Know when to stop

56K 1.2K 70
                                    

Ellie's POV

Labong - labo na ang mata ko sa luha habang nakatingin ako sa papalayong si Les.  Lalo akong nasaktan ng makita ko siyang may nilapitan na babae at inalalayan niya papasok sa loob ng venue.  Ang sakit - sakit ng dibdib ko.  I should stop doing this.  Sobra na itong nangyayari sa akin.  Ganito ba ang kapalit ng pagmamahal kay Lester Samson?  Iyon lang naman siguro ang pagkakamaling nagawa ko.  Minahal ko siya ng sobra higit pa sa buhay ko.  Ibinigay ko ang lahat.  Wala na nga akong itinira sa sarili ko.  Sa kanya lang lahat.  Pero bakit ganito?

Nakita kong nakatingin sa akin si Travis.  Awang - awa siya.  Bababa siya sa kotse niya pero umiling lang ako.  I just want to stay here for a while ng mag - isa.  Lulubos - lubusin ko na ang sakit. 

"Are you okay, Miss?"

Mabilis kong pinahid ang luha ko at tiningnan ang nagsalita.  Lalaki iyon na galing sa venue.  Pero mukhang nagbabanda.  Mahaba ang nakataling buhok, maraming tattoos.  Lumapit pa siya sa akin kaya umurong ako.  Pero napahawak ako sa kotseng nasa tabi ko kasi parang nahihilo ako.

"Miss, what's wrong?" Nag - aalala ang boses niya.

Umiling lang ako at pinilit kong tumayo ng maayos.  Iyak lang ako ng iyak.

"Do you want me to bring you to a hospital?  You don't look okay," sabi niya sa akin.

"I just want to talk to him," mahinang sabi ko habang nakatingin ako sa venue.

"Who?  Are you an employee here?" Tanong pa niya.  Mukha naman mabait ang lalaki kahit nga parang durugista ang itsura niya.

Tumingin lang ako sa kanya at umiling.  "Sorry. I'll just go."  At naglakad ako paalis doon.  Nakita kong bumaba sa kotse si Travis.

"Hey.  Who do you need to talk to?  I am Lee Samson.  You can tell me if you have a problem with the company," habol ng lalaki sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.  Lee Samson?  Samson?  Kaano - ano ito ni Les?  Umiwas ako lalo sa kanya.

"Miss.  I can help you.  Just tell me who you are," sabi pa niya.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at tumingin sa kanya.

"I am Ellie Buencamino.  Ellie Buecamino Samson," napapiyok pa ako ng sabihin iyon.  "I - I am Lester's wife."

Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ng lalaking Lee ang pangalan ng marinig ang sinabi ko.

"Ellie, come on." Narinig kong sabi ni Travis ng makalapit sa akin.  Tumingin lang siya sa lalaking kausap ko.

"I know you are Travis Velasco.  Bestfriend ka ni Les 'di ba?" Paniniguro ni Lee.

"Noon," maikling sagot ni Travis.  "Let's go, Ellie.  He doesn't want you.  He won't listen to you." Sabi niya sa akin.

"Wait.  She is Les' wife?  For real?" Parang hindi makapaniwala si Lee.

"Lee, you know your brother will do anything that will benefit him.  Kahit makasakit siya, kahit manggamit siya, gagawin niya iyon.  That's what he did.  Ask him kung anong ginawa niya kay Ellie.  The problem with your brother, he is selfish.  Iniisip niya he is doing everything for his family.  Hindi niya alam, ang dami na niyang nasagasaang tao para sa pamilya 'nyo." Sabi ni Travis.

"Ano kung may nagawa si Ellie?  Ang kasalanan niya, she loves your brother more than her life.  Pero anong ginawa ng kapatid mo?  Dahil sa isang video na hindi nga niya inalam kung totoo, iiwan niya ang asawa niya.  I don't know what will happen to him.  Dahil isang araw, magigising na lang 'yang si Lester, wala na ang lahat sa kanya." Patuloy pa ni Travis tapos ay inalalayan ako.  "Let's go, Ellie."

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon