon niya sa akin.
"CEO of LES Constructions. Magaling na bata. Matalino. Good looking too." Sabi pa ni daddy. I know sinasadya ni daddy na sabihin iyon. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, alam kong ina - assess niya ang reaksyon ko.
BINABASA MO ANG
Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETE
RomanceLoner. Timid. Introvert. Those are just some of the qualities that Ellie Buencamino possess. She hates social gatherings, she hates the crowd. She hates the attention and she'd rather stay in the house and alone than socialize with people. Ever...