Orchestrated

55.6K 1K 35
                                    

Ellie's POV

Kalat sa buong office ang nangyari. Sa bilis ng balita, kahit yata ang mga kakumpitensiya ni daddy ay nalaman na may affair ako kay Travis. May kopya din si daddy ng sex video at hindi rin niya alam kung kanino galing. Ipinadala lang sa kanya. Wala akong tigil sa pag - iyak. I tried to call Les pero ayaw niya talaga akong kausapin, I tried to go in our house pero hindi na siya umuuwi doon. Ilang araw akong pabalik - balik at nagbabakasakali na kausapin niya pero wala. Para na yata akong mababaliw.

Si daddy hindi rin niya ako masyadong kinakausap. I know masama ang loob niya sa nangyari. Paulit - ulit kong sinasabi sa kanya na hindi ako iyon. Hindi ako ang gumawa noon. Pero walang tangang maniniwala sa akin dahil pagmumukha ko ang naroon. Kami ni Travis ang nandoon sa video.

Almost two weeks na kaming hindi nagkikita ni Les. Talagang tiniis niya ako. Hindi man lang niya pinakinggan ang paliwanag ko. Galit ako kay Travis bakit ginawa niya iyon. He is still in the hospital because of broken nose, broken ribs gawa ng pagkakabugbog sa kanya ni Les. Kulang pa iyon kay Travis. Sa ginawa niya sa akin, sa pagsira niya sa pagsasama namin ni Les. Kulang pa iyon.

Ang laki ng ipinagbago sa bahay magmula ng mangyari iyon. Dad became quiet. Laging nag - iisip. Si mommy, ganoon din. Hindi siya masyadong naglalalabas. Iniiwasan niya ang mga friends niya. Alam kong affected sila dahil nalaman ng mga kakilala, ng mga staff nila na ang nag - iisa nilang anak ay may ka - affair na iba. May sex video pa.

Dad tried to look who took the video. He hired people to trace kung saan nanggaling iyon. But sadly, ang nakita lang sa cctv ng resto - bar ay ang waiter na nagbigay ng juice sa akin. From the cctv, kita na magkausap kami ni Travis. Masayang nagtatawanan. Wala talaga akong maikakatwiran. Kahit itanggi ko, makikita talaga doon na magkasama kami at posibleng may relasyon nga.

Tahimik kaming kumakain ng dinner. Hindi masyadong nagpapapasok si daddy sa office. Nawala talaga ang drive niya sa pagtatra -trabaho. Hindi ko pa sinasabi sa kanila na buntis ako. Kasi gusto ko, magkaayos muna kami ni Les bago ko sabihin sa kanila ito.

"Mam Ellie, may sulat nga po pala na dumating kanina para sa inyo." Sabi ng maid namin at iniabot ang sulat sa akin. Nakatingin lang sa akin sila mommy. Hinihintay na buksan ko ang sulat.

PETITION FOR NULLITY OF MARRIAGE.

Iyon agad ang nabasa ko. Parang naninikip ang dibdib ko. Les filed for an annulment of our marriage. Ang grounds: Infidelity.

Napasubsob ako sa mga palad ko at napaiyak. Bakit ganoon si Les? Bakit hindi man lang niya ako pakinggan?

"Ellie, what is that?" Tanong ni mommy.

Umiling - iling lang ako. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pag - iyak. Ang sakit - sakit ng dibdib ko.

Kinuha ni daddy ang sulat at napahinga siya ng malalim ng mabasa iyon.

"Nadz, what is that?" Tanong ni mommy.

"Nag-file ng annulment si Lester." Naiiling na sabi ni daddy.

"Pirmahan mo na lang 'yan. It's about time you end your craziness with that man," matigas na sabi ni mommy.

"Mom, mahal ko si Lester." Umiiyak na sabi ko.

"Mahal pero bakit mo ginawa iyon? I can't believe na magagawa mo iyon, Ellie. Grabe ang kahihiyan na ibinigay mo sa amin ng daddy mo," napaiyak na rin si mommy. This is the first time that I saw mom break down like this magmula ng mangyari ang eskandalo namin ni Travis.

"Mom, it's not me." Umiiyak na sabi ko. "Please, maniwala kayo sa akin. Hindi ko magagawa iyon."

"Just sign it, Ellie. You should know when to stop. He doesn't want you from the start. Now he has the reason to leave you. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa lalaking ayaw sa iyo," mahina pero matigas na sabi ni daddy.

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon