Ellie's POV
I'm travelling alone pabalik ng Manila. Usapan naman namin iyon nila Brooke na overnight lang ako sa Baguio with them. Saka hindi rin nakarating si Les. Nasiraan daw siya habang nasa biyahe kaya hindi ko na rin siya pinayagang sumunod. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Last night was a blast. 'Yung mga foreign investors pala na kasama namin, mahihilig sa party at clubbing. So, Danny rented a high end bar malapit sa hotel. First time kong naka - attend sa ganoon. Although alam ko na kung anong nangyayari sa mga ganoon, nakakagulat pa rin. Non - stop drinking, smoking, partying. Ang daming tao.
I didn't drink last night. Kahit pa nga paulit - ulit ng pag - alok sa akin si Brooke. Hindi naman kasi ako marunong uminom talaga. Kaya lemonade lang ang inorder ko. Saka inaantay ko rin si Les kung darating siya. But 'yun nga, nasiraan daw siya at baka nga masyadong gabihin kung bibiyahe pa. I don't want anything bad happen to him kaya hindi ko na siya pinapunta.
Grabe si Brooke. I saw her making out with Danny Yu. Natatawa nga ako kasi talagang halikan sila ng halikan sa harap ko kagabi. Hindi na nahihiya. Palibhasa mga lasing na. Hindi ko na nga alam kung ano ng nangyari sa kanila kasi biglang sumama ang pakiramdam ko. Sobrang nahilo ako kaya pumunta na lang ako sa room ko at nagpahinga.
Napangiti ako ng makita kong tumatawag si Brooke.
"What happened to you last night?" Tanong agad niya ng sagutin ko ang tawag niya. "Bigla kang nawala."
"Sumakit ang ulo ko tapos bigla akong inantok. Ikaw. Anong nangyari sa inyo ni Danny Yu?" Natatawang sabi ko.
Tumili si Brooke. "He was good in bed!"
Natawa na ako. "For real? Si Danny?"
"Ang landi niya kagabi, eh. Akala niya uurungan ko siya."
"Until when are you going to stay there?" Tanong ko.
"Baka maunang bumalik si Travis kasi ihahatid niya 'yung mga foreigners diyan. I think on the way na din siya. Si Danny pabalik na din. I might stay for a couple of days for the negotiations ng mga land." Sagot niya.
"Okay lang ba si Travis? Ang weird niya kasi kanina hindi niya ako kinakausap. Iniiwasan ako." Kasi nagtaka talaga ako sa kanya. Kami ang magkasama kagabi dahil ayaw din niyang uminom. Sabi niya maaga siyang gigising dahil sasamahan niya sa isa pang site ang foreign investor namin. Then may nakilala siyang babae kagabi. Landi - landian sila. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila. Basta ang usapan namin, sabay kaming magbi - breakfast kanina pero umiwas siya sa akin. I called him pero hindi ako sinasagot. Hanggang ngayon no word from him.
"Ewan ko 'dun. Bigla din nawala kagabi. Magkasunod lang kayo." Sabi ni Brooke. "Nako, pabayaan mo 'yun. May pagka - weirdo 'yang si Travis minsan, eh."
"Sige. See you soon. Ay baka pala matagalan bago tayo magkita uli. Mag - European cruise kami ni Les," hindi ko maitago ang excitement ko ng sabihin iyon.
"Really? Wow. Ang saya naman. Baka diyan na kayo makakagawa ng baby?" Nanunukso ang tono ni Brooke.
Nawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ko ang sinabing iyon ni Brooke. Baby? Hindi nga kaya? Naalala ko three weeks na akong delayed. Ngayon lang pumasok sa isip ko iyon dahil sobrang busy ko the past weeks.
"O, siya sige na. Enjoy 'yang euro tour 'nyo. Pasalubong ko, ha?" At pinatayan na ako ng telepono ni Brooke.
Parang ngayon ko na a realize iyon. Hindi imposibleng mabuntis ako dahil sobrang active namin ni Les. Parang ngayon pa lang ay masusuka na ako sa excitement.
Hindi pa muna ako tumawag kay Les ng makarating ako sa bahay namin. Alam kong nasa office siya. Bumili ako ng limang pregnancy test kit. Nanginginig pa ang kamay ko ng tingnan ko. Two red lines. Positive. Napalunok ako. I took another test, ganoon pa rin. Naubos ko na ang limang pregnancy test kit pero lahat iyon ang resulta.
Positive.
I am pregnant with Lester's baby.
Parang hindi ako makahinga sa saya. Ito na ang kapalit ng lahat ng sakripisyo kay Les. Mahal na niya ako tapos, magkaka - baby pa kami.
Isu - surprise ko siya.
———————>>>>>>
Les' POV
Kung hindi lang talaga importante na pumunta ako dito sa office ay hindi ko na talaga gagawin. Gusto kong mag - stay sa bahay at hintayin na lang si Ellie. Nag - text na naman siya na dumating na siya doon. Maliligo lang daw siya at doon na niya ako puntahan sa office ng daddy niya.
My sister Lei has been bugging me since yesterday. Gusto daw ng daddy namin na magkaroon ng anniversary party ang company. Kung ako, ayoko na sana. Gastos lang iyon but daddy wanted it. Thanksgiving na rin daw iyon sa successful na heart operation niya. So sige. Pagbigyan. Palabas na ako sa office ko ng makita ko si Katrina Alba na umiiyak papunta sa office niya. Yung anak ni Rod Alba na pilit niyang inirereto sa akin. Galing sa office ng kapatid kong rakista. Napailing ako. Mukhang may lover's quarrel ang dalawa.
I went to her office and found her crying. I consoled her para maipakita lang sa tatay niya na concern ako sa anak niya. Niyaya kong mag - lunch at sinamahan ko. Nagpalipas lang ako ng oras dahil wala pa naman si Ellie sa office ng daddy niya. Pagbalik namin sa office ni Katrina ay nakasulubong namin si Lee. Gusto kong pumalakpak ng makita ko ang simangot niyang mukha ng makitang magkasama kami ni Katrina. Lalo ko siyang bubuwisitin. Tingin kasi ng kapatid ko, gusto ko si Katrina. Hindi niya alam ginagamit ko lang ang babaeng iyon para buwisitin siya.
Pero hindi ako pinatulan ng kapatid ko. Umiwas na lang at umalis. Minsan din naman naiisip ko, sobra na din ang mga ginagawa ko kay Lee. He is still my brother and he is still part of my family.
Nang maghiwalay kami ni Katrina ay dumiretso ako sa office ko. I received a text from Ellie na nandoon na siya sa office ng daddy niya and waiting for me. May surpirse daw sa akin. Ano kaya iyon? Na - excite naman ako.
Dinampot ko ang susi ng kotse sa mesa ko ng may mapansin akong nakapatong doon. Napakunot ang noo ko at dinampot ko ang isang small envelope na nakapatong sa mesa ko. May nakasulat na "OPEN ME." Ano 'to?
Lumabas ako at pinuntahan ko ang sekretarya ko. "Freda, kanino galing ito?" At ipinakita ko sa kanya ang small envelop. Kinapa - kapa ko at may maliit na matigas na bagay ang nasa loob.
"Sir, may dumating na courier kanina. Para daw 'yan sa inyo. Tinatanong ko nga kung kanino galing pero umalis na lang din bigla," sagot ni Freda sa akin.
Binuksan ko ang envelope at maliit na flash drive ang nasa loob. May post-it na nakadikit at may nakasulat na "PLAY ME."
What the fuck is this? Kunot - noo akong pumasok sa office ko at isinaksak ko ang flash drive sa laptop ko. Isang file lang ang laman. "WATCH ME" ang title ng file.
I clicked it and isang video iyon. Raw video na parang kuha sa isang hotel. Wala ngang tao. Ano 'to? I fast forward it and bumukas ang pinto na scene ang nakita ako at may pumasok sa loob ng kuwarto. Bigla akong kinabahan. Si Ellie iyon. She looks disoriented, pasuray maglakad. Is she drunk? I saw she removed her shoes, she removed her blouse and fall down on the bed.
Napalunok ako. Sobra ang kaba ng dibdib ko. Parang hindi ko gusto ang susunod na eksenang makikita ko.
The door opened again, and this time lalaki na ang pumasok sa loob ng kuwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang kinikilala ko kung sino iyon. Nagtagis ang bagang ko at napakuyom ang palad ko. It's Travis.
Just like Ellie, he looks like he was drunk. He looked inside the room and he smiled when he saw my wife on the bed. He removed his clothes and lay beside Ellie. He touched her, then he started to kiss her. I saw my wife moved closer to Travis.
I can't watch it anymore. Parang sasabog ang dibdib ko. Dinampot ko ang laptop at malakas kong inihagis sa sahig. Sabog - sabog ang partes noon.
My wife. My bestfriend.
They are having an affair.
BINABASA MO ANG
Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETE
Storie d'amoreLoner. Timid. Introvert. Those are just some of the qualities that Ellie Buencamino possess. She hates social gatherings, she hates the crowd. She hates the attention and she'd rather stay in the house and alone than socialize with people. Ever...