Time will reveal

58.4K 1K 138
                                    

Ellie's POV

Tanggap ko na ang nangyari sa amin ni Lester. Kahit kailan, mababaw lang ang pag - ibig na sinasabi niyang para sa akin. 'Yung time na sinasabi niyang mahal na niya ako, siguro may iba lang siyang plano kaya niya ginagawa iyon. Ngayon ko na - realize ang mga katangahan ko para sa kanya. Ngayon ko naisip na minsan hindi na rin tama kung nagmamahal ka ng sobra at wala ka ng itinira para sa sarili mo. Ngayon ko naisip na sana pala, minahal ko muna ang sarili ko bago ako nagmahal kay Lester. Siguro hindi ako masasaktan ng ganito.

Bingi na siya sa mga paliwanag. Sarado ang isip niya na makinig. So para saan pa kung magpapaliwanag ako. Sinaktan na naman niya ako noon, dinurog niya ako pero pinabayaan ko lang kasi mahal ko siya at umaasa ako na matututunan din niya akong mahalin. Pero nagkamali ako. Mali ang taong pinag - ukulan ko ng pagmamahal ko.

Lester doesn't deserve to be loved. Because all he cares about is his life and who else can he use para sa kapakanan niya.

Pero hindi ko alam kung talagang galit ang Diyos sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya kung bakit niya ako binibigyan ng ganitong sunod - sunod na pagsubok. Mabait akong tao. Wala akong sinaktan, wala akong inagrabyado. Pero bakit ganito? Bakit lahat ng taong mahalaga sa buhay ko, kinukuha niya?

Six months after ng mangyari ang huling pag - uusap namin ni Les, dad had a stroke. Dahil daw sa sobrang stress sa mga nangyari. He cannot take that his only daughter ay tampulan ng tsismisan sa opisina at sa mga kakumpetensiya niya sa negosyo. I was in the States already ng mangyari iyon. After kong pirmahan at maayos ang annulment papers namin ni Les, lumipad na ako papunta ng Amerika. I can't go back. I don't want to go back kasi napakasakit talaga ng lahat ng nangyari. And I don't want my baby to grow in a place na alam kong hindi naman siya tanggap ng tatay niya.

Wala naman nakakaalam ng tungkol sa pagbubuntis ko kundi si daddy at si mommy lang. I tried to tell it to Les pero hindi niya ako pinakinggan. He accused me na ginagamit ko naman daw ang pagbubuntis ko para mabilog ang ulo niya. So, I kept this myself. Kaya kong buhayin at palakihin ang anak ko kahit wala siya.

Dad did some investigations kung sino ang nagpakana ng sex video na kumalat. Kahit matagal ng nangyari iyon, kapag pinag - usapan ng tao, parang kahapon lang nangyari. But sadly, dead end lahat. Wala ng ibang cctv na makuha at hindi pa mahagilap ang babaeng nakipagkilala kay Travis ng gabing mangyari iyon. He didn't fire Travis although nag - resign na rin ito. Hindi rin niya siguro makaya ang tsismis. Pero lalaki siya. Walang mawawala sa kanya. Mas apektado ako kaya siguro hindi kinaya ni daddy.

Si Brooke lang ang tumawag sa akin at sinabihan ako na na - stroke si daddy. Biglang - bigla daw. They were having a meeting ng biglang dumaing si daddy ng pananakit ng ulo tapos bigla na lang natumba. Everything was so fast. Na - coma si daddy ng three weeks. Pero ng maging conscious, he cannot speak, he cannot move his body. Dad became a vegetable after his stroke.

Hindi naman ako agad makauwi noon. I am having a hard time conceiving and at the same time, I am taking care of my mom na nagsa - suffer naman sa depression. Dahil din sa nangyari sa akin. Dahil nga sa kahihiyang nangyari sa akin, damay lahat pati ang pamilya ko.

"Kamusta si daddy?" Kausap ko si Brooke. Ilang buwan ng nasa sick bed si daddy. Pero wala na siya sa hospital. He is staying in the house together with her private nurse and pinupuntahan siya ng personal doctor niya. Si Brooke na muna ang nag - aasikaso ng lahat. Ang business ni dad, ang pagkaka - ospital ni daddy noon at ngayon, ang pag - aasikaso sa pagkakaratay ni daddy. Napakalaki ng pasasalamat ko sa pagtulong niya sa amin.

"Okay naman si Uncle Nadz. Although bed ridden pero pakonti - konti may improvement naman. He can move his right arm already. Kailangan kasi ng consent ng any member of his family para ma-operahan ulit siya. The doctors found another blood clot. Hindi naman ako puwede," sabi niya sa akin. "Hindi ka ba puwedeng umuwi?"

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon