Prologue

795 21 0
                                    

Prologue

I stared at his eyes that were lovingly pointed at me. They were bloodshot, teary and the sincerity of it was very overflowing. Bumagsak na rin ang mga luha ko.

"I have something to tell you, Pink." He said as his tears fall.

Pumatak ng sunod-sunod ang mga luha ko habang diretso ko siyang tiningnan sa mga mata.

"What is it, Blue?"

"I-I love you..." yumuko siya at nanghina ang hawak niya sa mga balikat ko. "I have fallen for you, Pink. I'm so in love with you, l-long time ago..."

Humikbi ako sa narinig. Damn it! Bakit ba punong-punong ng emosyon ang mga mata niya? His eyes were screaming of so much expressions and the way he acted it, I got carried away. I should laugh myself for it!

"I'm sorry, B-Blue. You can't love me... I loved someone else,"

"I know... I also thought of that. But I still take it. Dahil hindi ko na kaya, Pink. Di ko na kayang maghintay pa ng ilang taon. Mahal na mahal kita,"

Nag-iwas ako ng tingin. God! Dalang-dala na ako. It feels so true. Isang salita lang ang hinihintay ko. Isang salita lang talaga ang gusto kong marinig and this will be all over. Oh please... shout that freaking word out!

"CUT!"

Halos magbunyi ako nang sa wakas ay isinigaw na ni Direct ang paborito kong salita. Thanks God! That freaking scene is done! Halos hindi ko na masikmura iyong kanina.

"Good job, love team! It was perfect!" pumalakpak si Direct sa tuwa. "Now, let's wrapped out and we will continue our taping tomorrow! Wrapped up na tayo!"

Kanya-kanyang galaw na ang mga shooting staffs nang isigaw iyon ni Direct. The backgrounds and the stage lights started to turn off at nagsipag-ayos na rin ang mga kasali sa shoot. As for me, I immediately wipe my tears away and stood up. But unfortunately, the warm and big hands stop me from walking out.

Napairap ako at inis na binalingan ang nagmamay-ari ng mga kamay.

"Ano?"

He smirked and stood up beside me. Mas lalo tuloy na gusto kong mainis sa kanya!

"Wait..."

"Ano na naman?"

Mas lalo siyang ngumisi. Bwesit! Hindi ba't kagagaling lang nitong umiyak dahil sa shoot? Bakit napalitan na naman ng nakakalokong ngisi ang walanghiyang mukha nito?

"Why are you mad again? Wala pa nga akong ginagawa?" ngisi niya at humakbang papalapit.

I stepped back but he moved forward. I stepped back again but he keeps on moving forward kaya sa sobrang inis ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Gosh, I really hate him!

"Bakit ba? Huwag ka ngang lumapit!"

Halos mapatili ako nang bigla niyang hinila ang braso ko papalapit sa kanya. Sumalampak ako sa matigas at malapad niyang dibdib na mas lalo ko namang ikinainis! Damn it! Ano na naman bang problema niya?

"Ano ba? Kanina ka pa, ah! Hindi mo ba malalampas ang ara na hindi mo ako inaasar? Kahit isang araw lang?"

Gusto kong isigaw iyon pero malas ko dahil marami pang tao sa set. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanilang ayaw na ayaw ko sa ungas na 'to! Nakakaasar!

Bahagya niyang sinulyapan ang dibdib ko bago tumingin pabalik sa akin. Tatanungin ko sana kung anong problema pero hinila niya ulit ako. Hahampasin ko na sana siya sa inis kung hindi lang umiba ang direksyon ng labi niya sa tenga ko. He blew a hot breath there and whispered.

"Change your see-through dress immediately. I can clearly see your bra," aniya at tumingin sa akin. "Color red..."

Nilampasan niya ako. My face immediately burned. Sa hiya ay tinakpan ko agad ang sarili ko. It took me a while before I realized na kahit see-through ang damit ko ay hindi nakikita ang nasa loob noon dahil may top naman ako. And my bra isn't red! Niloloko na naman ako ng lalaking iyon!

Napapadyak na lang ako sa inis. Masama ang tingin ko sa kinaroroonan niya at kulang na lang ay bugahan ko siya ng apoy doon para masunog nang todong todo. The brute just smirked at me.

Just great! I really hate you, Jebriel Sund Murillon!



Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon