'Di ako maka - get over, eh. Nae - excite din ako kaya 'eto na ulit ang UD. Hehe. Enjoy 😊
Les' POV
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang hinalikan si Ellie. Para kasing nag - aanyaya ang mga labi niya. At ngayon ko naamin sa sarili ko, after how many months of being separated from her, I still miss kissing her.
But everything is changed.
Wala akong maramdamang init mula sa mga labi ni Ellie. She is just standing in front me letting me kiss her lips. But she is not kissing me back. I can feel the coldness from her lips.
Parang napapahiyang lumayo ako sa kanya and I saw her just looking at me. No emotions. Parang nandidiri pa nga siya sa ginawa ko.
"Are you done?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako makasagot kasi wala akong masabi. Ngayon lang ako nakaranas ng mapahiya ng ganito.
Tumawa si Ellie at inirapan ako bago siya bumalik sa upuan niya.
"If you think that I'll be down on my knees, will beg more for your kisses, nagkakamali ka. I don't want your kisses anymore, Mr. Samson."
"I'm sorry, Ellie. Nabigla lang ako."
"Wow. Nakakatakot ka palang mabigla. Bigla ka na lang nanghahalik," sarcastic na sabi niya.
Pareho kaming napatingin sa pinto ng biglang bumukas iyon at pumasok ang staff ni Ellie.
"Mam, there is an emergency. Si Eddie daw po," parang natatarantang sabi ng babaeng pumasok.
Ngayon ko nakitang nawala sa poise si Ellie. Bigla siyang tumayo at natataranta siya.
"What happened? What happened to Eddie?" Natataranta siya nagda - dial sa telepono niya. Parang hindi na nga niya ako pansin doon.
Who is this Eddie? Another boyfriend? May Travis na siya, and she is flirting with Danny. Now, there is another man?
"Manang, what happened to Eddie?" Dama ko ang kaba sa boses ni Ellie. Kasama niya sa bahay ang boyfriend niya?
Nakikinig lang siya sa kausap niya habang pailing - iling tapos ay naiiyak siya. She must love this Eddie so much at hindi ko maintindihan kung bakit parang may kumurot sa dibdib ko ng maisip ko iyon. Alam ko kung paano ma-inlove is Ellie. She would give anything for that man. I know that because she did that to me. Itinapon ko nga lang.
"Okay. Okay. Papunta na ako," at pinatay na niya ang telepono niya tapos ay kinuha ang bag niya.
"Do you need help?" Tanong ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Stay away from me. That's the help you can give," at iniwan na niya ako doon. Habang papalabas siya ay naririnig ko pa siyang nagbibigay ng instructions sa mga staff niya.
"Send him out. I don't want to see him anymore in my office. The next time this happens again, I'll get you all fired." Matigas na sabi ni Ellie.
Nakita kong pare - parehong napatahimik ang mga staff na naroon at masamang tumingin sa akin.
Hindi ko na hinintay na paalisin pa nila ako. Ako na mismo ang umalis doon. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nasisira ang diskarte ko. This is not me.
——————>>>>>
Ellie's POV
Patakbo akong nagpunta sa emergency room ng Makati Med. Agad kong hinanap ang anak ko at naabutan ko itong naglalaro sa kama at humahagikgik pa habang nilalaro ni Travis.
BINABASA MO ANG
Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETE
RomansaLoner. Timid. Introvert. Those are just some of the qualities that Ellie Buencamino possess. She hates social gatherings, she hates the crowd. She hates the attention and she'd rather stay in the house and alone than socialize with people. Ever...