Hatred 12

230 8 1
                                    

Chapter 12

Good Kisser

Kanina lang ay sobrang sama ng loob ko. Pero ngayon na nagsisimula na ang shooting namin sa last scene, para naman akong hihimatayin sa sobrang kaba. Lalo na no'ng maalala kong... we will going to end this movie by a kissing scene!

If happens, it will be my freaking first time! Hindi naman ako nabahala no'ng tinanggap namin ang movie na 'to dahil sa ending lang naman mangyayari ang intimate kiss, pero ngayong magaganap na talaga, para naman akong aatakihin.

"God, I thought I can be all professional in this," frustrated kong bulong sa sarili. "Bakit ako kinakabahan ngayon?"

This is just for work. No malice at all. You are professional.

"Calm down, Reign. One scene lang 'to. Kailangan mong isurvive 'to para hindi na makailang take."

Ginulo ko ang buhok ko. Why am I even overthinking? Dahil ba first time ko sa kissing scene at natatakot akong magkamali? Pero mukhang sa ibang bagay naman ako kinakabahan, e. Hindi ko na alam.

"Miss Reign? Are you okay? Kanina niyo pa po ginugulo ang buhok niyo. Nasisira po," usal ng isang stylist sa akin na noo'y inaayusan ako.

"I'm sorry. Pwedeng pakiayos na lang ulit? Pasyensiya na."

"Sige po."

Sinulyapan ko ang gawi ni Jebriel. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang nakikinig sa instructions ni Direct. Mukhang okay lang naman siya. Hindi naman kabado o ano. Ako lang talaga itong parang sasabog na.

I prayed silently that I can survive the scene. Siguro tatanggapin ko na lang kung hindi nga magiging one take. Ni hindi ako sigurado kung marunong nga akong humalik. Ang mga angles lang ang prinactice namin kanina. Confident naman ako sa lahat, maliban lang talaga sa ganito.

* * *

Kanina pa pinagpapawisan ang mga kamay ko. Everyone was so quiet now and the camera started rolling. Magkaharap na kami ni Jebriel ngayon, seryosong-seryoso ang mga mata niya habang nakatitig naman ako sa kanya ng diretso.

"I travelled the whole town just to find youT-Tapos... nandito ka lang pala," namamaos niyang sabi at dahan-dahang nilapitan ako.

Napalunok ako, hindi dahil sa iyon ang kailangan kong gawin sa script kundi dahil kinakabahan lalo ako. My heart pounded so fast. Binalot na rin ako ng takot na baka magkamali ako sa gagawin.

"Do you know how I was when you left without even saying goodbye? You left me so miserable."

Marahan niyang hinawakan ang beywang ko at dahan-dahan niya akong hinila papalapit sa kanya. Nagbaba ako ng tingin, hindi sigurado kung nasusunod ko pa ba ang script dahil kusa na lang ang nagiging reaksyon ko.

Marahan niya akong niyakap. Hinagkan niya ang ulo ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. It felt so natural to him. Ni hindi ko man lang naramdaman na kinakabahan siya. He's really a very good actor.

"You hurt me so much, Pink. You're the only one who can hurt me this way. Pero nagawa kong kalimutan ang lahat ng 'yon dahil mahal kita. Mahal na mahal kita."

Binitawan niya ako at iniharap sa kanya. His tears fell effortlessly, with full of emotions, as if it was really what he felt at the moment. Tears molded in my eyes, too.

"I-I'm sorry..." sabi ko.

Tumango siya nang marahan. Nagsimula na namang maghurumentado ang puso ko nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mukha. He leaned down and slowly, he started kissing my forehead.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon