And we reach the last part of this story. Totoo. Ending is real mga Beshy!!! Magti - thank you na naman ako sa lahat ng mga nag - abang, kinilig, nainis, napuyat sa kakaabang ng UD. 😂 (alam 'nyo kung sino kayo hahaha). Salamat! I'm gonna miss Les and Ellie. Sa totoo lang, bukod kay Skyler, si Les ang favorite male character ko. Haha! for sure marami akong kaagaw sa kanya.
🤣😂
Again, thanks for reading guys. Nakakataba ng puso ang mga comments nyo, ang mga votes 'nyo. Huwag kayong magsasawa, ha? More stories to come na sana basahin 'nyo pa rin.PS. On going na yung story ni Travis. ABOUT LAST NIGHT ang title.
I love you all! 😘😘😘
——— Herby M.
Ellie's POV
Weird smell assaulted my nose. My head still feel lightheaded. I moved my arm and I felt tubes dangled from it. Sinundan ko ng tingin kung saan nanggagaling. Naka - suwero pala ako.
Iginala ko ang paningin ko at sigurado akong nasa ospital ako.
Shit. Pinilit kong bumangon pero mabigat pa ang katawan ko. I can feel that I still have low grade fever kasi medyo maginaw pa ang pakiramdam ko.
Bumabalik na lahat ng nangyari. Naalala kong nagpunta ako sa bahay nila Les. I was looking for him. Saan kaya siya? Alam kaya niyang maysakit ako? Dinalaw kaya niya ako? Nasaan kaya si Eddie?
Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at nurse ang nakita kong pumasok doon. May bitbit na chart at tiningnan ang suwero na nakasabit sa akin.
"Miss, may bumisita ba sa akin?"
"Yes, mam. May mga pumupunta naman po dito. Two days po kasi kayong walang malay," sabi niya sa akin.
"What? Two days?" Hindi ako makapaniwala.
"Yes mam. I'll inform the doctor na gising na kayo para mas ma - explain niya kung anong nangyari sa inyo." Sabi niya sa akin at lumabas na.
Two days na akong nandito? Muling bumukas ang pinto at si Lee ang nakita kong pumasok. Nakangiti agad siya sa akin. May dala siyang supot ng pagkain.
"How are you? May masakit?" Tanong agad niya at inilapag niya ang mga hawak niya.
Umiling lang ako. "Medyo hilo lang."
"Taas ng lagnat mo last time. Siguro hindi mo na kinaya kaya nag - collapse ka na," sabi niya sa akin.
"Si Eddie?"
"Sina mommy ang nagbabantay. Don't worry. He is in good hands," sabi pa niya.
Ngumiti ako ng mapakla. Gustong - gusto kong tanungin kung dumalaw man lang ba dito si Les pero nauunahan ako ng hiya.
"Kung marami kang gagawin, okay na ako. Siguro naman magaling na ako in a few days and I can take care of myself."
"Are you sure?" Nakakahiya naman kasi talaga ibang tao pa ang nagbabantay sa akin. 'Yung ini - expect kong tao na makikita ko sana paggising ko ay wala. Napahinga ako ng malalim. Grabe ang tigas ni Les. Talagang kapag sinabi niya, gagawin niya. Pero hindi ko siya masisisi. Ibinibigay lang niya ang gusto ko.
Tumayo si Lee.
"Kailangan ko din talagang umalis. May private gig pa kasi ang banda."
Natawa ako. Oo nga pala. Member nga pala ng sikat na Black Slayers and soon to be ex-brother in law ko.
BINABASA MO ANG
Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETE
RomanceLoner. Timid. Introvert. Those are just some of the qualities that Ellie Buencamino possess. She hates social gatherings, she hates the crowd. She hates the attention and she'd rather stay in the house and alone than socialize with people. Ever...