Your dad is my dad

63K 1.1K 31
                                    

Les' POV

Hindi ako nakatulog magdamag ng makita ko ang picture na ipinakita ni mommy.  For the first time in more than a year, nagcheck ako sa social media.  Ang tagal kong umiwas dito dahil ayokong biglang may bumulaga sa akin na sex video ni Ellie at Travis.  Instagram, Facebook.  Those are the popular soc med sites na alam kong puwede kong i-check.  I tried to search for Ellie's profile sa social media accounts pero puro articles lang about sa pagiging new chairman niya ng Land Premiere ang naroon.  Nakahinga din ako ng maluwag dahil walang scandal akong nakita.  Alam ko kasi pinatrabaho talaga iyon ng daddy ni Ellie na huwag ng kumalat.  Hindi ko nga alam kung bakit walang nangyari sa investigation noon.  Bigla na lang nahinto.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko ang picture gallery.  Pinaforward ko kasi kay Lei ang picture kung saan naroon si Ellie at ang baby niya.  She was so simple in the picture.  No make up, pony tailed hair.  Napaka - soft ng features niya tulad noong una ko siyang nakilala. 

Fuck.  Hindi ako mapakali kaya bumangon ako.  Tumingin ako sa relo at nakita kong five - thirty na ng umaga.  Wala pa yatang isang oras ang naitutulog ko at alam kong hindi na rin ako dadalawin ng antok.  Hindi ko namalayan na inumaga na ako ng kakaisip at kakahanap sa internet ng tungkol kay Ellie.

I took a shower and got out.  Nag - drive ako papunta sa tinutuluyan ni Ellie.  It's an exclusive subdivision in Makati.  Good thing, I know someone who lives there kaya nakapasok ako.  I parked across Ellie's house.  Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito.  I just want to go here and see kung totoo nga na may anak na si Ellie.

Nakakainip maghintay.  Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naroon lang sa kotse ko at nag - aabang na may magbukas ng gate ng tinutuluyan ni Ellie.  Pero hindi naman ako nabigo.  Ilang minuto pa, bumakas ang gate noon at isang may edad na babae ang lumabas na may tulak - tulak na stroller.

Hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko.  Bumaba ako ng kotse at sinundan ko ang matanda habang tulak niya ang stroller.  Papunta sila sa playground ng village. 

Huminto sila sa isang spot at kinuha ng may edad na babae ang isang batang lalaki mula sa stroller at umupo.  She gave the baby a milk.

Lumapit ako sa kanila.

"Nahulog ho yata sa baby," sabi ko at iniabot ko ang isang maliit na sapatos.  Nakita ko na iyon na nahulog kanina pa mula sa bahay nila.

"Ay, naku.  Salamat," bulalas ng babae at kinuha sa akin ang sapatos.  "Naku, Eddie.  Tingnan mo natanggal na pala ang sapatos mo." Sabi pa nito at isinuot ang sapatos sa bata.

Hindi ako makapagsalita.  Just looking at the baby, pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko.  So, this is Eddie?  Walang ibang lalaki si Ellie.  She got a son.

"Anak 'nyo, ho?" Sabi ko.  This time, the baby is looking at me and reaching for me.  I tried to touch his hand and I can't explain the feeling.

"Alaga ko lang," sagot ng babae at tumingin sa likuran ko.  "Andiyan na ang mommy niya," sabi pa nito.  Lumingon ako at nakita ko si Ellie na naglalakad papunta sa lugar namin.  Naka - short shorts and fitted tee lang siya.  Nakatali ang mahabang buhok.  Mabuti na lang at hindi ito nakatingin dahil busy ito sa pagpindot sa telepono niya.  Mabilis akong umalis doon.  I know she hates me at mas lalo lang siyang magagalit sa akin kapag nakita niya ako doon.

I hid somewhere sa hindi niya ako makikita.  This time ay may kausap na siya sa telepono.

"Hey, Trav.  Are you sure about that?" She said.  Parang may good news siyang narinig.  Nakalapit na siya ngayon sa anak niya at nilalaro ito. 

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon