Hatred 9

244 10 1
                                    

Chapter 9

Just Great

< JEBRIEL >

Kanina pa pabalik-balik sa paglalakad si Mamo. She kept on contacting Reign's number at napapamura kapag walang sumasagot. Namumungay na rin ang mga mata niya, halatang pagod na pagod.

"Jeb, si Reign... Hindi ko talaga siya makontak."

"She will be fine," pinanatag ko ang sarili ko. "I'll contact her. You should rest first."

"I am worried, Jeb. Baka mapa'no 'yon. Binalita sa akin ni Yeshen na wala siya sa condo niya. Ni hindi nagpaalam sa akin na aalis! And now she isn't answering her phone!"

I sighed. Damn girl! Saan na naman ba kasi 'yon nagsusuot?

My phone rang. Napatingin agad sa akin si Mamo nang sagutin ko ang tawag. It was from Reign's best friend, Ericka.

"Hello?" I buried my hands to my pocket.

"Hello, Jeb! Mabuti naman at sinagot mo agad! Nandito si Reign, lasing. Kanina pa hindi nagpapapigil."

My eyes widened. Kunot-noong lumapit sa akin si Mamo nang makita niya ang reaksyon ko.

"Jeb, sino 'yan?" she asked.

"Kanina pa talaga siya rito. Lowbat ang cellphone niya at wala akong number ni Tita Fea pati sa dalawang PA niyo kaya ikaw na lang ang tinawagan ko. Can you get her? I can't send her tonight and she passed out."

"Is she alright?"

"Yes. Payapa na siyang natutulog."

"Please tell me the bar. I'll be there. Thank you, Ericka."

Ibinaba ko agad ang phone at tumingin kay Mamo.

"Sino 'yon? Saan ka pupunta?"

"Susunduin ko si Reign. Dito ka lang muna."

"Bakit? Nasaan ang alaga ko? Okay lang ba siya?"

"She's drunk. But Ericka told me she's okay."

Napasapo na lang siya ng noo. "Gosh! I think I know why she gets herself drunk. Kinausap niya ang Mama niya kanina."

Bumuntong-hininga ako.

"I'll go and fetch her first. Magpahinga ka na," sabi ko.

"Sasama ako!"

"You rest, Mamo. Ako na ang bahala sa kanya."

"Pero—"

"Trust me, okay? I'll make sure she's alright." Kinuha ko ang jacket pati na rin ang susi ng kotse. "I'll take care of her."

Matagal siyang tumitig sa akin. Her eyes were bloodshot. Mas pagod pa yata 'to kaysa sa amin.

"Promise?" she asked.

I smiled. "Promise."

Lumabas na rin ako sa gusali nang sa wakas ay makumbinsi ko siyang huwag ng sumama. I drove my car out from the building. Ilang minuto lang ay narating ko na ang bar na tinext sa akin ni Ericka.

Pumasok ako sa loob at nadatnang hinihintay na ako ni Ericka roon. Ngumiti siya nang nakita ako.

"Where is she?"

"There," she pointed the sofa.

Nagtiim bagang ako nang makita ko roon si Reign, nakasubsob ang ulo sa table at may hawak pang baso ang isang kamay.

Damn, lady. Why are you drinking?

"Nagchopper ka ba?" biglang tanong ni Ericka.

Kumunot ang noo ko.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon